Pamilya T. Anga

9 2 0
                                    



"Boi! Kumusta!?"

"Oy pre ikaw na naman ah! Kumusta biyahe?"

"Ayos lang boi, medyo matumal kasi konti na lang ang pwedeng isakay sa jeep."

"Oo nga nabalitaan ko nga iyan buti nagkakapera ka pa dyan."

"Oo pre kahit konti basta sipagan lalaki rin naman."

"Sabagay, o'sya nga pala, nabalitaan mo rin ba yung pinatayong bahay ni pareng Duts?"

"Ay oo pre, ang ganda nga eh puting-puti."

"Ang ganda rin kamo ng semento na ginamit nya, parang ano eh, yung galing pa talaga sa malayo."

"Ah oo napansin ko rin iyon!"

"Pero pre nakakapagtaka."

"Bakit?"

"Eh nung nakaraan lang nangutang sakin yan si pareng Duts kasi ninakawan na naman daw sya ng kasama nya sa bahay."

"Oh, anong nakakapag taka ron?"

"Wala naman, iniisip ko lang kung san nya nakuha yung pagpatayo nya sa bahay nya."

"Eh malay mo naman nakautang sya sa iba? O baka ipon nya yun?"

"Ewan ko, dami kasi problema sa pamilya non. Biruin mo may bisita raw sila na may sakit na pinatuloy nya sa bahay nya kaya ngayon ayan sila nagkahawaan na."

"Talaga?"

"Oo pre, payat na nga ng mga anak non. Ang laki ng pinayat!"

"Oh?"

"Oo, problema nga nila ngayon kung paano makakabili ng gamot eh."

"Eh diba nakapag patayo sya ng bahay? Ba't problema pa rin yung gamot nila?"

"Ayun na nga! Inuna ata yung pagpapatayo ng bahay kaysa sa pagkain at gamot nila."

"Ba't di inuna yung kailangan nila? Nag-iisip ba yan si pareng Duts?"

"Ewan ko nga eh. Pero alam mo pre nakikita ko naman na tuwang tuwa sila sa bagong bahay nila."

"Talaga?"

"Oo nakita ko sa epbi nung anak nya, yung may depresyon?"

"Ay oo. Baka naman kasi inuna yon pre para mapasaya anak nya. Ganon naman diba? Pag may depresyon ka dapat humanap ka ng bagay na magpapasaya sayo."

"Siguro, pero dapat inuna pa rin nila yung kailangan nila. Ano ngayon ipapakain nya sa may sakit nyang mga anak?"

"Hayaan mo na lang pre, pag kinausap mo yang pamilya ni Duts na taliwas sa ginawa nya ikaw mag mumukhang masama eh, kilala mo naman yang mga yan."

"Sabagay. Ay pre naalala ko yung birthday nga nung panganay nyan ni Pareng Duts, Inuman yon akala ko libre kasi nga diba? Birthday eh. Tas nung pag upo ko hiningian ako ng ambag."

"Talaga?"

"Oo pre, nahiya nga ako kaya nag abot na lang ako eh."

"Wag na nga natin problemahin yang mag anak na yan! Bumiyahe na lang tayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MUNIMUNITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon