2 Hypo Tachy Tachy

13 0 0
                                    

Zee's POV

5:26PM

Okaaay.

May oras pa. 6pm to 6am kasi duty ko.

Kakarating ko lang pala sa hospital na pinapasukan ko.

"Hiii!"

"Uyyy tagal tayong di nagkita"

"Magrereceive ka na?"

Ganyan lagi bungad sakin ng mga kawork/ kaendorsan ko. Siyempre binati ko rin sila pabalik.

"Oo, sige wait lang." sagot ko. Kinuha ko lang mga gamit na kailangan ko at nagprint ng census.

"Game na" sabi ko kay sir Holand, kawork ko.

"Endorsing pt Valentina, Rose, 36/F, under uro, nephro. right heplock, with FC. di naman to Q1." and so on... 3 ung patient na ieendorse nya sakin. 7 lahat ng pasyente ko. habang nag eendorse ng pang 3rd pt, nagsalita ung charge nurse namin.

"Nandito na ung admission" sabi ni mam Kayla.

"sino na mag aadmit?" tanong ng isa kong kawork. Sabay lingon sila lahat sakin.


Hays. pang 3rd palang tong narereceive ko tas may admission na. Bat naman di nila sinabi na may admission? Okay. Ako ung magrereceive dahil 4th call ako. ibig sabihin ako ung last, may pinaka konting pasyente pero mabibigat. Ganyan kapag bago ka.

Usually kapag direct admission, stable naman ang pasyente. Yung iba kong mga kawork, if sila makareceive for sure mamaya pa nila pupuntahan.

"Sir wait lang ha, puntahan ko lang admission" sabi ko kay sir Holand.

"Okay sige" sagot nya.

"Endorse ka muna sa iba" sabi ko.

Room 3301, VIP patient. Pay patient. Kumuha ako ng tumbler, urinal at papel na pang I&O namin. Kumuha din ako ng pang vital signs and of course, don't forget to wear clean gloves.


"Hi po, good evening. Ano po pangalan ng pasyente?" tanong ko.

"Emily Diaz po." sagot ng bantay.

Pag kakita ko palang sa pasyente, mapapashit ka talaga.

Direct admission pero not able to move, nor speak. As in, parang lantang gulay. Pero nasa wheelchair!

Binuhat namin ung patient to bed at inayos. Chineck ko kaagad ung vitals. Nasa 60's ang oxygen saturation. Kumuha ako kaagad ng Aqua pack and nasal cannula. hinook ko kaagad sa oxygen at tumawag ng co-nurse.

"Mam, pahelp naman po. ung direct admission 60's lang oxygen saturation. Parefer naman po kay doc, Kabitan ko lang ng cardiac monitor. Thanks" sinabi ko rin status ng patient sa kawork ko

Di pa nag sstart ang duty at di pa ko tapos magreceive ng pasyente ko pero toxic na ko kaagad. Good thing lang pinuntahan ko kaagad ung admission. Kinabitan ko ung patient ng cardiac monitor at pinalitan ko na rin ng mask ung oxygen nya. naka 10LPM siya as of now at nag normalize na rin oxygen saturation niya.

Ang initial BP nya 50/20. jusmiyo talaga. Habang kumikilos ako, nagdadasal ako. Ayoko po mamatayan ng pasyente. Huhu

Yung mga outgoing nirefer nila kay doc ung patient at sila na rin nag encode ng laboratories.

"Sir wait lang ha, insertan ko lang pasyente ko" sabi ko kay Sir Holand at kumuha na ko ng materials for IV insertion.

Super nipis ng ugat ng pasyente. 69 years old na kasi. naka 3 tusok ako. 1 sablay. 2 pasok. 2 ung heplock nya ngayon.

Dumating si doc at inassess si patient. Nag pastart ng Norepinephrine, electrolytes correction (calcium, potassium, magnesium). 

Inistart ko na kaagad ung norepinephrine at nagpakuha ng mga infusion pump.

"Game na" sabi ko kay sir Holand.

Done na kami mag endorse at next nurse na irereceive ko.

"hi mam, endorsing patient Guevarra, anna, 7/F under pedia nephro...." endorse ni mam Hera. okaaaay 4th patient ko na irereceive nainterrupt.

"Mam, pa-fast drip ako 300cc PNSS now." singit ni doc

"Okay po doc" sagot ko.

"Mam wait lang ha. Unahin ko lang to saglit lang" sabi ko kay mam Hera.

"Oo sige lang" sagot nya

Kumilos ako kaagad at nagprepare then pumunta na sa pasyente.

Nag insert pa ko isang line pa. total of 3 na ung heplock.

After ko maayos, nireceive ko na lahat ng mga pasyente and getting ready for my rounds. Late na ko nagrounds. 8PM na. mamaya ko na ipprepare mga meds. importante mainitial rounds ko muna mga patient ko. Pakilala, kamustahin and take their vital signs.

"if may concern po tawag lang po kayo sa nurse station, babalik po ako mamaya para sa gamot po ninyo" ito lagi sinasabi ko sa dulo during my rounds tonight.

After my rounds, nagprepare na ko ng meds nila. chineck ko muna ulit ung bagong admission. Medyo tumaas na kahit papaano ung BP niya.

Apo pala niya ang kasama nya, according sa apo niya 2 weeks na siyang di nakakapag dialysis. CKD patient kasi. Chronic Kindey Disease. Usually di na nakakaihi. Wala ng nagfifilter. and kapag di nakakapag dialysis, naiipon ang toxins sa loob ng katawan. hindi nalilinis.

---------

Natapos ko naman duty ko at naendorse ko si patient na medyo stable huhu Thank you Lord!

Started norepinephrine drip, electrolytes correction and antibiotics. Done 300cc fast drip. Halos wala na gagawin ung kaendorsan ko. refill refill nalang ng electrolytes and norepi. and for HD  din si patient 6AM. Soooo ilang hours di nya mahahandle si patient. 

Btw, sa shift ko din nagpa STAT fem cath insertion sa bedside. at 2AM. grabe!!! nagka septic shock si patient (Hypo Tachy Tachy) and I saw itttt for the first time. 


*** Puntahan kaagad ang pasyente kapag tinawag ka. And kapag may admission puntahan mo kaagad, from ER or direct admission pa yan. You'll never know kelan magtotoxic ang pasyente. Malay mo, ang pagiging maagap mo pala ang makakapag save sa pasyente mo :)

*** To those na may relatives / friends na panget ang kalagayan or ibang nararamdaman, wag na paabutin ng 2 weeks please. Dalhin kaagad sa ER. Mas mapapagastos pa kayo sa hospitalization kapag pinatagal pa ang pag punta sa ER.

Note: Names are not real. Gawa gawa lang


Nurse ZWhere stories live. Discover now