IV.
"Di parin ako makapiniwala na ganon lang.-"
Sambit ni Victor kay Sherwin habang tinatahak ang kahabaan ng Ortigas gamit-gamit ang kumakahol na jeepney.
"-isang gabi. Sa isang gabi tang ina nag bago lahat. Sa tagal na namumuhay ng tao noong gabing iyon ang nagpabago sa lahat. Naalala ko non pre, umuwi ako galing sa trabaho, hinandaan ako ng misis ko ng makakain para sa hapunan at pagtapos kong kumain nagyosi muna ako sa terrace. Tang ina. Gabi noon pero parang tanghali dahil sa liwanag na bigla na lang sumulpot sa langit. Sabay may malakas na trumpeta na umalingawgaw, siguro mga tatlong minuto bago matapos. Kitang kita ko kung paano nagsilutangan yung mga kapit bahay ko, ang misis ko pati mga anak ko. At nung pag akyat nila sa liwanag, bigla na lang silang nawala kasabay ng ilaw. Hindi ako nagalaw, tulala lang ako doon sa langit. Kinurot ko pa nga yung sarili ko kasi baka nanaginip lang ako eh. Hahaha! Pero hindi, hindi panaginip ang lahat. Binuksan ko yung tv at halos lahat ng channel binabalita yung pangyayaring iyon. Hindi lang daw sa Pilipinas nangyari kundi sa buong mundo. Ilang oras akong nanunuod ng may marinig akong ingay sa labas. Mga kapitbahay kong nagwawala, yung iba nag iiyakan, yung iba sinisigaw na araw na raw yon ng paghuhukom. Nakakatawa pa kasi nakita ko yung kapitbahay kong pala simba. Hahahaha! Talagang hindi lahat ng nasa simbahan tuwing linggo ay mapupunta sa langit no? Mapang mata kasi yung gagang yon. Putang ina non.-"
Hipak sa sigarilyo, kumuha ng buwelo si Victor upang ipagpatuloy ang sinasabi."-simula non, nag bago na lahat. Naging normal na ang nakawan, patayan, pangagahasa, makikita mo ngang binebenta na lang yung shabu sa bangketa eh. Biruin mo sa ganoong kaiksing oras nagbago lahat. Yung mga pulis wala ng mga pake. Ni hindi na nga nakikinig sa gobyerno eh. Halos lahat! Halos lahat nawalan na ng tenga. Naging normal na yung dating hindi normal na gawain, halos lahat gusto na lang mabuhay."
"Hanggang ngayon." pagsagot ni Sherein habang akay akay ang natutulog na bata.
"Oo, hanggang ngayon.-" sambit ni Victor pagkatapos ibuga ang usok ng sigarilyo.
"-Kinulong ko yung sarili ko sa bahay. Yung mga kapit bahay ko nagsisama doon sa pari. Mabuti na rin yon dahil wala namang pagkakatiwalaan sakanila. Naging ghost town yung baranggay namin. Ako na lang ang natira. Natuto akong mag tanim, mag ipon ng tubig ulan, at maghanap ng pagkain. Hindi madaling mabuhay mag isa. Mahirap. Kasi araw araw kong naiisip yung pamilya ko. Alam kong nasa mabuti na sila at wala na kong mahihiling doon. Pero kasi ang hirap sa mga naiwan, kahit buhay ka pa papatayin ka naman sa lungkot ng mga alaala."
Bumuga ng usok si Victor sa kawalan sabay pitik ng yosi. Tahimik naman si Sherwin na akay akay ang bata samantalang si Goyo ay natutulog sa likod.Ilang oras, ilang liko sa mga eskenita, ilang mga pag ahon ng jeep na karag-karag at sa wakas ay narating na nila ang tahanan ni Victor. Tago ang dalawang palapag na bahay ni Victor. Kandado ang mga pwedeng pasukan kaya't nakatagal ang matanda sa pakikipag sapalaran. Ilang mga kandado ang binuksan ng makapasok sila sa loob.
"Sa taas, bandang kanan pag akyat nyo ng hagdan may makikita kayong pinto, doon na kayo magpahinga kwarto yon ng anak ko medyo maliit nga lang pero kasya na kayo.-"
Sambit ng matanda habang paakyat sa hagdan.
"-kung may kailangan kayo, nasa harapan lang ng kwarto nyo yung kwarto ko. Kumatok na lang kayo."
"Salamat." wika ng mag pinsan habang nililibot ang mga mata sa bahay."Ayos dito no Insan?" maligalig na sambit ni Goyo habang hinihimas ang lumang sofa.
"-Lupit ni Mang Vic at nagawa nyang safe house tong bahay nya. Puta, sa dami ng kandado ng bahay na to tatamarin talaga akong pasukin eh!""Iaakyat ko muna tong batang to sa kwarto. Mauuna na rin akong maligo at magpapahinga na ako." sambit ni Sherwin sa pinsan.
"Gesi lang!"Nang matapos nag maligo si Sherwin agad syang umakyat sa kanilang kwarto. Sa pag akyat ay nakaamoy sya ng hindi kaaya ayang halimuon. Sa pag bukas nya ng pinto ay agad nyang nakita si Goyo na nakahilata.
"Oy! Maligo ka na amoy na amoy na yung baho mo hanggang labas."
"Gago! Hindi ako yon! Di ko nga alam kung ano yon tang ina kanina ko pa naaamoy."
"Baka patay na daga lang."
"Hindi eh, mas malala yung amoy na to."
"Tsk. Hayaan mo na. Matulog na lang tayo pag gising ni Victor itanong natin sakanya."
"Sige."
"Hindi ka na maliligo?"
"Ah walang ligo ligo sa pagod na katawan."
"Tang ina mo ka talaga."Naging matiwasay ang pamumuhay ng mag pinsan sa pamamahay ni Victor. Nag tutulungan ang lahat. Si Sherwin at ang bata nag bahala sa mga gawaing bahay, si Goyo ay abala sa pag tatanim ng gulay sa bakuran at si Victor naman ang bahala sa paghahanap ng makakain. Walang palya ang pagkain nila ng karne sa araw araw dahil sa galing mangaso ni Victor. Halos dalawang buwan ang lumipas na ganon ang siklo ng kanilang pamumuhay. Ang matamlay at tahimik na bata ay naging maligalig at masayahin na. Ella ang pangalan na napili nilang itawag dito.
Alas kwatro ng hapon ng dumating si Victor, sya rin ang naka toka sa pag luluto. Naka handa na ang mga gulay na bagong pitas ni Goyo at ang mga gamit sa kusina ay malinis na salamat kay Ella at Sherwin.
"Anong karne ang nahanap mo ngayon tsong?" tanong ni Goyo habang nangungulangot.
"Karne ng baboy iho." sagot ng matanda.
"Aba ayos ah!"
"Aakyat muna ako sa kwarto tas aasikaso na ako ng makakain."
"Sige lang tsong!"Iniwan ng matanda ang tatlo. Agad namang pinitik ni Goyo si Sherwin sa tenga.
"Aray! Puta ano ba!?" pagalit na sambit ni Sherwin sa pinsan.
"Gago Insan, naisip mo ba kung ano meron sa kwarto nyan ni Victor? Nakapasok ka na ba ron?"
"Hindi at wala akong pake."
"Bakit naman?"
"Kasi wala akong interes sa personal na bagay ng isang matanda. Ikaw kupal ka napaka chismoso mo!"
"Ano po yung kupal?" pasingit na tanong ng bata.
"Ayan si Goyo." agarang sagot ni Sherwin.
"Tang ina mo." sambit ni Goyo sa sinabi ng pinsan.Ilang minuto ang lumipas at bumaba na ang matanda dala dala ang supot ng karne.
"Kare-kare ulam ngayon ah?" sambit ni Victor sa tatlo habang kinukuha ang kutsilyo.
"Kamusta pangangaso?" tanong ni Sherwin sa matanda.
"Ayon, pahirap na ng pahirap. Kumo-konti na ang mga hayop dyan sa bundok. Kaya yung mga bata pa pinapakawalan ko para pag lumaki na pwede ng hulihin."Tahimik ang apat na kumakain ng may ingay na umalingawngaw mula sa kwarto ng matanda.
"Ano yon?" sabay na tanong ng mag pinsan.
"Ituloy nyo lang yang pagkain nyo, ako na sisilip sa taas." sagot ng matanda na agarang tumayo sa kina uupuan.
"Tulungan na ba kita?" tanong ni Sherwin.
"Hindi na, kaya ko na to." sambit ng matanda habang kinukuha ang mahabang baril na naka sabit sa pader.Bumalik sa pagkain ang tatlo. Ilang minuto ang lumipas ng patakbong bumaba si Victor mula sa kanyang kwarto.
"Dito lang kayo!" utos nya sa tatlo at balisang lumabas ng bahay."Ano meron?" tanong ni Goyo sa pinsan.
Napaisip si Sherwin. Hindi normal ang kinikilos ng matanda. Agad syang tumayo. Sinip sa bintana kung nasaan na si Victor. Hindi nya makita ang matanda kaya't nagsimula syang humakbang paakyat sa taas.
"Uy gago! San ka pupunta?" tanong ni Goyo sa pinsan.
"Dyan ka lang! Bantayan mo yang si Ella."Umakyat si Sherwin. Nakita nyang bukas ang pinto ng kwarto ng matanda. Papalapit sya sa kwarto at palakas ng palakas ang mabahong amoy. Dahan-dahan nyang sinilip ang kwarto. Malaki at maayos ito ngunit may isa pang pinto sa kwarto. Pumasok si Sherwin. Maingat ang bawat pag hakbang, sinisigurado na wala syang nagagawang tunog. Sa pag pasok nya ay mas laling lumalakas ang amoy. Binuksan nya ng marahan ang pinto at nagulantang sya sa kanyang nakita.
----
BINABASA MO ANG
MUNIMUNI
Short StoryMga storya na kumawala sa aking isipan, Dito sila nag tatago. Alam kong nais nating malaman ang storya ng iba kaya't simulan na ang pagbabasa. Fan of poetry? Please check out HIRAYA. Link below! https://www.wattpad.com/story/210579797-hiraya