Chapter Five: Warm Hug
Airyn's Point of View
Ang boring ng mundo!
Tumayo ako at sumilip sa bintana. Uulan yata. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang bumuhos ang ulan. Namimiss ko na naman si Haile. I still remember our moments under the rain. Paborito kase namin maligo at mag-kulitan sa ulan.
"Ang ganda mo." he always muttered.
"Why you always say that?"
"Kase mahal kita. At dahil mahal kita, ikaw lang ang pinakamagandang babae para sa akin!"
Bumalik ang aking katinuan subalit gumuhit pala pababa ang butil ng mga luha sa magkabila kong mga mata. Nakakalungkot isipin na ang mga magagandang bagay ay mananatiling alaala nalang.
"Miss?"
Lumingon ako at nakita ang isang estudyante na may hawak na coffee.
"Yes?"
"Pinamimigay nang lalake--- hala, nawala!"
Sumilip din ako sa labas pero wala ng tao. I knew it already, kahit na hindi pa siya magpakita sa akin. Kinuha ko ang kape at nagpasalamat.
"Alam mo miss, pinaghahabol 'yang boyfriend mo dito sa campus natin. Kung ako sa iyo, pahahalagahan at e-dodouble guard ko iyan. He's so handsome to guard on and too caring to let go."
Natawa lang ako sa sinabi nang babae. Ilan kaya binayad ng jerk na iyon para i-pagmayabang siya?
I look at the coffee and I noticed the note.
"Drink this coffee! I'm so hot! Love, D."
"Jerk!" natawa ako sa nabasa ko.
Kailan kaya titigil ang isang ito? Hays! Kasalanan talaga ito ni Eunice kung bakit nakilala ko ang jerk na ito.
Ininom ko ang kape habang nakamasid sa labas. Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong lagukin ang huling lagok ng kape na pinahatid ng jerk. Aksidenteng nalaglag ang takip nito at gumulong palabas. Sinundan ko ito ng sinundan. Nakita kong bumangga ang takip sa sapatos ng lalaki. Bigla kong inangat ang aking tingin.
And suddenly, I can't even give a breathe.
"Ha-Haile?"
Kanina inisip ko lang siya, but now here he is, breathing and flesh. Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ng puso ko. Maging ang plastic cup na hawak ko ay nasa sahig na pala ng hindi ko namamalayan.
"Haile." muli kong binanggit ang pangalan niya.
Nakatitig lang siya sa akin. I can't read his thought. Pero alam ko na nagulat rin siya nang makita niya ako.
"Haile you're here!" lumapit ako sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigpit.
Ang higpit ng yakap ko sa kaniya, parang ilang dekada na kaming hindi nagkita.
Tears suddenly travel my face downward. What hurts the most? Iyong ang saya mo na makita siya pero para sa kaniya parang wala lang. Hindi man lang siya yumakap pabalik. Hindi man lang niya ako kinamusta. Hindi niya man lang hinaplos ang buhok ko tulad ng ginagawa niya noon. Habang ako itong si tanga, halos mabaliw sa saya nang muli siyang makita. Too fool of me! Too fool of being in love!
Nasa rooftop kaming dalawa ni Haile ngayon. Naka-tanaw siya sa malayo habang ako ay taimtim na pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Gumuwapo siya lalo. He became the better version of his self.
"I'm here to say good bye."
Napalunok ako ng laway ng wala sa oras. Muli na namang napunit ang puso ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Matched With The Jerk
RomanceHe's a jerk. She's broken. She danced. He was captured. And everything started to fall on it's own place.