Malapit ng halikan ng baga ng sigarilyo ang filter nito. Habang ako ay nakatitig lang sa kawalan, hawak hawak ang paubos na yosi.
Pinag mamasdan ko ang mga barker na pinapatunog ang barya sa kanilang mga kamay, mga yapak ng mga taong nag mamadaling makauwi, mga maiingay nakwentuhan ng mga senior highschool, animo'y mga bata. Musika sila sa tenga ko. Alas kwatro na ng hapon. Pauwi na sana ng magsimulang pumatak ang ulan.
"Tang ina." salita na umalingawngaw sa isipan ko. Pero ayos na rin ito dahil magdamag lang naman akong magkukulong sa kwarto. Mula sa marahang mga patak ay unti unting lumalakas ang tunog ng ulan. Mapapahaba ata ang pag tambay ko rito. Kinapa ang bulsa upang hanapin ang natitira kong sigarilyo, sinindihan gamit ang nakaw na lighter. Hipak, buga, pinag mamasdan ang usok na unti unting nawawala.
At sa pag titig ko sa pawalang usok ay nagpakita ka.
Maiksing buhok na may suot na salaming may mga patak ng ulan, hindi normal na kasuotan sa panahong ito na may dala-dalang brown na back pack. Takpan man ng magulo mong buhok ang kahati ng iyong mukha hindi mapagkakaila na maganda ka. Isang magandang dilag na-"Putang ina kuya yung yosi mo."
Napatigil ako habang tinitignan ka lang papalayo. At ang tanging salita na nailabas ng aking bibig..
"Putang ina mo rin."
BINABASA MO ANG
MUNIMUNI
Short StoryMga storya na kumawala sa aking isipan, Dito sila nag tatago. Alam kong nais nating malaman ang storya ng iba kaya't simulan na ang pagbabasa. Fan of poetry? Please check out HIRAYA. Link below! https://www.wattpad.com/story/210579797-hiraya