Chapter 14

5.2K 149 3
                                    

Lies

Pagkatapos nang nangyare sakanya sa club nagpasya ang lalaki na ihatid siya nito sa bahay nila. Sa biyahe ay hindi siya mapakali. Kinakabahan siya sa kung anong dahilan.

"Salamat, Sir. Sorry din dahil nadamay ka pa."aniya na hindi tumitingin dito.

"Goodnight. See you tomorrow. Ayoko ng late, Miss Sollis."walang kaemo-emosyong sabi ni Eros at pinaandar na ang sasakyan paalis.

Pagkatapos niya sa loob ng bahay agad na sumalubong sakanya ang magulang niya.

"BREA!"agad na yumakap sakanya ang ina niya. Nakakapagtaka na ganoon na lamang ang pag-aalala ng magulang sakanya ngayon.

"Nakita namin ang naghatid s-sayo."napapalunok na sabi ng mama niya."M-may nangyare ba?"kabadong tanong nito at iminuwestra siya paupo sa sofa.

"Po? Wala po."naiiling na sagot niya.

"Sigurado ka ba, Brea?"

"M-may kakaiba b-bang nangyare ngayon?"

"Wala po."

Parang nakahinga ng maluwag ang mag-asawa at muli siyang niyakap ng mga ito.

Mahal na mahal siya ng magulang niya. Nararamdaman at nakikita naman niya iyon. Pero kung minsan...parang pakiramdam niya may hindi tama. Lalo na at noong nalaman ng mga ito na nagpasa siya ng resume sa Winston Empire ay halos tumutol ang mga ito. At pinagtalunan din nila pero di kalauna'y pumayag na din ang mga ito.

"Brea,"mula sa pagkakasilip sa pinto ng silid niya ay tuluyan ng pumasok sa loob ang ina niya.

"Nainom mo na ba ang vitamins mo?"malamyos itong ngumiti sakanya at tumabi sa kama.

"Opo."

"Good. Alam mo namang kailangan mo iyon."

"Opo, mama."

"Sige na matulog kana, anak. Mahal na mahal ka ni mama, Brea."

"Miss Sollis!"isang lalaki ang naabutan niya sa opisina ni Eros Winston, ito din ang kasama nito kagabi sa club. "May biglaang meeting si Eros."

Medyo nangunot ang noo niya dahil wala siyang alam doon naturingang temporary secretary pa naman siya ng lalaki tapos ngayon siya pa ang walang kaide-ideya.

"Don't worry. Wala talaga sa appointment niya iyon ngayon. Biglaan lang talaga. I'm Archibald Preciuserre by the way."pakilala nito."It's nice meeting you. Hindi na ko nakapagpakilala kagabi. Medyo gulat pa ko sa nangyare."anito at tumawa sa huling binitawan.

"Sorry po sa nangyare kagabi."magalang siyang yumuko sa lalaki."Gusto niyo po ba ng maiinom?"alok niya.

Umiling ito."I'm good, Miss Sollis. Pabalik na din naman si Eros."

Pagkasabi nito n'on ay saktong bumukas ang pintuan ng opisina ng lalaki.

Paglingon niya ay siyang paghila sakanya ni Eros at ang paghalik sakanya.

Nanigas siya sa kinatatayuan at natulala.

Gusto niyang itulak ang lalaki pero hindi niya magawa. Para bang nawalan siya ng lakas.

"Remember me,"anito sa mababang tono."Don't you dare forget me. Nag-iba lang ang mukha mo pero ikaw pa din 'yan."hinaplos nito ang pisngi niya.

"A-Ano po bang sinasabi niyo, Sir?"naguguluhang tanong niya sa lalaki at napalayo ng kaunti dito.

"They are not your parents. Patay na ang mama mo matagal na. You only have one relative and that is your uncle. Don't you remember it? Wala ka na bang kahit anong naaalala?"inisang hakbang lang ni Eros ang pagitan nila.

"Ano bang sinasabi mo!"

"I may not recognize your face but my heart will only beat for you..."

"...Pysche."

The Heartless ErosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon