Heart’s POV
Naiinis ako sa mundo! Ikaw na lang kasi ang lagi kong iniisip! Ikaw na lang ang parating inaalala! Kailan kaya mababaliktad ang mundo para ako naman ang isipin mo?
Hay.
Heto ako, nakamasid na naman mula sa malayo. Kinakabisado ang hugis ng kanyang matipunong likuran, ang itsura ng kanyang perpektong mukha, ang hugis ng kanyang matangos na ilong, ang maberde niyang mga katamtamang mata, ang mapula niyang labi. At parang kay sarap pang hawakan ng kanyang malilinis na kamay. Pakiramdam ko ako ang kinakantahan niya ngayon, sobrang nakakahalina ang kanyang tinig, parang ayoko ng magising.
Sana akin ka na lang, Ice.
“Excuse me,” bigla akong napabalik sa realidad ng makita ko siyang nakangiti sa aking harapan. “Is this seat taken?” Tinuro niya ang upuan sa tabi ko. Umiling lang ako, at ngumiti pa siya ulit bago siya tuluyang umupo sa tabi ko.
Lord! Pwede ninyo na kong kunin! Uhm. Teka, on second thought, ‘wag muna. ‘Di pa kami close e! ‘Di pa kami—
“Uhum!” Napahinto ako nang biglang dumating ang isang napakagandang babae na palagay ko ay mas bata sa akin ng isang taon. Nakita kong umupo siya sa kanan ni Ice.
“Yo, Sandy! How’re you?” Narinig kong bati ni Ice sa kanya.
And that’s it! Hindi na naman ako nagkaroon ng chance para kausapin siya! Argh! Naman! Bakit ba ang malas ko sa pag-ibig?!
Nakita ko ang Dad kong papalapit sa akin, at sinenyasan niya akong umuwi na kami.
Not yet! Hindi ko pa nga nakakausap si Ice e!
“Sandali lang, Dad. Papicture muna kami ni Heart!” Biglang singit ni Mom at hinatak niya ako sa aking upuan.
Wow! Hulog ka ng langit, Mom! I love you na talaga!
“Dali! Dali! Magpapapicture pa tayo kay Sandy!” Napataas ang kilay ko.
Okay. Sandali. Akala ko kay…
Napalingon ako sa aking tabi, wala na si Ice. Ayun nahatak na naman siya ng ibang babae.
Nakakainis! Lagi na lang akong nauunahan! Kung hindi naman, lagi akong naaagawan ng moment! Naman!
“Sandy! Can we take a picture with you?” Narinig kong sabi ni Mom kay Sandy. Katabi na pala namin siya.
“Oh, sure! Sure!” Tapos ay nag-smile siya. Nag-smile na rin ako at ang Mom ko.
Ang ganda niya talaga. Wala talaga akong panama sa kanya. Pero hindi naman sila pwede ni Ice. Pinsan niya ‘yon e. So minus one na ang kalaban ko. Malaking ONE.
“Thank you!” Sabi ni Mom. Ngumiti na lang din ako.
“You’re welcome,” ang sagot ni Sandy.
Epic. Hindi ako nababading! Maganda lang talaga siya! Period! Si Ice pa rin ang number one para sa akin. Pero ako kaya, magiging number one kaya ako sa puso niya pagdating ng panahon?
=-=-=
Pagdating ng panahon
Baka ikaw din at ako
Baka tibok ng puso ko’y maging
Tibok ng puso mo…
=-=-=
![](https://img.wattpad.com/cover/2447161-288-k929119.jpg)
BINABASA MO ANG
An Unrequited Love - a Short Story (Completed)
RomantizmMasaya na ko sa pasulyap-sulyap. Kontento na ko sa pagyakap at paghalik sa picture niya. Okay lang sa akin na once every year ko lang napagmamasdan ang kagwapuhan niya. Halos maihi na ako kapag nginingitian niya ako. Kaya lang, bakit kapag may mga l...