"Kumusta pre?"
"Eto all good lang."
"Nabalitaan mo ba? May bago silang ipapatupad na batas ah."
"Alin doon?"
"Yung bawal na huminga pag nasa labas ka?"
"Tang inang yan? Talaga?"
"Oo gago! Dipende na lang kapag yung sinasahod mo kada buwan eh lumalagpas ng bente mil."
"Di nga?"
"Oo nga tanga, kaya nga di ko alam kung paano bubuhayin pamilya ko kung di naman ako makapag trabaho sa labas eh."
"Tang ina matapos yung bawal dumilat ito naman yung pinapatupad nila?"
"Oo nga eh."
"Ano ba naman yang gobyerno natin? Ba't ganyan kung mag-isip ng mga batas! Anong sunod dyan? Bawal na makinig?"
"Ay hindi ata nila ipapatupad yon."
"Baket naman?"
"Syempre baka wala ng makinig sa kanila eh."
"Sabagay."
"Tsaka alam mo ba, balita ko may baboy na sa senado eh."
"Baboy? Yung hayop?"
"Oo."
"Putris na yan!"
"Ang kupal nga eh. Teka, maiba usapan. Ano pala kinukuha ng anak mo sa kolehiyo?"
"Teacher yung panganay, patapos na tas yung isa gusto maging nurse."
"Pumayag ka na ganon yung kinuha nila?"
"Oh ano naman masama ron?"
"Dapat pinag pulis mo na lang! Alam mo naman sa panahon ngayon mas mahalaga buhay ng mga pulis kesa sa mga guro o doktor."
"Ba't mo naman nasabi yan?"
"Eh sa sahod pa lang eh. Mas malaki na kinikita ng mga pulis. Dagdag kita pa kapag nakaka kotong ka sa mga mahuhuli mo."
"Uy!"
"Oh baket?"
"Gago, baka mamaya may makarinig sayo dyan putukan ka na lang bigla."
"Wala namang tao tayo-tayo lang."
"Kahit na! Dapat mag-ingat ka parin, alam mo naman yung panahon ngayon."
"Nakakasawa na nga ganitong buhay pre, uunlad pa ba tayo?"
"Hindi ko alam. Pero sana sa sunod na halalan yung botohin ng tao eh yung makatao na."
"Oo nga, yung parang senador na tumatakbo sa pagka-presidente, ano nga ulit pangalan non?"
"Ah si Aso?"
"Oo! Balita ko ayun makatao eh."
"Oo ayun din iboboto ko pre."
"Si pareng Bert? Kilala mo kung sino iboboto?"
"Ay! Nakausap ko nung nakaraan yon, di raw sya boboto eh."
"Bakit? Diba sya nga panay reklamo na ang hirap daw mabuhay dito?"
"Eh wala eh, kukunin na raw sya ng mga anak nya sa Canada kaya wala na raw syang pake kung sino manalo sa halalan."
"Sayang naman boto nya."
"Oo nga eh."
"Eh pre sa pagka-Mayor? Sino iboboto mo?"
"Si Buwaya Jr."
"Ayaw ko ron, gusto ko kay Baboy sa pagka Mayor."
"Matapang naman yun si Buwaya ah? Tsaka yung itsura nya ang astig kaya iboboto ko yun para mawala mga kriminal dito."
"Eh! Kahit na, mamaya puro tapang lang yun tulad nung tatay nyang si Buwaya Sr., Tignan mo matapang nga ramdam mo ba yung pag unlad ng lugar natin?"
"Sabagay."
"Oh sya, mauuna na ako sayo pre. Kailangan ko pa mamasada eh."
"Oh sige ingat ka."
BINABASA MO ANG
MUNIMUNI
ContoMga storya na kumawala sa aking isipan, Dito sila nag tatago. Alam kong nais nating malaman ang storya ng iba kaya't simulan na ang pagbabasa. Fan of poetry? Please check out HIRAYA. Link below! https://www.wattpad.com/story/210579797-hiraya