Boys 1:Meet The Boys

39 2 0
                                    

Sa tinagal-tagal naming magkakasama, halos alam ko na ata lahat ng mga kilos at ugali nila. Fetus palang ata kami balak na agad ng mga magulang namin na maging magkakaibigan kami. Pero sa kabila nun, di maipagkakaila na magkakaiba kami ng personalidad. May tahimik, may madaldal, may babaero, merong walang paki sa mundo, merong happy lang, meron ding simple lang, at yung matalino. Magkakaiba man kami ng ugali, kaming lahat meron talagang iniiwasan, yun ay ang mainlove.

Weird right? Ayaw talaga naming mafall sa babae, bakit? Pare-parehas kaming takot masaktan, bakit? Malalaman nyo rin.

By the way, I'm Dominique Dhevan Almon. Half Canadian, half gwapo, dejoke, half Filipino. Pero dito kami sa Pilipinas lumaki ng kapatid kong si Drake. Simpleng lalaki lang na nagmahal, pero iniwan. Biro lang. Kuntento na ko sa buhay ko, at walang panahon para sa kalokohan este pag-ibig. Bait ko ba? Syempre naman ako pa.

Nandito lang ako sa kwarto ko habang nagtitipa ng laptop ko. Malapit na rin kasi yung final presentation ko para sa kompanya namin. Sakin na yun pinamahala ni dad pagtungtong ko palang ng 18. Dahil ako ang panganay, wala kong magagawa. Sabi pa ni dad, "Bigay nyo na yan kay Dominique, matanda na yan. Mas gusto ko nalang mag golf at magtravel kasama ang misis ko." Ang galing diba? Wala pa kong kaalam-alam sa business industry noon, pero sinabak na agad ako ni dad. Ngayon naman ay medyo sanay na ko dahil ilang taon na rin ang lumipas.

Habang tinatapos ko yung powerpoint ay may kumatok sa pintuan.

"Ano yun? Busy ako. Mamaya nalang" sigaw ko para marinig ng nasa labas.

"Serr Dumenek, may tawag po kayo." boses ng kasambahay namin. Sino naman kayang magaling na mang-iistorbo sakin habang nagtatrabaho ako?

"Sino?" sagot ko sa kanya. "Si serr Drik daw po." Ang magaling ko palang kapatid, ano pa bang bago.

"Ah sige, bababa na ko." Mas maganda sana kung babae nalang yung tumawag sakin. Hehe.

"Ano na naman? Busy ako kaps."

"Bro, Weewoo Bar, 3 pm sharp, bye." At binabaan nako. Wow, nice naman. Ni di pa nga ko nakakareply binabaan na agad ako. Parang di ako kuya eh. Okay naman.

Napatingin ako sa orasan at 2:07 pm na pala. Kaninang umaga pa ko nagtatrabaho kahit pa dapat nagpapahinga ako ngayon. Siguro ayos lang din naman na mag-enjoy ako kahit sandali lang. Kaya napagdesisyunan ko ng magbihis at dumiretso sa tambayan namin.

Halos 40 mins. din bago ako nakarating sa Weewoo bar dahil traffic. Well, ano bang bago dun. Lagi namang traffic sa manila.

"Oh kaps, aga natin ah."si Drake agad ang sumalubong sakin. Sya ang may-ari ng bar na to, at kapatid ko syempre, Klio Drake Almon. Halos parehas lang kami ng ugali, ang kaso lang mas manhid at cold tong si Drake. Di talaga namin trip ang kalokohan. Siguro naging business minded na rin kami dahil sa batang edad may sarili na kaming business na minamanage.

"Asan yung iba?" Naupo ako sa isang stool sa may counter at sumenyas barista na bigyan ako ng drink.

"As usual wala pa. Late naman lagi yung mga yun eh, sila pa may sabi saking sabihin sayo na 3 pm sharp, hahaha." Tumango nalang ako at saktong dumating yung inumin ko. Iinom na sana ako ng biglang may maiingay na pumasok sa bar. Muntik pa kong mabulunan ng bigla akong akbayan ni Xander. Gago talaga.

"YOW PARTEH PIPOOOOLLLL!!" nagsidatingan na ang mga loko. Nangunguna sa ingay tong mokong na naka-akbay sakin at kung makasigaw kala mo wala ng bukas. Ansakit sa tenga. Walang iba kundi si Xander Daniel Fontanilla, ang numero uno samin sa kalokohan at kagaguhan.

"Ang ingay mo Xander." Sinita naman agad si Xander ng butihin nyang kuya  na si Xavier. Jin Xavier Fontanilla, isa rin tong masungit eh pero moderate lang. Ayaw sa maingay, kaya ewan ko kung pano nya natatagalan si Xander, hahaha.

The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon