Epilogue: Matched With The Jerk

81 2 0
                                    

Epilogue:

Inaayos ko ang buhok ko sabay ngiti sa malapad na salamin. Ang ganda ko talaga.

"Arf! Arf!"

Nilingon ko si Pochoochoo na ang laki na ngayon. Hindi ko na siya mabuhat kaya ang ginawa ko nalang ay ginulo ko ang balahibo niya sa ulo. Yay! Ampogi talaga ng aso kong ito. Mana sa amo niya.

Hinalikan ko si Pochoochoo kaya dinilaan niya ako sa pisngi. Kalerks!

"Stay here! Babye Babu."

Pumaibaba ako at nakita na, hays, wala na namang tao. For sure busy na ulit sina Mom and Dad. I made a smile at lumabas.

Pinuntirya ko ang sasakyan ko at agad na pumasok dito.

Agad ko itong pinaharurot.

Nasa labas na ako ng Dylan's Hang Out. Huminga ako ng malalim at agad na tumungo sa loob nito.

"Ready na ba lahat?" tanong ko sa kanila.

Paano ba sila magiging ready? Si Eunice na lead guitarist ay panay chikahan pa sa mga lalaking costumer ng bar ko! Yes, Bar ko! Binili ko ang bar na ito kasi naman dito nabuo ang kuwento namin ng pinakamamahal kong jerk. And I bought this kasi mahal na mahal ko si Dylan! He'll be my forever jerk! Nakakamiss tuloy siya. Ayst! Teary eyed na naman ako. Balik luha! Balik!

"Sista, ayusin mo ang guitara mo! Puro ka lalaki diyan!"

Binaling ko ang tingin ko kay Celine at nakita kung ano ang ginagawa ng loka! Anak naman ng uwak, hindi ba siya nabibigatan sa foundation sa mukha niya? Hay naku!

"Celine, tama na iyan! Check mo na ang bass baka may hindi tugma."

"Don't mind it! Si Kuya drummer naman napagbibintangan e! Ahahahaha!" loka nga.

"Kinasisiya mo naman?" ani Kuya drummer.

Nagtawanan sila. At teka, parang may kulang. Nasaan na ang organ player dito?

"Cousin, si Ate?"

"Ewan ko sa ate mo, sa dinami-dami kasi ng puso na binigay sa kaniya. Iyong puso na puno ng emosyon. Umiiyak iyon kanina kasi hindi daw makapaniwala na buhay daw siya!" Celine flipped her hair, "E magti-three years na o!"

Maya-maya ay dumating na si Ate Aliah. Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Ready ka na?"

"Oo naman! Hindi lang ako makapaniwala na---HUHUHUHU! UWAAAAAAH!"

Oo, gumaling si Ate Aliah dahil sa miracle na binigay ni God. Pero iyon nga ang problema. Palagi nalang emosyonal.

"READY NA?"

"DYLAN's BAND IS ON THE WAY! Woaaaah!" sabay naming sigaw.

Dahil sa mahal na mahal na mahal ko si Dylan Go ay bumuo ako ng banda. Useless nga ang paaudition na ginawa ko dahil naging bias ako sa mga napili ko. Malay ko rin ba naman na may mga hidden talent sila.

Sino ang vocalists?

Teka,

Sino nga ba?

No need to ask further, ako po na inyong abang lingkod ang isa sa mga pangunahing mang-aawit! Pero may isa pa at late na naman siya. Kaya nga nag-sisisi ako bakit ko tinanggap ang isang iyon. Palagi nalang siya nagiging exception kapag late na pinag-uusapan.

"Natupad ko na ang pangarap mo na magkaroon ng sariling banda, Dylan. I love you." ani ko sabay halik sa picture niya.

Huminga ako ng malalim at tumakbo sa gitna ng stage.

"Magandang gabi sa mga loyal costumers namin diyan at walang sawang nakikinig sa aming mga kanta. At this night, I just want to sing this song dahil namimiss ko ang lalaking..." medyo cracked ang boses ko sa dulo.

"Ahhhh." malungkot na sambit ng halos lahat.

"ang lalaking dahilan kung bakit ako na nagmamay-ari nitong bar na ito at kung bakit may DYLAN's BAND. At dahilan kung bakit ako lumalaban hanggang ngayon. At mahal na mahal ko hanggang ngayon at magpakailanman."

"Sana all!" sigaw ng mga tao.

Natawa lang ako sa sigaw nila.

"This song is the song that keeps on making me fall in love with the same man all over again, because I see sparksfly whenever he smiles."

Sinimulan ng tugtugin ng mga kabanda ko ang intro ng kanta. Ang saya lang, kahit wala na si Dylan ay nanatili parin ang kaniyang mga ala-ala.

"The way you move is like a full on rainstorm
And I'm a house of cards
You're the kind of reckless that send me running
But I kinda know that I won't get far"

Winagayway ng mga tao ang kanilang mga kamay sa ere. Nakakakita ako ng mga lovers na sumasayaw pa. Ang sarap mainlove!

"And you stood there in front of me just
Close enough to touch
Close enough to hope you couldn't see I was thinking of..."

Sinasabayan na kami ng mga tao.

"UWAAAAH!"

"GUWAPOOOOO!"

Ako guwapo?

"Drop..."

"Drop everything now
Meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk
Take away the pain
'Cuause I see, sparksfly whenever you smile
Get me with those green eyes, baby
As the lights go down
Give me something that'll haunt me when you're not around
'Cause I see, sparksfly whenever you smile..."

Lumingon ako sa kumanta. Nandito na ang palaging late. Kainis! Bakit kasi siya naging cute at hindi ko siya kayang paalisin sa grupo? Baka kasi, mawalan kami ng fangirls! Yeah, siya ito, iyong maattitude na cute! Tsss!

"Better late than never!" bulong nito sa akin nang binigyan ko siya ng mapagbantang titig.

Hindi ko na siya ininda pa. Bahala siya sa buhay niya. Pero mamaya lang siya sa akin, babawasan ko talaga ang TF niya. Bale 20% nalang ibibigay ko. Mehehehe!

Nung nasa huling chorus na kami ng kanta ay agad niyang hinatak ang kamay ko. Kainis na lalaki ito! Pasikat masyado!

So hayun para kaming sumasayaw. At ang mga tao naman ay kinilig. G!

"Drop everything now
Meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk
Take away the pain
'Cuause I see, sparksfly whenever you smile
Get me with those green eyes, baby
As the lights go down
Give me something that'll haunt me when you're not around
'Cause I see, sparksfly whenever you smile..."

"I see sparksfly, whenever you smile." sabi niya nang tapos na ang kanta.

The End...

A/n:

And doooooone! I love you sa mga nagbabasa at sumubaybay sa lame na kuwentong ito.

Lessons:

•Always forgive
•Love beyond limits! Kahit na sa kabilang buhay pa ang mahal mo, hindi iyon rason para hindi mo siya mahalin!
•Always pray!

So dahil tapos na ay nagagalak ako ng sobra!

Ganito pala ang nararamdaman ng isang manunulat kapag natapos niya ang isang kuwentong sinusulat niya? Ang saya lang! Kahit walang mambabasa, it will always be a writer's happiness. Woah!

Love, Hyung.

•••GOD BLESS EVERYONE•••

Matched With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon