FREE: Blood Transfusion Responsibilities

52 0 0
                                    

1. Kunin mo ang vital signs. Pinaka importante ito kaya wag mo itong hulaan lamang! Ang pag babago sa vital signs ay pwdeng senyales ng BT reaction.

2. Ipaliwanag mo ang procedure sa patient o pamilya nito upang maiwasan ang kanilang nararamdamang takot. Tanungin na rin kung nakapag BT na ba ang pasyente noon at kung nagkaroon ng reaction. Kung nag karoon ng reaction noon, maaaring nagkaroon ulit ngayon.

3. Siguraduhin na nakapirma sa informed consent ang pasyente para sa protection ng lahat.

4. Sabihan ang pasyente na ireport sa health care provider kung may nararamdamang chills, sakit sa ulo, pangangati o rashes.

5. Maghugas ng kamay upang maiwasan ang panganib na maaaring mailipat ang HIV, hepatitis at blood borne bacteria.  WEAR CLEAN GLOVES

6. Ang IV line na ginagamit tuwing may BT ay malaking karayom o #18 at #19 gauge catheter. Ang pag gamit nito ay nakakapag padaloy sa molecules ng dugo dahil mas malaki ang components nito kesa sa IV fluids. Maiiwasan din nito ang hemolysis.

7. Gamitin ang infusion tubing na may filter. Mayroon din dapat itong Y-type administration set. Ang filter ay nakakapag patanggal ng mga debris at maliliit na clots na galing sa dugo. Sa Y-type naman idinadaan ang additional products o volume expanders.

8. Isabit ang 0.9% normal saline na gagamitin pag katapos ng BT para maiwasan ang hemolysis ng RBC.

9. Kasama ang witness, dapat ay icheck ng nars ang identity of blood, with proper blood type, properly cross-matched and correct serial number. Tingnan din ang expiration date ng bag, blood clots, double check yung doctor's order sa chart at i-double check din ang pangalan ng pasyente. Kung frozen ang dugo, warm it first bago i-BT. Tingnan ang drops desired or as ordered by physician. I-monitor ang pasyente habang nagb-BT. I-record ang oras kung kailan nagsimula, amount ng ininfused, etc. Kung may reaction na suspected, STOP BT, flush NSS at i-notify ang doctor.

Ginagawa ito para sa kaligtasan ng pasyente at health personnel. Para maiwasan na rin Ang pag kakamali.

Nurse ZWhere stories live. Discover now