Chapter 20- Ashley and Michael
Michael's POV
Pagpasok namin ng silid ay nakaramdam ako ng awkwardness. Di pa rin kasi maalis sa isip ko yung ginawa ni Ashley.
"Oy bakla, ang lalim ata ng iniisip mo? " biglaang tanong niya.
"A-ah wala. " nauutal kong sagot.
"Nga pala bakit ka tumawag noong nakaraang gabi? " taka niyang tanong habang inaayos ang mga damit sa drawer.
"Ah a-ayon, wala l-lang. " nauutal ko pa ring sagot.
"Diba may sasabihin ka? Teka nga, bat ka namumula? " tanong niya.
"Tsk! Wala no! " sagot ko sabay talikod sa kanya.
"Tsk, bakla talaga. " sabi niya sabay pasok ng banyo. Humiga muna ako sabay pikit.
"Hoy gising mag-aala sais na. " pag gising nya sa akin.
"Hmm, mamaya na. " sabi ko at nagtaklob ng kumot, napagod ako sa biyahe.
"Tulong! Bitiwan niyo ako! " bigla niyang sigaw kaya napabangon ako at agad siyang hinanap.
"Ano?! Anong nangyari?! Asan?! " natataranta kong tanong.
"Tsk mabuti bumangon ka, tara na. " sabi niya sabay tawa ng malakas. Nag bibiro lang pala siya. Habang siya'y tumatawa nilapitan ko siya at hinila palapit sa akin.
"Huwag mo ng uulitin 'yon! Pinag alala mo ako. " sabi ko sa kanyang tenga.
"O-oo na. " sabi niya at umalis sa pag kakayakap sa akin.
"M-magbihis ka na hihintayin ka na lang namin sa b-baba. " sabi niya ng naiilang. Tumango na lang ako at kumuha ng mga damit bago pumasok sa banyo.
Ashley's POV
Wooh ampotek! Grabe yung kaba ko don kanina! Bakit niya ba kasi ginawa yon? Nasisiraan na ba siya ng utak?Saka mukhang alam ko na ang sasabihin niya, hinihintay ko lang na sa kanya mismo manggaling. Napaka bakla talaga.
"Woy! Bakit ka nakatulala? " tanong ni Alicia. Ako, si Alicia, Pierce at Philomena pa lang ang nandito.
"Nasaan sila Lira? " taka kong tanong.
"Ayon oh. " turo ni Alicia sa dalawa.
"Woah! What is the meaning of this? " gulat kong tanong ng makita sila.
"Sabi na nga ba eh! Kayo rin ang magkakatuluyan sa huli! " sabi ko habang tumatawa.
"Ano ba Ashley! " saway sa akin ni Lira ng namumula.
"Okay lang yan! Boto naman kami sa inyo. " sabi ko sabay subo ng kanin. Gutom na gutom na talaga ako kanina pa.
"Oh ayan na pala sila. " sabi ko ng nakatanaw sa dalawang naglalakad.
"Tagal niyo naman? " tanong ko.
"Tsk. " sagot ni Michael. Inirapan naman siya ni Danshiel. May hindi magandang nangyari panigurado.
"Oh Philomena kanina ka pa tahimik ah? " tanong ni Alicia.
"Tss, kailan ba ako dumaldal? " sarkastiko niyang tanong.
"Nako! Por que walang love life eh. " sagot naman ni Lira.
"Oh, di kayo na meron. " sagot niya at sumubong muli kaya kami tumawa.
"Ang bitter girl. " sabi ko
"Tsk, kala mo siya may love life. " sabi naman ni Philomena.
"Ako? Malapit na. " nagmamalaki kong sagot.
BINABASA MO ANG
Keeping The Gangster King (COMPLETED)
Ficțiune generalăA gangster queen named Sapphire lost her childhood bestfriend. She keeps finding the guy until this gangster king named Sean came. Will she continue finding her long lost best friend or she will stay and keep the gangster king? All rights reserved 2...