Regalo

46 5 0
                                    


Setyembre. 

Setyembre pa lang iniisip ko na ang darating na pasko. Iniisip kung ano ang dapat na iregalo. Relo? Damit? Make up? Hindi ko alam. Di ko alam kung ano ang hilig nya, kung ano ang mga bagay na gusto nya. Nasa mayaman na pamilya kaya't ano pa ba ang maibibigay ko? Lumipas ang buwan ng Oktubre. Sakto ang buwan dahil naisip ko na drawing ng mukha nya na lang ang ibigay ko. Pumunit ng papel, nag simulang gumuhit. Ang daming mali kaya't pinunit ang pinunit na papel at pumunit ulit at pumunit ulit at hindi ko ma perpekto ang itsura nya. Mag iisip na lang ng iba. Nobyembre, nakakatakot ang buwan na to dahil malapit na ang Disyembre at Disyembre na. Nawawalan na ako ng oras. Walang ipon, walang talento. Sapat ang 3 buwan na lumipas para makaipon ako ng lakas ng loob para batiin ka. Lumapit ako sayo. "Merry Christmas!" Nakita ko kung paanong nawala ang masaya mong ngiti sa mukha at nalaman ko ng sabihin mo na. 


"Iglesia ako."

MUNIMUNITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon