Chapter Twentyone: The Hero

30 1 0
                                    

Chapter Twentyone: The Hero

Dylan's Point of View

Nasa bahay ako ngayon. Nakatanaw lang sa labas ng bintana. Maaga akong umuwi kasi nandito sa bahay si Ate dahil may sasabihin siya.

"Dylan!" galit na galit si Ate.

Lumingon ako sa kaniya at agad na tiningnan kung ano ang hawak niya. Ito iyong maliit na calendar na tinistek ko after uminom ng gamot.

"What?" sinusumpong kong tanong kahit na alam ko kung ano ang punto ng tono ni Ate.

"Dylan, bakit mo tinigil ang pag-inom ng gamot? Dylan hindi mo dapat ginawa iyon."

"Ate okay na ako! Wala na ang tumor sa utak ko! Kaya please, hayaan mo ako!"

May kinuha siyang isang envelop. Kaya ayaw ko talaga na pumupunta dito si Ate Meghan sa bahay kasi kahit ano nalang pinakekealaman niya. Nakakainis!

"Heto ba ang sinasabi mong okay? Heto ba ang sinasabi mong wala ng tumor sa utak? Look at this Dylan, umeexpand na lalo ang tumor sa utak mo! Ano ba Dylan!" nanginginig na ang boses ni Ate habang winawagayway sa harap ko ang latest X-ray ng utak ko.

Oo, may sakit ako. Tumor sa utak. Noon akala ko gagaling na ako kaso hindi pala e. Pinipigilan lang ng mga gamot ang pag-sakit ng ulo ko pero hindi iyon sapat para mawala ang tumor.

Kaya ako masyadong high-blood noong ayaw makipagrelasyon ni Airyn sa akin dahil sa sakit ko. Gusto nito, nakukuha ko lahat ng gusto ko. Gusto nito, nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. I got Airyn kaya tinigil ko ang pagte-take ng gamot. Nang nakilala ko kasi siya, kumalma na ang utak ko at nako-control ko na ito.

"Ate hayaan mo na. Hindi naman na ko gagaling. At magiging masaya akong mamatay dahil nakilala ko si Airyn. Ate tanggap ko naman na hindi na ako magtatagal sa mundong ito." I said.

Umiling si Ate. I saw tears from her eyes and traveled down her face.

"Hindi ka gumaling kasi hindi ka pumayag sa second option. Magiging masaya ka dahil nakilala mo si Airyn. Pero minsan ba natanong mo, kung magiging masaya ang mga taong iiwan mo? Ako, si Rara, si Airyn at mga parents natin? Dylan, hindi kami magigibg masaya and we'll never gonna be!"

Hindi ko inisip na tama pala si Ate. Magiging masaya akong mamamatay pero sila maiiwan na malungkot. Too fool of me.

"Huwag kang selfish Dylan. Mahal ka namin! Marami kaming mawawalan ng mahal sa buhay. Alam ko na kung may higit na masasaktan dito, at si Airyn iyon. Mahal na mahal ka ng tao Dylan. Karapatan niyang malaman kung ano ang sitwasyon mo!" ani Ate at agad humagulgol sa iyak.

Gusto ko naman talaga sabihin kay Airyn na may sakit ako. Gusto ko na malaman niya na hindi ako magtatagal sa mundong ito. Ang problema, hindi ko alam paano sasabihin sa kaniya. Ang dami niya pang iniisip kaya ayaw kong dumagdag.

"Enough na." sabi ko habang niyakap ang kapatid ko.

"I don't wanna lose my little brother. I can't afford it Dylan. Ayaw ko mawalan ng baby boy."

Napaiyak narin ako sa sinabi ni Ate. Hindi ko man lang naisip ang sitwasyon niya. She took care of me from the very beginning and now I am going to pay her this thing?

"I'm so sorry Ate. Babalik na ako sa pag-iinom ng gamot."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

Maya-maya ay nakaupo na kaming pareho sa sofa na nakaharap sa malaking TV. Kasalukuyan kaming nanonood ng Barbie iyong Mariposa and the Fairy Princess. Hindi po ako bakla pero iyon talaga bonding namin ni Ate, manood ng Barbie. Nasa kalagitnaan na ang movie nang biglang nag-ring ang telephone. Since malapit si Ate sa telephone ay siya na ang sumagot.

Matched With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon