Epilogue

9.6K 208 13
                                    

Epilogue

"Congrats! Babae ba?" nangingiting tanong ni Archibald sa asawa niya. She's 6 months pregnant. Pagkatapos ng honeymoon nila ay nabuntis na agad niya si Pysche. Syempre sinigurado niya. After all he wanted to have a family with her.

Pysche shook her head. "Lalaki."sagot nito sa kaibigan niya.

Nagkatinginan si Archibald at si Greed. "Nako! Wag sanang magmana kay Eros." nakangiwing sabi ni Archibald at lumingon sa kaniya.

He glare at him.

"Kung gusto mong magkaanak pa, Preciuserre. Umayos ka." pagbabanta niya kay Archibald na sineryoso naman ng lalaki.

Nakangiwi itong ngumiti sa kaniya. "Hindi ka naman mabiro, Eros." then Archibald looks at his wife. "Pysche, iyong asawa mo oh." pabirong pagsusumbong nito.

He snorted.

"Tama na, Eros. Wag kang ganyan sa mga kaibigan mo." Pysche smiled at her calmly.

Tumango siya rito at hinalikan ang asawa, mabilis lang iyon dahil nanunuod ang mga kaibigan niya sa kanila. Sa buong buhay niya walang nakapagparamdam ng ganito sa kaniya. Simula ng dumating ang babae sa buhay niya pakiramdam niya ay nabuhay siya. As if something inside him awakened when he met her. Noong una hindi niya matukoy kung ano pero ngayon sigurado na siya. It's his heart. It beats for her. At ngayon na magkakaroon na sila ng sariling pamilya walang mapaglagyan ng saya ang nararamdaman niya ngayon. Si Pysche ang kumumpleto sa kaniya. At hindi niya alam ang magagawa niya kapag muli itong nawala sa kaniya.

Sa dami ng nagawa niya. Wala siyang pinagsisihan ni isa man sa mga 'yon. He did it. And he will not blame anyone for what he did.

Looking at his wife...

He did it because he fell in love...he fell hard.

Siguro nga kahit anong laban mo mahirap manalo sa isang bagay na simula umpisa palang talo kana. Mahirap makipaglaro kay kupido.

Madaming beses na din niyang inisip kung para saan ba ang ginagawa niya. Bakit kailangan niyang tuparin ang pangako niya sa babae. Mukha namang masaya na ito sa pagmomodelo at hindi na siya naalala pa at siguradong nakalimutan na din nito ang pangako nilang dalawa. What is it that makes him keep going? Maraming beses na niyang kwinestyon ang desisyon.

Inisip din niya kung anong magiging buhay ni Pysche sa piling niya. Deserve ba siya ni Pysche? Will Pysche fall for him? He done lot of dirty things. He killed someone. He run an illegal organization. Pag nalaman ng babae ang lahat ng pinaggagawa niya bago sila nagkita will Pysche accept him?

Nakakatakot.

It's true that it excite him to see again Pysche after years. Pero natatakot siya sa maaring mangyari pag nagkita na sila. Hindi siya magaling sa emosyon. He don't even know how to treat someone nicely. He's not nice. He don't know how to show someone that he cares for them. Bukod sa pamilya niya hindi niya alam kung paano itrato ang iba.

He likes Pysche. No. He loves Pysche. Kaya natatakot siya. You're not scared if you're not afraid to lose someone. Kung hindi ka takot, that's not love at all.

He struggled but he managed...to show his feelings to Pysche.

Kahit hindi maganda ang una nilang pagkikita. At napigtas ang pasensya niya na iba sa inaasahan niya ang naging reaction ng babae pag nagkita ulit sila.

Nakalimutan siya nito. Pati na ang pangako nila. She's dating someone else, iyong anak ng Legaspi.

Maybe...

Kagaya lang siya ng ibang babae. Hindi siya espesyal. If she's just like the rest. He's done with her.

But his promises...

Hindi naman siya madalas tumupad sa mga pangako.

But Pysche is different.

He maybe a heartless but even a heartless man can't resist cupid's arrow. Iyon ang napatunayan niya habang pinapanuod ang asawa niya na tumatawa at nakikipagbiruan sa mga kaibigan niya.

Pysche had managed to reach him.

The Heartless ErosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon