2-3

6 2 0
                                    

Kenzo

Mag dadalwang lingo na ako dito at masasabi kong magi-ging payapa ang pananatili ko dito, kung hindi kolang sana nakilala si Kimaya. Napaka sipag nyang tao at madal dal masyado, mga bagay na ayaw ko.

Ako kase yung tipo ng tao na ayaw masyado gumalaw o mag salita, para saakin ay pag aaksaya lamang yon ng enerhiya kaya tango lamang ang isinasagot ko sa mga taong nakakasalamuha  o kinakausap ako, bastos mang pakingan pero yun natalaga ako.

__________________________

"Kenzo turuan mona ako! Parang awa monaaaa" pag sususmaong sabi saakin ni pay-pay, simula noong nalaman nyang marunong ako mag luto ay  hindi nya na ako tinan tanan.

"Tinatamad  ako" walang ganang sabi ko dito. Na mas lalong ikinalungkot ng mukha ni pay-pay.

Ng mag uumpisa na syang ngumuso ay napatingin ako sa ibang direksyon. Yan ang pinaka ayaw ko sakanaya kapag nangungulit sya lagi syang ngumunguso, na pinaka ayaw ko sa lahat. Naalala ko kase sakanaya ang aso ko kapag nag papa cute.

"Parang awa mona kenzo! Gusto kolang talaga malaman kung paano gumawa ng leche plan!" Sabi nito na inilapit pa  ang mukha sa mukha ko, dahilan para makita ko ang taling nya  sa ilong.

Para akong hinihila ng mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit pero, pakiramdam konasa isang malawak na lupain ako na puno ng mga Lilly.

"Parang awa mona" sabi ni pay-pay ay badyang ilalapit ang muli ang mga mukha nya na bigla akong umatras.

"O-oo na!" Sabi ko dito at tinalikuran sya para hindi nya makita ang pamumula ng mukha ko.

_______________________________

"Haluin mo ng maigi, at yung asukal mo baka masunog" bagot na bagot na sabi ko dito. Naiinis ako kase ngayon lang ako napapayag ng isang babae. At mas lalo akong naiinis dahil sa mga bagay na pinararamdam nya kapag natingin ako sa mga mata nya!

"Ayos naba to? Paano kapag nasobrahan sa tamis?" Hindi koto sinagot at tiningnan lamang.

"Kinakabahan ako kenzo, ngayon lamang ako mag luluto dahil ayaw akong patulungin ng mga kamaga  anak ko pag dating sa kusina. Kahit na nasa tamang idad na ako"  mahaba at malungkot nyang sabi.

"Binalaan nakita na hindi nga ako professional sa pag luluto at stambahan lamng iyon, kaya kung mag kakamali kaman  sa gimagawa mo ay hindi kona kargo yon."   mahaba at tamad na tamad nasabi ko dito

"Kenzo, naniniwala ako na pag dating sa pag luluto ay walang halong tymba. Kung hindi isang talento"makahulugang sabi saakin ni pay-pay.

7 weeks Where stories live. Discover now