Chapter 9

6.2K 164 0
                                    

Scandal

It explode like a bomb. Naging usap-usapan din ang pag-alis ni Pysche sa dating agency. At ngayon ang isang scandal kung saan siya ang sangkot at ang isang male model. Malinaw ang kuha ng video at mukha nga niya ang nandoon. But then paano iyon mangyayare? Eros was her first. Alam iyon ng binata pero hindi ng mga tao sa buong mundo. Ipinalabas iyon nationwide at siguradong kalat at halos lahat napanuod na iyon. It made her cry even more. Anong mukha na lang ang ihaharap niya ngayon? Pagkatapos ianunsyo ang kasal niya kay Eros pagkatapos kinabukasan lamang ay may kakalat na ganitong balita sakanya? Alam naman niyang daring ang mga projects na kinukuha niya but it doesn't mean na ganoon siya behind the camera, hindi siya pakawala at bakit naman siya papayag na videohan ang pakikipagtalik?

Dahil doon ay hindi niya nagawang lumabas ng silid ni Eros at buong araw nagkulong sa loob.

Nahihiya siyang harapin ang magulang ni Eros pati na din ang kakambal dahil siguradong napanuod na ng mga ito ang scandaly niya. It's really a shame. Bukod pa doon madali lang mapapaniwala ang mga tao sa napanuod at madali lang siyang mahuhusgahan lalo na sa klase ng trabaho niya, she's a supermodel, daring at revealing pa ang photoshoots at project na kinukuha niya marahil iniisip ng mga tao ay ganoon din siya sa totoong buhay.

Noong isang araw ay binilhan siya ng cellphone ni Eros ngayon ay halos sumabog iyon sa sunod-sunod na notifications na natatanggap galing sa mga social media accounts niya. Kinuha niya ang cellphone at sinilent ito.

Maagang umalis ang binata at hindi na ito nakapag-paalam pa sakanya. Siguradong alam na din nito ang kumakalat na video. Naiisip niya kung anong reaction ng binata. Bigla niya tuloy naisip ang kasal nila. Baka ito na mismo ang umurong sa kasal. Pero naniniwala ba si Eros sa scandal niya?

Napailing siya. Mababaliw na yata siya kakaisip.

Nang magising siya kanina ay may tray na bedside table na may lamang inumin, tsokolate iyon at pancake. Wala sa sariling napatingin siya sa mini knife at tinidor na nakalagay doon. Hindi niya pa nagagalaw ang pagkain at kahit ang inumin ay hindi pa nababawasan.

She's tired. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam kung sino ang puwedeng gumawa n'on sakanya. Sinong tao ang kayang gumawa n'on? Lalo na at alam niya sa sarili niya na hindi totoo iyon. Pero paano niya sasabihin sa mga tao na hindi totoo iyon? May maniniwala ba sakanya? Gulong-gulo na siya. Para habang buhay siyang hindi matatakasan ang kung ano 'man ang tinatakasan niya. This time it wasn't her uncle Fred. Hindi na niya alam. Minsan na din siyang sumuko sa buhay niya noon. Pero kapag ganoon ang nararamdaman niya palaging may liwanag na dadating at maliligtas siya sa kapahamakang iniisip niya.

"PYSCHE!"gulat at takot na boses ni Rose at nagpabalik sakanya sa realidad.

"R-Rose..."bumaba ang tingin niya sa kamay niyang hawak na ang mini knife at may maliit na slit sa palapulsuhan niya.

Takot niyang nabitawan ang mini knife at napalayo doon. What have she done!

"Did you check Pysche, Rose? What's going on there?"narinig ko ang nag-aalalang tono ni Tita Eira.

"M-Mom! Si Pysche! She's bleeding!"nag-aalala at tila natatarantang tawag ni Rose sa ina.

Agad na nagpunta at sumilip ang ina nito sa kwarto at nanlaki ang mata ng makita ang palapulsuhan niya na nagsisimula na ngayong dumugo.

"Call Eros, Rose! Dadalhin natin siya sa hospital!"utos ng ina ni Rose at agad siyang dinaluhan.

"Hija, it's going to be okay."pag-aalo sakanya nito at inalalayan siyang makatayo."It is going to be okay, Psyche. Hindi naniniwala ang anak kong si Eros sa kumakalat na video na iyon at ganoon din kami, pamilya ka na namin kaya ikaw ang paniniwalaan namin at isa pa kung naniniwala ang anak ko sayo wala kaming dahilan para pagdudahan ka. You have to fight too, Psyche. Dahil ang anak ko lumalaban siya para sayo."

Nang makasakay sila sa sasakyan ay bigla na lamang siyang napaiyak. Masakit ang sugat niya pero may kung ano pa ang sumasakit sakanya.

"Rose, tinawagan mo na ba ang kuya Eros mo?"nag-aalalang tanong ng mommy ni Rose at muling bumaling sakanya."Psyche, malapit na tayo."mas tumindi pa ang pangambang nahimigan niya sa tono nito. Ayaw niyang makaabala o maging pabigat sa kahit na sino pero ano ngayon ang ginagawa niya? Pinag-aalala niya ang pamilya ni Eros. She's not helping!

"I-I'm s-sorry po."she trembled.

Umiling ang tita Eiraneve niya sakanya."We should be the one to say sorry, Pysche. Dapat kanina ka pa namin kakatukin sa kwarto niyo pero baka gusto mong mapag-isa. I should have known!"she said regretful.

Pagdating sa hospital ay agad na inasikaso si Pysche mabilis din na dumating at nagkalat ang mga reporter doon at pinagkaguluhan ang labas ng hospital. Kumalat na sinubukan niyang magpakamatay at iniisip ng lahat na dahil doon ay guilty siya. As if she confirmed that her scandal is true.

"Pysche,"it was Eros. Nakasuot pa ito ng pang business attire at mukhang kagagaling lang sa isang meeting.

Agad siyang dinaluhan nito sa hospital bed at nag-aalalang yumakap at humalik sa noo niya.

"What happened?"masuyo nitong tanong sakanya.

Napaiyak lang siya at napailing hindi alam ang isasagot sa binata. Kahit siya ay hindi din alam ang nangyare, basta parang naging blanko ang paningin niya at nang marinig ang boses ni Rose at napatingin sa kamay niya hawak na niya ang mini knife.

"You didn't even eat your breakfast."marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Kuya, naayos mo na ba ang kumakalat na video ni Pysche? Nahuli na ba ang may gawa?"Rose asked, worriedly.  Ganoon din ang tita Eiraneve niya.

"Yes. At may kasama ako."ani Eros sa mababa at seryosong tono ng pananalita nito.

"Kasama?"

"P-Pysche,"agad na nakaramdam siya ng kaba ng marinig ang boses ng uncle Fred niya. Sumilip ito sa nakabukas na pinto at dahan-dahang pumasok, nag-aalangan na tila nahihiya.

"U-Uncle Fred,"

"K-kamusta na ang lagay mo? Nakiusap ako kay Eros na mabisita ka ng malaman ko ang balita at gusto ko sanang makausap ka."ani ng uncle Fred niya. Tila puno ng pagsisisi ang mukha nito ng muling bumaling sakanya."Pysche, alam ko hindi ako naging mabuting uncle sayo. At alam kong sobra ang takot mo saakin. Pero hindi ko naman hahayaan na kung sino-sino lang lalaking babastos sayo lalo na ang nasa video na iyon. Alam kung hindi ikaw ang nasa video na iyon. Pinrotektahan kita sa paraan na alam ko. At siguro nga ako pa ang nagdala ng kapahamakan sayo. Dinala kita sa mundo na hindi mo na dapat nasilayan pa. Pero huwag kang mag-aalala kahit na hindi kita tinrato ng tama hindi ako papayag na siraan ka nila at ang reputasyon mo. Kahit sa gantong paraan 'man lang makabawi ako."napailing-iling ang matanda na tila dismayado sa mga nagawa.

"Siguradong pakana ito ni Romualdo. Huwag kang mag-alala, pamangkin. Tutulungan ka ng uncle Fred mo."

Walang ingay siyang napahikbi. Matagal na noong tinawag siyang pamangkin ng uncle Fred niya. Halos hindi na niya matandaan ang ganoong tono ng lalaki at ang pagtawag sakanya ng pamangkin.

"Patawarin mo ko kung naging malupit at marahas ang pagpapalaki ko sayo, Pysche. Iyon lamang kasi ang paraan ko nang pagaalaga at pagpapalaki sayo."bahagyang natawa ang matanda at napapakamot sa batok."Salamat sa fiancee mo at pinagbigyan niya kong makita ka at makausap ka. Patawarin mo sana ako. Kung hindi ngayon sana mapatawad mo pa din ako."

"U-Uncle....kayo na lang po ang pamilya ko. Kahit po na ganon ang mga nangyare hindi ko pa din po maitatanggi na kahit kelan ay hindi niyo ko pinagbuhatan ng kamay. Hindi niyo ko pinabayaan."

"Nangako ako sa mama mo noong nabubuhay pa siya, Pysche. Hindi ko hahayaang maulit ang nangyare sakanya, sayo."iling nito.

Nangunot ang noo niya. Magtatanong pa sana siya ng dumating na ang mga kaibigan ni Eros.

"Eros, dumadami na ang media sa labas."alalang balita ng dalawa.

"Kakausapin ko sila."ani ng uncle Fred niya at hinarap ang dalawa.

The Heartless ErosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon