Chapter 10

476 18 12
                                    

Chapter 10- The flashback

Lira's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Pinagmasdan ko si Alicia na natutulog sa balikat ni Michael. Kung titigan mo siya sa kalagayan niya ngayon, sobrang nakaka-awa.

Napansin kong nanginginig si Alicia kaya agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Hey Licia, Licia. " pag gising ko sa kanya. Nagising din yung iba pati na rin si Michael. Hinawakan ni Michael ang leeg ni Alicia na patuloy pa ring nanginginig.

"Damn! Ang init mo! " sabi ni Michael na mababakas ang pag-aalala sa tono ng kanyang boses.

Agad namang lumapit sa amin si Philomena at hinawakan din si Alicia.

"Tumayo na kayo at mag-lalakad na tayo para maka-uwi na, Michael buhatin mo muna si Alicia, hindi niya kakayaning maglakad dahil sa taas ng kanyang lagnat. " utos ni Philomena kay Michael.

Tango na lamang ang naisagot ni Michael kay Philomena at isinalabay na si Alicia sa kanya.

"Tara na. " pang-yayaya ni Jordan sa amin.

Agad na kaming nag sipag-tayuan at inumpisahan na ang pag lalakad. Malapit na kami sa labasan dahil may naririnig na kaming mga tunog ng sasakyan, ibig sabihin nasa bungad na kami ni highway.

Pinagpatuloy pa namin ang aming paglalakad hanggang sa makalabas na kami ng kagubatan, agad na sumalubong sa amin ang usok ng mga sasakyan. Pumara ng taxi si Philomena kaya sumakay na kami, malaki ang taxi kaya kasya kaming walo.

Driver - Jordan - Philomena
Alicia - Michael
Kite - ako - Ashley -Pierce

Iyan ang pwesto namin dito sa taxi. Lumipas ang dalawang oras at naka uwi na rin kami. Sa Private room nila Kite kami dumiretso dahil gagamutin pa raw ni Michael sa Alicia. Hmm, I smell something fishy.

Umakyat muna sila Alicia at Michael sa taas upang gamutin ito at makapag pahinga si Alicia. Maya-maya lang ay bumaba na si Michael.

"Good thing bumaba na ang lagnat niya. " sabi ni Michael.

"Tataas lang ako roon para bihisan siya may damit ba kayo dyan? " tanong ni Ashley.

"Hm nag pa-deliver na ako ng mga damit niyo para makapag pahinga na rin kayo. " sabi ni Jordan na tumingin kay Philomena.

"Dito na kayo mag dinner Sapphire.  " sabi niya ng naka-ngiti, tumango lang si Philomena at sumunod sa taas. Sapphire? He just called her Sapphire? Sa pagkakaalam ko ayaw na ayaw niyang tinatawag siya na Sapphire dahil naaalala niya raw sa pangalang iyon ang childhood bestfriend niya.

Lumapit na ako kila Kite na nag hahanda ng mga kasangkapang panluto.

"Tulungan na kita. " naka-ngiti kong prisinta sa kanya, tinitigan niya lang ako saka tumango at binigay sa akin ang kanyang ginagawa. Nag-hihiwa ako ng sibuyas at bawang dito, adobo pala ang lulutuin, keri ko na ito.

Matagal ko nang gusto si Kite wala lang na kakapansin dahil hindi ako showy na person unang kita ko pa lang sa kanya sa gangster world na crush at first sight ata ako. Tapos yung niyaya kaming makipaglaban ni Sean sa kanila. Kahit nakakarindi, nakaka turn on pa rin. 

"Akala ko ba mag luluto ka? Bakit naka tulala ka lang diyan? " takang tanong niya agad namang akong napaigtad at naputol ang pag iimagine ko, tse!

"A-ah o-oo may n-naalala lang. " napapahiya kong tugon sa kanyang tanong at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Nako! Kung hindi lang kita gusto sinundot na kita ng kutsilyo! Napaka hmp!

Philomena's POV

"Sean pwede bang maki charge? " cold kong tanong sa kanya, tumango naman siya at iniabot ang charger niya buti na lang sakto.

Keeping The Gangster King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon