Heart’s POV
Hindi ako makatulog.
Napabuntong-hininga na naman ako. Pang-ilan na ba ito?
Tumalikod ako. Pagkaraan ng ilang segundo, tumagilid ako sa kaliwa, tapos ay sa kanan. Umikot-ikot ako sa higaan. Pinilipit ko ang aking unan na hotdog hangga’t sa makuntento ako. Pinilipit ko rin ang unan ko sa ulo hangga’t mailabas ko ang lahat ng nararamdaman ko.
Natatae ako.
Hindi! Hindi! Ang ibig kong sabihin, hindi ako mapakali.
KINIKILIG AKO.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” Malakas kong sigaw habang nakatakip ang unan ko sa bibig ko.
Bakit ganito?! Bakit ako kinikilig?! Hindi maaari ito! Dapat kay Ice lang ako kinikilig! E bakit gano’n?! Parang hinawakan lang naman ni Light ‘yung mga kamay ko kagabi, tapos… Tapos…
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” Namumula na ang mukha ko sa sobrang… Kilig.
Nakakainis! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Bakit?! Dahil ba…
Napalunok ako.
…Gwapo rin siya, katulad ni Ice? Pero hindi sila magkamukha! Kahit na ba magkapatid sila, ang kamukha ni Ice ay ang Mama niya, si Light naman, kamukha ng Papa niya.
Si Ice, itim ang buhok at kulay berde ang mga mata. Si Light naman, light blonde ang buhok at kulay tsokolate ang mga mata.
Si Ice, lagpas 6 feet ang tangkad. Si Light naman, flat 6 feet lang.
Si Ice, magaling kumanta. Si Light naman, magaling kumanta at mag-gitara.
Si Ice, mas bata sa akin ng isang taon. Si Light naman, mas matanda sa akin ng isang taon.
E bakit ko ba sila kinokomparang dalawa? Ano ngayon? May magbabago ba sa pagtingin ko kay Ice? Wala naman, ‘di ba? So bakit—
Napahinto ako kasi biglang tumunog ‘yung cellphone ko. Tiningnan ko kung sinong nagtext.
“Light sent you a friend request. Confirm now?” Nakita kong nakasulat sa aking FB notification. Hindi pala text, notif pala. Ibababa ko na sana ‘yung cellphone nang may mapansin ako.
“Light?!” Binalikan ko ang nakasulat sa aking cellphone.
Siyang tunay! Si Light nga! Hala! Ano ba ‘to?! Anong gagawin ko?
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” Kinikilig na naman ako kaya sumigaw ulit ako ng nakatabon ang unan sa bibig ko.
Anong gagawin ko?! Iaaccept ko ba? Siyempre oo! Pero, ano kasi… Baka mamaya niyan.
Tumunog na naman ang cellphone ko.
“Light sent you a message. Read it now?” Pinindot ko ang yes, at nabasa ko ang nakasulat sa kanyang mensahe.
“Good night, Heart. Hope you went home safe. We’re friends now, right? Just wondering if you will accept my friend request. Don’t forget to pray before you go to sleep. Godbless and always take care!”
Anong isasagot ko?

BINABASA MO ANG
An Unrequited Love - a Short Story (Completed)
RomanceMasaya na ko sa pasulyap-sulyap. Kontento na ko sa pagyakap at paghalik sa picture niya. Okay lang sa akin na once every year ko lang napagmamasdan ang kagwapuhan niya. Halos maihi na ako kapag nginingitian niya ako. Kaya lang, bakit kapag may mga l...