Chapter 20

5.8K 135 1
                                    

Unfinish

"Just for a proof. And for your peace of mind, Pysche. Here's the DNA Result. It says there na match ang resulta. You're really Pysche Pedleton."inabot ni Archibald ang isang papel sakanya.

"May DNA agad?"gulat na tanong niya dito bago tinanggap iyon.

"Yes. Noong isang araw pa."sagot nito.

"Kilala ko ang gumawa kaya mabilis ko ding nakuha. But don't worry dumaan lahat 'yan sa legal process maliban na lang sa walang paalam na pagkuha namin sayo ng sample."he told her.

"H-How?"

"DNA fingerprinting."Greed answered kaya naman napabaling siya dito. Hanggang ngayon gulong-gulo pa din siya. At hindi pa naproproseso ang lahat ng nangyayare sakanya ngayon. Wala siyang kahit na anong maalala. It frustrates her.

Pero wala namang rason para magsinungaling sakanya si Eros at ang mga kaibigan nito. Anong mapapala nila kung ipipilit nila na siya si Pysche kung hindi naman iyon totoo.

Mahirap timbangin sa dalawa kung ano at sino siya. Wala siyang matandaan bilang Pysche at bilang Brea naman she only know 2 years of her life as Brea dahil naaksidente nga siya.

Kung sana lang ay may kaunti siyang maalala baka...

"PYSCHE!"agad siyang dinaluhan ni Eros nang mapahawak siya sa ulo niya. Bigla na lang itong kumirot. Parang nilalagari ang ulo niya.

"Ahhh! Ang sakit!"she cried.

"We need to bring you to the hospital, Pysche."she heard Eros's worried voice hindi na siya nakasagot sa lalaki dahil nagdilim na ang paningin niya.

"I suggest take a step by step process if you all really want to help her."she heard a man's voice. Hindi naman pamilyar ang boses."If you guys force her memories back it'll affect her health. Malalagay sa alanganin ang buhay niya."

"Pysche,"si Eros agad ang bumungad sakanya nang idilat niya ang mga mata. Nasa isang silid siya, siguro sa hospital kung tama ang huli niyang naalala na sinabi ni Eros na dadalhin siya nito sa hospital nang sumakit ang ulo niya.

"I'm sorry."

Matagal silang nagtitigan ni Eros na para bang may sarili silang mundo at sila lang ang nagkakaintindihan. Sa totoo lang marami pa siyang tanong at marami siyang gustong malaman pero hindi masasagot lahat iyon ni Eros lalo na ang iba doon ay tanong para sa magulang na itinuring niya.

"Pysche, kanina pa tunog ng tunog. Mukhang nag-aalala na ang tumatawag na 'yan."Archibald told her. Nakaturo sa cellphone niya sa may table.

"P-paabot."

Si Eros na ang kumuha n'on at ibinigay sakanya.

7PM na pala kaya pala ganon na lang ang dami ng missed calls na nakanotif sa cellphone niya at lahat galing sa mama niya.

"Ma-----"

"BREA! Kanina pa ko tawag ng tawag. Bakit ngayon mo lang sinagot? Nag-alala kami ng husto ng papa mo. Asan ka na ba? Pauwe kana ba?"

"O-opo. Sorry po. Madami lang po akong ginawa ngayong araw."she lied.

Narinig niya ang buntong hininga sa kabilang linya."Ikaw talaga na bata ka!"

"Sorry kung pinag-alala ko kayo, mama. Uuwi na din po ako."

"Sige. Mag-iingat ka."

"You're not going home, Pysche."agad na sabi ni Eros ng mamatay ang linya.

"Eros..."

"Hindi."mariing sabi ni Eros habang umiiling."Hindi ka na babalik doon."

"Pero..."

"Hindi mo na sila makikita kahit kelan, Pysche."he said coldly. Walang buhay at mata nito ng muling tumitig sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo sila pamilya. Bukas ay makikita mo ang totoong kamag-anak mo. Uuwi kana sa bahay."

"Pero hahanapin nila ako? Isa pa ano bang plano mo sakanila?"

"You don't need to know, Pysche."Eros answered, shooking his head."Kalimutan mo na sila."

"Pero..."

"PYSCHE! 2 years! Itinago ka nila saakin ng dalawang taon hindi pa ba sapat iyon? Nagawa pa nilang palitan ang mukha mo."nag-igting ang panga nito at mas lalong dumilim ang mukha.

Hindi na siya nakapagsalita pa at malungkot na lang na tumango sa lalaki. Ayaw niyang maging makasarili. Eros surely suffered for those 2 years na akala nito ay patay na siya. Samantalang siya ay walang kaalam-alam at walang maaalala. Tapos nagkaroon pa siya ng boyfriend. Naguiguilty siya pero gusto niyang ikatwiran na wala naman siyang maalala kaya hindi niya ginusto na makalimutan si Eros.

Tulad ng gusto ni Eros hindi siya umuwi sa mag-asawang Sollis. Sa mansion ng mga Winston siya ngayong gabi tumuloy.

"B-Buhay si P-Pysche?"the girl asked, nanlalaki ang mata."S-siya si Pysche? Hindi niya kamukha?"nalilitong tanong nito.

"Long story. Sa susunod ko na lang sasabihin, Rose. Pysche needs to rest."

Pagkatapos ay iginiya na siya ni Eros paakyat at papunta sa isang kwarto."This is our room. Nandito pa ang mga gamit mo. Hindi ko pinatanggal."

"Eros,"

Nilingon siya ng lalaki.

"Ano ng mangyayare ngayon? Hindi kita maalala tapos iba pa ang mukha ko. Ang gulo-gulo. Ang alam ng lahat patay na ko."

"You'll remember me eventually. Ibabalik natin ang dati mong mukha."lumapit sakanya si Eros at hinaplos ang pisngi niya."Don't think too much, Pysche. Ang importante nandito kana nakabalik kana. I miss you, love."then Eros kiss her.

The Heartless ErosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon