"Uy pre tignan mo, may ginagawa ata sila doon sa taas oh."
"Saan?"
"Ayan teka may sinasabi sila"
*BAWAL ANG MAGSALITA LABAN SA MGA TAO SA TAAS AT SA MGA TAONG NAKAUPO SA LUPANG NAKALUTANG, KUNG SINO MAN ANG MARINIG NAMIN AY AGAD NA IPAPAPATAY NA WALANG PAGLILITIS SA HUKUMAN. UULITIN KO, BAWAL MAGSALITA LABAN SA MGA TAO SA TAAS AT SA MGA TAONG NAKAUPO SA LUPANG NAKALUTANG, KUNG SINO MAN ANG MARINIG NAMIN AY AGAD NA IPAPAPATAY NA WALANG PAGLILITIS SA HUKUMAN.*
"Bawal daw mag salita laban sa kanila? Tama ba?"
"Oo, pero kahit na ano naman ang sabihin natin hindi nila naririnig diba?"
"Baka malakas lang yung hangin sa taas kaya hindi nila tayo marinig."
"Baka nga."
"Ang sarap siguro mamuhay doon sa taas no?"
"Doon sa lupang nakalutang?"
"Oo, biruin mo lahat sila doon maghapong nakaupo, magagara yung damit at walang kalyo yung mga daliri tsaka kung ano ang gusto nila yun ang nasusunod."
"Oo nga eh, tsaka hindi nila maririnig yung mga nakakairitang iyak ng mga bata rito tsaka yung mga putukan ng baril at iba pa."
"Oo nga eh, sarap siguro magkaroon ng kamag-anak doon no kahit na andito ka sa baba?"
"Bakit naman?"
"Syempre kapag may kamag-anak ka roon kahit anong gawin mo dito okay lang eh. Kahit pumatay ka pa, gumamit ng droga hindi ka makukulong kasi mga kontol din nila yung mga pulis eh."
"Oo nga no? Tingin mo pre mapupunta tayo dyan sa taas?"
"Malabo. Mag aksaya na lang tao ng oras sa pag tatrabaho para mabayaran natin yung utang ng mga tao sa taas."
"Oo nga pre, mag-sipag tayo para umunlad tong lugar natin."
"Oo pre, turuan din natin ang mga anak natin na maging masipag para mabayaran yung utang nila para kapag dumating yung araw na mapansin ng ibang bansa na umuunlad tayo ang pupurihin eh ang mga tao sa taas. Baka doon eh mapatingin na sila sating mga nasa baba."
"Pero naisip mo pre, saan napunta yung utang nila?"
"Ayun oh! Tignan mo may bago silang mga gamit doon sa taas! At saka di na importante yun ang importante mapansin nila tayo. Ang yaman kaya natin sa utang dapat magbunyi tayo kasi nakikilala na tayo ng ibang bansa."
"Sabagay, tsaka sana kapag napansin na nila tayo ayain nila tayong umakyat no?"
"Oo pre para maramdaman natin yung lamig ng hangin sa taas at para makita yung tanawin ng buong kalupaan."
"Tara! Ngayon pa lang mag araro na tayo ng lupa para maging masagana yung ani natin at para hindi na nila gawing pabahay tong lupain na tinataniman ng mga pagkain na kinakain rin nila."
"Gago, sa ibang lugar sila kumukuha ng pagkain nila no."
"Talaga? Bakit naman ganon?"
"Syempre mas mayaman pakinggan kung yung kanin mo eh galing ibang bansa diba? Mas bagay sakanila yun."
"Sabagay. Pero ayoko naman ibenta itong lupain ko, namana ko pa to sa lolo ng lolo ko eh."
"Walang magagawa baliw, kapag gusto nila lupa mo dapat ibenta mo yun o papatayin ka nila. Mas buti na lang ibenta diba? Magkakapera ka na buhay ka pa."
"Ano ba yan. Ano na yung gagawin ko? Paano ko na bubuhayin yung pamilya ko?"
"Yun nga rin ang problema ko pare eh."
"Ang hirap maging mahirap."
"Sinabi mo pa."
"O sya, mag aararo pa ako ng lupa."
"Saan yung kalabaw mo?"
"Hindi, mano-mano ko ginagawa yung pag-aararo."
"Ganun ba, o sya mauuna na ako pre."
"Sige mag-ingat ka."
"Mag-ingat ka rin."
BINABASA MO ANG
MUNIMUNI
Short StoryMga storya na kumawala sa aking isipan, Dito sila nag tatago. Alam kong nais nating malaman ang storya ng iba kaya't simulan na ang pagbabasa. Fan of poetry? Please check out HIRAYA. Link below! https://www.wattpad.com/story/210579797-hiraya