Nagising ka mula sa isang masamang panaginip. Inikot ng mata ang kwarto, walang nag bago. Tinignan mo ang orasan at malapit ka ng malate sa klase. Naligo at nag asikaso ka, pag baba mo mula sa kwarto ay nakita mo ang tulog mong nanay. May alak sa kanyang tabi. Lagi kang sinasaktan ng nanay mo pero hindi ka nito pinapabayaan. Pag tingin mo sa la mesa ay nakita mo ang kain at ulam na inihanda ng nanay mo sayo. Kinain mo ito. Sa pag pasok mo sa eskwela ay nakikita mo ang mga ka magaral mo na nagbubulungan habang tinititigan ka. Matutulis ang kanilang mga tingin, tinitignan ka mula sa ulo hanggang paa. Pumasok ka na sa classroom at hindi nagbago ang tingin sayo ng mga tao. Mag isa ka sulok. Walang kausap.
Nagising ka. Nilibot ng mata mo ang kwarto, walang nag bago. Tinignan mo ang orasan at nakita mo na maaga pa para magasikaso sa pagpasok. Bumangon ka at nagbasa ng libro, ginawa mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Nagasikaso ka at sa pagbaba mo ay nakita mong tulog ang nanay mo, may alak sa kanyang tabi. Kumain ka muna bago pumasok sa eskwelahan. Nang pumasok ka ay nakita mo ang mga tao na tinititigan ka. Nag pasya kang mag cr. Sa loob ng cubicle ay naririnig mo ang usapan ng grupo ng mga babae tungkol sayo. Nag uusap sila ng mga hindi magagandang bagay, Napaiyak ka na lang sa mga naririnig mo. Pumasok ka sa loob ng classroom. Tulala. Hindi ka madalas mag salita dahil madalas na ginugulo ng utak mo ang iyong sarili. Nang tinawag ka ng guro mo para mag recite, wala kang nasagot. Pinagalitan ka nito at pinaupo. Kung ano ano ang naririnig mong boses tungkol sayo. Sa pag uwi mo ay agad kang pumunta sa kwarto. Nag ukit ka ng mga pulang linya sa iyong pulso. Bago matulog ay nagtanim ka ng tanong sa iyong sarili. "Bakit ba ganito."
Nagising ka. Nilibot ng mga mata mo ang iyong kwarto. Nakatanggap ka ng text sa mga dati mong kamag aral. Niyayaya ka nilang gumala. Nag sabi ka ng hindi ka makakapunta pero mapilit sila. Nag asikaso ka at nag bihis. Pag dating mo sa inyong tagpuan ay kinamusta ka nila. "Okay lang naman." ang tangi mong tugon sa mga katanungan nila. Sa inyong pag gagala ay ikaw lang ang bukod tanging tahimik. Lahat ng kasama mo ay nag tatawanan.. Mag isa ka sa likuran nila. Tintititigan mo ang iyong mga mabuting kaibigan.
Nagising ka. Nilibot ng mata mo ang iyong kwarto. Nakita mo ang paborito mong libro, pero wala kang ganang basahin ito, nakakalat ang mga pang guhit at pang kulay. Nakakalat ang huling obra na ginawa mo. Tinignan mo ang oras at late ka na sa eskwela. Sa pag baba mo nakita mong wala ang nanay mo, nakita mo din ang inihanda nyang pagkain pero wala kang gana at agad ka na lang pumasok. Sa eskwela ay nakatulala ka lang buong araw.Nagising ka. Walang pinag bago ang kwarto. Nasa basurahan ang libro at nakakalat ang mga pang guhit. Maraming boses ang gumugulo sa iyong utak. Kinuha mo ang kutsilyo na matagal ng natutulog sa ilalim ng iyong kama. Nakatingin ka sa malayo. Nag pasya kang mag sulat ng pamamaalam para sa magulang at mga kaibigan mo. Nasa cr ka at huminga muna ng malaim. Iniisip mo ang mga kamalian mo kung bakit ganoon ang nangyari sayo. Kinuha mo ang kutsilyo at nag ukit ka ng linya sa iyong pulso.
Nagising ka. Inikot ang mga mata at napansin mo na maayos ang kwarto mo ngayon. kinuha mo ang libro na nakita mo sa basurahan mo, iniayos mo din ang mga pang guhit at pang kulay mo. Nakita mo ang huling obra na ginawa mo. Isang babae na may lubid sa leeg. Nag pasya kang itapon ito. Bumaba ka at nakita mo ang umiiyak ang iyong nanay, nais mo syang lapitan pero baka magalit ito sayo. "Kung nasa tabi nya lang ako." Yan ang paulit ulit na sinasabi ng nanay mo. Nag punta ka sa kusina at nakita mo ang natutulog mong tatay. May alak sa kanyang tabi. Nakita mong walang pagkain sa la mesa kaya't nag pasya kang bumili sa tindahan. Lumabas ka ng bahay para pumunta sa tindahan. Nakita mo ang grupo ng mga chismosa na naka harang sa tindahan. Narinig mo ang pangalan ng nanay mo sa kanilang usapan."Nako! Kung hindi pabaya si Aling Susan at lagi nyang kinakamusta ang anak nya edi sana buhay pa ang anak nya ngayon!.""Oo nga nakakaawa ang bata-bata pa naman."Nagulat ka sa mga narinig mo. Agad kang pumunta sa bahay nyo. Nakita mo ang umiiyak mong nanay. Kinakausap mo ito pero hindi ka nito pinapansin. Ginising mo ang iyong tatay. Pero hindi ito magising. Iniyugyog mo ang kanyang natutulog na katawan at may nalaglag na kanyang hawak hawak. Pinulot mo ito at nakita mo ang iyong litrato. Nagulat ka at inilibot mo ang iyong mga mata. Pumunta ka sa sala at nakita mo ang larawan mo na may nakatirik na kandila.
BINABASA MO ANG
MUNIMUNI
NouvellesMga storya na kumawala sa aking isipan, Dito sila nag tatago. Alam kong nais nating malaman ang storya ng iba kaya't simulan na ang pagbabasa. Fan of poetry? Please check out HIRAYA. Link below! https://www.wattpad.com/story/210579797-hiraya