Kabanata 2... Sorpresang Muling Pagkikita

43 3 0
                                    


"Sorpresang Muling Pagkikita"

--------

Lumipas ang sampung taon, ganap ng isang guro si Jasmin. Namayapa na ang ama niya ng makapagtapos na siya sa pag-aaral. Kaya siya na ang pumalit sa kanyang ama bilang guro sa pribadong eskuwelahan sa kanilang bayan. Ang inay Luring na lamang ang kasama niya at ang kapatid niyang bunsong lalaki na si Jake na kasalukuyang nag-aaral pa sa San Fernando.

Nanatiling dalaga pa rin si Jasmin. Maganda sa taas na limang piye at limang pulgada. Balingkinitan ang katawan na may mahabang buhok. Maputi at makinis ang kutis. Namana niya ang tangos ng ilong ng ama at sa ina naman ang mga matang mapupungay. Kahit hindi siya mag make-up at  polbo lamang ang gamit ay lumalabas pa rin ang angking ganda . Maraming binatang guro ang lumiligaw sa kanya. Yung iba ay laging nagpaparinig lamang ngunit nanatiling siyang  bulag at bingi  dahil matagal ng sarado ang kaniyang puso. Muli lamang itong mabubuhay kapag dumating na ang taong nagmamay-ari nito.

Madalas siyang tuksuhin ng mga kapwa niya gurong babae. Lalo na si Fe ang kanyang best friend. Minsan habang nasa faculty room sila at gumagawa ng mga test questions ay tinukso-tukso siya ng kaibigan.

" Mare, baka naman tumandang dalaga ka na niyan. Kailan ba kami uupo sa mahabang dulang ha? " biro ni Fe.

" Hay naku Mare, hindi ko na iniisip yan. At saka nag-aaral pa si Jake. Saka na siguro kapag dumating na ang tamang panahon." sagot ni Jasmin.

" At kailan naman yang tamang panahong sinasabi mo?  Aba! Masusundan na ang inaanak mo at wala ka pa rin ng sayo. Binuburo mo ba yan talaga, ha? Sayang naman. Ha ha ha!"

" Oo nga naman Jasmin, sagutin mo na kasi ako. Ang tagal ko ng nanunuyo sayo. Gwapo naman ako, may ipon, may matatag na trabaho. Ano pa ba ang kulang sa akin ha?" hirit ni Dante kasamahan niyang guro.

" Hoy Dante! Gusto mong malaman kung anong kulang sayo? " tanong ni Fe.

" Sige nga Fe ikaw na ang magsabi kung anong kulang sa akin?" sagot ni Dante.

" Aba! Talagang gustong malaman. O siya sasabihin ko na. Tumayo ka nga. E, wala ka pa yatang limang piye. Tignan mo naman yang si Jasmin. Ano ang magiging hitsura niyo pag nagtabi kayo? May akay siyang unano? Ha ha ha " lahat ay nagtawanan sa loob ng faculty room. Namula si Dante.

"Ikaw naman Fe, ipinalandakan mo pa. Kaya nga sinisisi ko ang nanay ko na kung bakit sa unano ako ipinaglihi. Pero sa mga umi-ibig, ke pandak o higante pa basta nagmamahalan sila wala na silang pakialam sa sasabihin ng iba. Hindi ba Jasmin. " sabi ni Dante.

" Ewan ko sayo Dante. Humanap ka na muna ng kausap mo. Hi hi hi " sagot ni Jasmin.

" Hay naman! Talagang kay hirap katukin yang puso mo Jasmin. Bakal yata yan e." sagot ni Dante.

" Tigilan mo na nga ako Dante. Mabuti pa gumawa ka na ng schedule natin sa darating na exam. Pinamamadali na ni Mam Esteban. Sige ka, ikaw rin ang masesermon. Kahapon pa yata niya hinihingi sayo." sabi ni Jasmin.

" Opo, malapit na pong matapos." sagot ni Dante.

Sa paglipas ng mga araw ay nalibang si Jasmin sa pagtuturo. Paboritong guro siya ng karamihan ng mga mag-aaral dahil mabait, hindi nagmumura sa loob ng klase, napapaki-usapan kapag gustong lumiban sa klase at crush siya ng bayan.

***

Sa isang malaking videoke bar sa Makati malapit sa Quad ay nagkakasiyahan ang isang grupo ng mga enhinyero. Kaarawan ng isang kasamahan nila.

"Pareng Fernand, ikaw naman ang kumanta. Malat na si Pareng Jess. Kanina pa birit ng birit wala naman sa tono. Ha ha ha" Kantiyaw ni Edgar.

" Anong wala sa tono? Tignan nga ninyo ang score ko laging 98. Yan ba ang wala sa tono? Ha ha ha ha! Subukan mo kaya? " sagot ni Jess.

Wooden Ring  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon