Kabanata 5 . . . Lihim ni Jasmin

31 2 0
                                    

"Lihim ni Jasmin"

----------


Hindi makatulog si Roniel. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang pag-iyak ni Jasmin ng lumabas ang dalaga sa opisina ni Mr. Perez.

Kailangan niyang malaman ang dahilan ng pag-iyak ni Jasmin. Mga katanungang naglalaro sa kaniyang isipan

Ilang taon din silang nagkahiwalay ni Jasmin. Gusto niyang bumawi sa mga panahong dapat sana ay magkasama sila ng dalaga. Alam niyang malaki ang kanyang pagkukulang.

Ngayong handa na siya, naisip niyang yayain ng pakasal ang dalaga.

"Jas, napakasarap halikan ng iyong mga labi! " bulong niya sa sarili.

Nakatulog ang binata na ang nasa isip ay si Jasmin .

Kinabukasan, Linggo ng umaga pagkatapos nilang magsimba ni Edgar ay nagpaalam siya sa kaibigan na may pupuntahan saglit.

Abala si Fe sa pagpapaligo sa dalawang taon niyang anak ng may marinig siyang tunog ng sasakyan na parang huminto sa tapat ng kanilang bahay. Ilang saglit lang ay may tumatawag na sa kanya.

"Mam, may bisita ho kayo. Ako na po ang magpapaligo kay Mean. " sabi ng kasambahay niya.

" Sige. Ingatan mo lang ang tenga niya baka mapasukan ng tubig." atas niya sa katulong.

Tumayo si Fe at tumungo sa pinto upang papasukin ang bisita nila. Nagulat siya ng makita niya si Roniel.

" Aba himala napasyal ka sa amin Roniel! Wala rito si Jasmin." sabi ni Fe.

" Magandang umaga sayo. Ikaw talaga ang sadya ko. Here, kunin mo! " Iniabot niya ang dalang mga prutas. Kinuha ni Fe.

" Salamat, nag-abala ka pa. Halika, tuloy ka. Pasensya ka na lang sa bahay namin. Maliit lang." sabi ni Fe.

Tumuloy si Roniel sa sala at umupo sa isang sofa. Iniwan muna siya ni Fe saglit. Nang bumalik ay may dala itong food tray. Ipinatong nya ito sa mesitang nasa harapan ng binata. Tinignan ni Roniel ang nasa food tray isang tasang kape, bibingkang kanin na nasa platito at isang basong tubig. Umupo si Fe sa katapat na sofa.

" Napasyal ka sa amin?" tanong niya sa binata.

" Fe, may gusto lang akong malaman tungkol kay Jasmin " sabi ng binata.

" Sure, ano ang gusto mong malaman?" tanong ni Fe.

" Malakas ang kutob ko na may problema si Jasmin. Kung may alam ka tungkol dito, pls, tell me." sabi ng binata

" Ok, malaki nga ang problema nilang mag-anak. Nakasangla ang bahay at lupa nila kay Mr. Perez. Halos kalahating milyon at may patong na 20% tuwing ikatlong buwan . Yun ang pinoproblema niya kung papaano nila mababayaran " sabi ni Fe.

" Saan naman nila nagamit ang ganoong kalaking halaga? " tanong ni Roniel.

" Nang magkasakit sa atay ang ama niya ay nakahiram sila kay Mr. Perez. Maliit na halaga lang noong una. Lumaki lang dahil sa patong na 20% "

" Hayup rin pala ang Mr. Perez na yan. Kaya pala umiiyak siya kagabi ng lumabas siya sa opisina ni Mr. Perez " sabi ng binata .

"Kawawa nga siya. Lagi silang ginigipit ni Mr. Perez. "

" Salamat Fe. Huwag mo na lang sasabihin kay Jasmin ang napag-usapan natin."sabi ni Ron.

Ilang sandali lang ay nagpa-alam na ang binata matapos silang magkabalitaan pa. Habang pauwi na siya ay naiisip niya si Jasmin. Awang-awa siya sa kanyang mahal at may naisip siya kung papaano niya matutulungan ang dalaga.

Wooden Ring  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon