Prologue

13.3K 263 0
                                    

Prologue

"You're really a beauty," It was her uncle Fred. Hinawi nito ang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya. There's a hint of grin in his face."Now take good care of that face...and body, Psyche."nawala ang ngisi sa labi nito at napalitan ng nakakatakot na ngiti. Halos kilabutan siya sa itsura ng kanyang Uncle Fred. Wala siyang nagawa kundi ang mapatango dito at dali-dali inayos ang kakarampot na telang suot.

Bahagya siyang umatras dito."Y-yes, uncle Fred."tumatangong sabi niya dito.

"Good!"pumalakpak ito."Very good!"tila nasisiyahang sabi nito.

"Fred, hinahanap ka na sa loob. You should sign the contract. They're waiting."aniya ng secretary ng uncle Fred niya.

Bumaling doon ang uncle Fred niya at humalakhak."Okay. Okay. I will. You know me mahalaga ang oras saakin. Ayokong nasasayang sa mga walang kabuluhang bagay."at makahulugan siya nitong binalingan.

Napalunok siya at napaiwas ng tingin sa uncle Fred niya.

Nang makaalis ito ay nanghihina siyang napaupo sa sahig. She don't want that contract! Masiyadong daring ang pinapagawa sakanya sa kontratang iyon at hindi niya maaatim ang gustong mangyare sa kontratang iyon. Wala siyang karanasan pagdating sa usaping iyon. And she won't do it for that.

Kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi matuloy ang pagpirma ng uncle Fred niya sa kontrata pero paano? Gayong nasa loob na ito at sa mga oras na ito ay pumipira na iyon. Napaangat siya ng tingin ng makita ang sekretarya ng uncle Fred niya.

"This is the only thing I can help. Here."she handed her a bag."I'm helping you because I am a woman too. I know this one is too much."naiiling na sabi nito sakanya.

"You'll be dead if he'll find out."aniya sa babae.

Marahang tumango ang babae tila alam na ang mangyayare sa ginawang pagtulong sakanya."Do you think I'm that stupid to be your uncle Fred's secretary? Of course I know that's why you have to make sure he will never find you...o parehas tayong patay sa uncle Fred mo."

Magkahalong saya at takot ang nararamdaman niya. Sinubukan na niyang tumakas noon sa uncle Fred niya pero nabigo siya at nahuling muli. At dahil hindi siya puwedeng saktan at parusahan nito dahil katawan at mukha niya ang pinagkakakitaan nito kaya naman ang nag-aalaga sakanya simula bata palang siya ang pinag-initan nito. He killed her nanny in front of her eyes, she was just sixteen that time. Sa sobrang takot at traumang inabot niya hindi na niya inisip pa o tinangkang umalis sa poder ng uncle Fred niya hanggang ngayon...

Kinakabahan niyang tinanggap ang bag."Ano pang hinihintay mo? Run, Psyche!"untag sakanya ng babae.

Natataranta siyang tumango dito at nagmamadaling tumakbo paalis.

Nang makalabas sa matayog na gusali ay agad siyang pumara ng taxi.

Nang tignan niya ang laman ng bag nakita niya na pera iyon at ang passport niya.

How did she get it?

Napahagulgol siya ng makitang malayo na siya sa gusali at sa Uncle Fred niya pero hindi pa din siya tuluyang nakakalaya sa uncle Fred niya dahil hanggang andito siya sa pilipinas a mahahanap at mahahanap siya ng lalaki.

Nanginginig siya ng makatungtong sa eroplano.

Hindi siya mapakali at panay ayos sa suot niyang sunglasses. Takot na baka may makakilala sakanya at ibalik siyang muli sa uncle Fred niya. Agad nanuot sakanya ang takot sa isiping babalik nanaman siya sa poder ng lalaki. Hindi lamang iyon pati ang secretary nito ay malalagot ng dahil sakanya.

"So...what do you have for me? Did you get Pysche Pedleton?"muntik na niyang matabig ang tray sa narinig.

Napatingin ang grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng pangbusiness attire ang lumingon sa gawi niya. Nasa VIP siya kasama ang mga lalaki na ito. Napalunok siya at takot na napaatras pero sa pag-atras niya isang rebulto ang nabunggo niya at nahulog ang suot niyang sunglasses.

"Woah! Careful, miss."the man said, pinulot nito ang nahulog niyang sunglasses."Here you g..."natigil ito ng magtama ang mga mata nila. Segundo lamang at nakilala agad siya nito.

"Oh. What do we have here! Pysche Pedleton!"nakangising anunsyo ng lalaki.

Natatarantang kinuha niya ang sunglasses at akmang aalis ng humarang ito sa daanan.

Ganoon na din ang ginawa ng lahat ng mga lalaki maliban sa isa, iyong nagtanong tungkol sakanya kanina.

"P-Please...I didn't mean to...g-gusto ko lang kumuha ng t-tubig."she almost begged.

"Oh! Nauuhaw pala."tumawa ang lalaki sa likuran niya.

"You're thirsty?"napalingon siya sa lalaking nakaupo ng bigla itong nagsalita.

Napalunok siya bago mabagal na tumango sa lalaki.

"Sit."utos nito.

Pero hindi siya sumunod. Nanatili siyang nakatayo kaya naman tinulak siya ng lalaking nasa likuran niya paupo sa tabi ng lalaki.

"Here. Your water."aniya ng lalaki at inilapag sa harap niya ang isang basong tubig.

Takot na napatitig siya sa baso ng tubig.  Nanginginig niyang inabot iyon at ininom. Pagkatapos bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo.

"Rest, love. We have a very long trip."the man whispered in her ear before darkness consumes her.

The Heartless ErosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon