Chapter 16

5.4K 125 1
                                    

Normal

For the passed two years naging normal naman ang lahat. Masaya naman ang buhay niya. May pamilya siya at may boyfriend. Normal na buhay. Pero noong nakaraang linggo lang nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng magulang niya. Nalaman kasi ng mga ito na nagpasa siya ng resume para sa intern niya sa Winston Empire. Hindi naman siya umaasang matatanggap siya doon lalo na at madami ang nagapply pero dahil nag-apply doon si Jake gusto din sana niya na subukan. Isa pa...mukhang malabo din naman na makapasok siya doon kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagalit ang mga magulang niya nang mabanggit niya ang Winston Empire. Hindi mawala sa isip niya ang reaction ng mga ito. Gulat na parang kinakabahan.

Weird.

Nang mga sumunod na araw ay naging normal na ulit ang lahat sa bahay nila. Pumayag na din ang magulang niya at suportado siya sa kahit anong kompanya ang mapili para maging intern. Pero kahit na ganoon pakiramdam niya ay may kakaiba pa din sa mga kinikilos ng magulang.

"Alam mo simula ng maaksidente ka parang may nagbago sayo."minsang sabi ng kaklase niya na madalas niyang kasama sa Sovereign University.

"H-huh? Ano naman?"takang tanong niya.

"Hmm...marami."sagot nito at kumagat sa hawak na sandwich. Nasa cafeteria sila at kakaunti palang ang mga studyante na naroroon."Tulad niyan."sabay turo sa pagkain niya.

"Hindi ka naman kumakain dati ng champorado e. In fact ayaw mo ng champorado. Sopas ang paborito mo diba?"

Natigilan siya sa pagsubo. Simula ng maaksidente siya at makabalik sa normal na pamumuhay ay madami na siyang napuna pero hindi lang masiyadong nag-usisa.

"Pagkatapos iyong boobs mo. Sobrang laki. Hindi naman ganyan 'yan dati e maliban na lang kung pinalamas mo sa boyfriend mo. Tapos ang hahaba ng legs mo para kang model? Tapos nawala na din iyong scar mo sa kamay."sunod-sunod na sabi ng kaibigan.

"Scar?"kunot-noo niyang tanong na siyang nakaagaw ng pansin niya.

Tumigil sa pagnguya ang kaibigan at tinignan siya."Oo. Hindi mo na ba natatandaan? Diba aksidenteng nasunog iyong kamay mo sa laboratory? May peklat ka hindi naman kalakihan iyon pero impossible namang mawala iyon ang tagal na sayo 'yon e. Siguro simula grade 12 pa tayo."

"Sorry. I can't remember that."naiiling na sabi niya. Pag-uwi sa bahay ay hindi niya pa din makalimutan ang sinabi ng kaibigan. May peklat siya sa kamay pero wala naman. Ang kinis ng kamay niya at hindi mukhang nasunog noon kahit kaunting bakas ay wala.

"Brea, ayos ka lang ba? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?"nag-aalalang tanong ng mama niya."Iinom ka pa ng vitamins."

"Sorry, ma. Ah, ma, nakwento pala saakin ni Mae na nasunog pala ang kamay ko noon sa laboratory?"

Nakita niyang natigilan ang kausap."H-Huh? Ah o-oo. Grade 12 ka n'on."

Tumango siya."Sabi pa ni Mae nagkapeklat ako sa kamay."

"Ah. Oo."

"Pero bakit wala naman?"tanong niya sabay pakita ng kamay kung saan siya nasunog ayon sa kwento ni Mae.

Her mom gulped three times bago ito sumagot."Ah...n-nadala lang s-sa lotion isa pa graduating kana ngayon hindi ba. Matagal na din naman iyon kaya n-nawala n-na ang peklat mo. A-ah a-ang mabuti pa k-kumain kana para makainom ka na ng vitamins, Brea."

Weird.

"Eto na ba si Brea? Aba! Mas lalong gumanda at tumangkad ah. Parang dalawang taon lang simula ng hindi ko makita ang batang ito bigla namang nagmatured ng sobra."kadarating lang ng ninong niya galing Dubai. Pulis ito dati at kasamahan ng papa niya pero nagpasya itong mag OFW at iwan ang katungkulan dahil mas kinailangan ng malaking kita.

"Oo nga kumpare e. Oh, Brea, magmano ka sa ninong mo."utos ng papa niya na dali-dali naman niyang sinunod.

"Parang kailan lang nasangkot ka pa sa isang aksidente kung saan namatay din iyong sikat na modelo. Sino nga ba ulit iyon?"tila nag-iisip na tanong ng ninong niya.

"Si P-Pysche Pedleton po ba?"hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya nang sabihin ang pangalan ng babae.

"Ayon! Oo! Iyon nga! Kawawang bata sa mismong kasal pa talaga nangyare ang trahedya."naiiling na sabi nito.

Alam niyang naaksidente siya pero hindi niya alam na nadamay siya sa aksidente ni Pysche Pedleton at bakit walang nabanggit na ganoon ang mga magulang niya.

Ayaw niyang pagdudahan ang mga magulang niya pero hindi niya maiwasan. May itinatago ang mga ito sakanya.

"Mama, ano po ba ang sinasabi ni ninong kanina?"tanong niya nang puntahan siya nito sa kwarto niya.

"W-wala iyon. Wag m---"

"Pero mama gusto kong malaman baka makatulog din iyon para bumalik na ang lahat ng ala-ala ko. 2 years na ang nakakalipas pero bakit parang wala pa din ala-alang bumabalik saakin. Wala pa din akong matandaan. I want to remember ever---"

"NO! HINDI KA PUWEDE MAWALA SAAMIN, BREA!"nagulat siya sa biglaang pagsigaw ng mama niya.

Takot na takot ang mukha nito at napapaluha.

"M-Mama, s-sorry. G-gusto ko lang naman pong maging normal na ang lahat. Gusto ko lang makaalala."

"BREA! Anong nangyare sa mama mo?"biglang dating ng papa niya sa kwarto niya at agad na nilapitan ang asawa.

"H-hindi ko po alam, papa."naiiling na sagot niya. Nag-aalala na din sa nangyayare sa mama niya.

"Hun, anong problema?"

"H-Hun, h-hindi puwedeng mawala si Brea sa atin! Hindi puwedeng mawala ang anak natin! Hindi ko kakayanin!"

"Hindi mawawala ang anak natin. Hindi ko hahayaan iyon. Tahan na."

Pagkatapos nang nasaksihan hindi na siya muling nagtanong pa sa mga magulang. Sinubukan niyang magtanong sa iba tungkol sa aksidente niya pero mukhang iilan lang ang may alam n'on kasama na doon si Jake at ang ninong niya.

Anong kinalaman niya sa aksidente kung saan namatay si Pysche Pedleton?

The Heartless ErosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon