Chapter Twentyseven: End Of Our Dance
Airyn's Point of View
WAAAH! Kawawa naman ang Babu Pochoochoo ko. Hindi ko na siya naaalagaan ng maayos. Palagi nalang busy sa school. Tapos busy pa sa amo niyang nagyaya ng date!
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan dahil sa date. I've been there before but this feeling is very different. Para akong aattend ng grand ball sa palasyo ng isang prinsipe.
Dahil sa excitement sa date na ito ay agad akong bumaba. Maya't maya ay mag-aalas siete na. Maya't maya ay sasalubungin na ako ni Dylan Go, ang guwapo kong ka-date ngayon.
"Yaya, do I look gorgeous?" hindi ko alam bakit conscious na conscious ako sa look ko ngayong gabi.
I have to be beautiful. I have to make him fall for me even more. I will be beautiful for the man of my life, for the man that will probably be my last.
Ang saya ko lang dahil nakilala ko si Dylan Go. Ang manyak na si Dylan Go! Ang jerk na si Dylan Go!
"Anak naman, ang ganda mo kaya! Huwag ka ngang nagmumokmok dahil sa hindi mo ramdam ang kagandahan mo!" sabi ni yaya.
"Lapit ka nga dito," utos niya sa akin na akin rin namang ginawa,"you're beautiful in and out. Tandaan mo lagi na ang ganda mo. Ang ganda-ganda mo!" sabi pa ni yaya sabay ayos ng pa-side bangs ko ngayon.
Ngumiti ako at agad na pumunta sa harap ng malaking salamin.
"Maganda ka Airyn. In and out, you are beautiful. Sigurado ako na maaappreciate ka ng date mo ngayon." sabi ko sa sarili.
Nakangiti sina Mom at Dad habang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanila at agad na humalik sa kanilang mga pisngi.
"Ganda mo anak." sabi ni Dad.
"Aba, mana sa akin iyan!" sabi naman ni Mom.
Tumingin si Dad kay Mom at binaling sa akin ang kaniyang mga titig. He's comparing my looks and Mom.
"Hindi naman ah! Tingnan mo nga sa salamin ang hitsura mo! 'Sus! Sa akin nag-mana ang anak natin! Her eyes, chin, nose and everything!"
Natawa ako nang binatukan ni Mom si Dad. Para silang mga bata na nagbabangayan.
"Hoy Graciano! Maka-everything ka akala mo naman totoo! Sa ibaba palang, sa akin na nagmana! Kaya manahimik kang lalaki ka ha!"
Natatawa talaga ako sa kanila. And ofcourse, natutuwa dahil kahit na ganito kaming uri ng pamilya ay masaya at natututunan namin pasayahin ang isa't isa.
Yumakap ako sa kanila kaya ay natigilan sila sa bangayan nila kung kanino ako nagmana.
"Mom, Dad, I am so blessed for having you in my life! Hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamatan sa lahat-lahat! Salamat dahil binuhay niyo ako." naiiyak na ako rito.
"Anak naman, para ka naman nagpapaalam na ikasal na. Date lang iyan ha!" sabi ni Mom.
Dad cleared his throat.
"Kung date, date lang. Uuwi ka agad Airyn ha! At isa pa, huwag ka nga nagsasalita ng ganiyan. Baka hahabulin ko ng itak ang lalaking kukunin ka sa amin ng Mom mo."
Nagtawanan kaming muli. I'm so blessed for having them both into my life.
Maya-maya ay may nagdoorbell kaya naman huminga ako ng malalim. Alam ko na siya na ito. Malapit niyang maabutan sila Mom.
"AY! Guwapo!" bulyaw ng isa sa aming mga katulong.
Lumingon ako at pumunta sa pintuan. I was mesmerised by his charm.
BINABASA MO ANG
Matched With The Jerk
RomansaHe's a jerk. She's broken. She danced. He was captured. And everything started to fall on it's own place.