Sa Muli Mong Paglapit

40 5 0
                                    


     Alas otso ng umaga. Nakatulala sa kawalan kahit na alam kong mahuhuli ako sa klase.

"Putang inang buhay to."

 pabulong ko sa sarili. Mag isang humihiga, mag isa ring bumabangon. Mag isang kumakain, mag isang nag aasikaso. Araw araw na lang. Inubos ko muna ang nanlamig kong kape bago nag desisyon na umalis. Dumaan muna ako sa tindahan ni Aling Mila bago pumasok para manigarilyo. Sakto sa pag sindi ko ng stick ang pag tulo ng ulan sa kalupaan. Malas talaga. Inuubos ko ang sigarilyo ng makita ko ang isang babaeng tumatakbo palapit sa tindahan. "Makikisilong po." pangiti nyang pag sabi habang pinupunasan ang sarili. Isang babaeng nakasuot ng itim na jacket. May maiksi at magulong buhok. Walang kolorete sa mukha pero ayos na rin iyon, hindi naman din kasi nya kailangan. 

"Kailan kaya titila to?" pabulong na tanong nya, hindi ko alam kung ako ba yung kinakausap nya o kinakausap nya lang talaga ang sarili nya pero sapat ang kapal ng mukha ko para kausapin sya. 

"Sana nga tumila na eh. Ma la'late na ko sa first subject ko." tinignan ko sya at saktong nakatingin rin sya sakin.

"Parang kilala kita." sambit nya na may kasamang pag ngiti. 

Dito. Dito nag simulang mag bago ang takbo ng buhay ko. Salamat sa matagal na pag ulan at matagal ko syang nakausap. Nalaman ko kung saan nya nag aaral at Fine arts ang kanyang kurso. Nasabi nya sakin ang opinyon nya sa mga balita. Napag kwentuhan din namin ang mga paborito naming pelikula, nakakatuwa dahil may mga pelikula na parehas naming paborito. Masaya ang pag uusap namin, o dapat ko bang sabihin na masaya syang kausap. Simula noon ay palagi na kaming nag kikita. Mas nakilala ko pa sya ng husto at masaya ako pag kasama sya. Naging matalik na magkaibigan pero naramdaman ko na higit pa sa pag kakaibigan ang gusto namin. 

Nag tapat ako sa kanya at nag tapat din sya sakin. Ilang buwan ang lumipas ng mag desisyon kami na magsama. Simula noon, araw araw na akong ginigising ng kanyang mga halik. Babangon sa kama na may almusal ng nakahain. Magkasabay na maligo at mag asikaso at hindi na nanlalamig ang kape. Masaya ako sa kwento naming dalawa. At katulad ng mga kwento, hindi lahat ng pahina ay masaya. Isang araw nag bago ang lahat. Wala ng lasa ang mga halik, wala ng init ang mga yakap. Kung minsan nag sasabay kaming umalis,may pagkakataon na gigising na lang ako na nakaalis na sya. Minsan ako ang nauunang umalis at kung minsan dumadaan ang araw na hindi kami nakakapag usap. Na pagtanto ko ng mapansin kong nanlamig na ang aking kape. Isang gabi, umuwi ako at naabutan ko syang nag iimpake. 

"San ka pupunta?" tanong ko sakanya habang tinititigan sya. 

"Josh, tanggapin na natin. Alam kong sawa ka na at sawa na rin ako. Mas mabuti pa siguro na itigil na lang natin to diba? Kesa ipagpatuloy pa to e parang wala na rin naman. Sana makaya ko to, sana makalimutan kita."


Tinignan ko lang kung paano sya umalis, kung paano ang kanyang likod na pawala ng pawala sa paningin ko. Ito ang eksena na araw araw kong napapanaginipan. Panaginip na araw araw gigising sakin na mag papaalala kung bakit hindi ko sya pinigilan. Mahal ko parin sya. Ilang buwan ang lumipas. Wala na akong balita sakanya. Hindi ko na matandaan ang kantang mukha pag natutulog, ang kanyang mga mata,tunog ng kanyang mga tawa at lambot ng kanyang labi. Pero hindi ko parin malimutan ang pakiramdam tuwing kasama sya. Sya ang nag ahon sakin sa kalungkutan at sya rin ang nagbalik sakin dito. Natagpuan ko ang sarili kong nakakulong sa kasalukuyang binabalikan ang nakaraan. Gabi-gabi na lang laging ganito kaya't nag desisyon muna akong manigarilyo sa labas. Sa pag buga ko ng usok sa kalangitan ay nakakita ako ng isang kometa. Sabi nila ay humiling ka raw dito kaya't humiling ako na sana dumating ang araw na mapalaya ka ng isip ko. 


"Sana makalimutan din kita."


---

Alas otso ng umaga. Tumunganga muna ako kahit na alam kong mahuhuli ako sa klase. Ilang minuto ang lumipas ng mapag desisyunan kong bumangon. Naligo, kumain at nag asikaso. Hinigop ang nanlamig kong kape bago umalis. Dumaan muna ako sa tindahan ni Aling Mila para manigarilyo. At sa pag sindi ko ng stick ay bigla na lang bumuhos ang ulan. Inuubos ko ang sigarilyo ng makita ko ang isang babaeng nakasuot ng itim na jacket. May maiksi at magulong buhok. Walang kolorete sa mukha pero ayos lang dahil hindi naman nya kailangan.

"Makikisilong po." Sambit nya habang pinupunasan ang sarili. 

Nakita nya akong tinititigan sya. 

"Parang kilala kita." sambit nya na may kasamang ngiti.

MUNIMUNITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon