"Attempted Rape Kaso ni Roniel"-----------
Pagkatapos maghapunan ni Röniel kina Jasmin ay kina-usap niya ang mag-ina tungkol sa nalaman niya sa ama ng dalaga.
" Pina-imbestigahan ko ang Kooperatiba sa aking abogado sa SEC. Sa tulong ng kaibigan niya sa loob ay nalaman niya na matagal na pala kayong niloloko ni Mr. Perez. Nang mahalal na chairman ang ama mo ay may binili siya ang mga shares na sa panahon na yun ay nagkakahalaga ng limang daang libong piso. Nasa pangalan mo Jasmin ang mga shares at nakalagak sa isang banko sa Makati. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng ama mo kung bakit inilihim niya. Kaya inutusan ko ang abogado ko na alamin ang account # ng ama mo. Gumawa kami ng pekeng power of attorney na nakasaad na binibigyan mo siya ng karapatan na makipagnegosasyon sa pangalan mo. Sori mahal ko kung ipinagawa ko yun sa kaniya. Kaya nabuksan niya ang safety deposit box ng ama mo. Nasa loob ang mga shares niya sa kooperatiba at ang sobreng ito na selyado at nasa pangalan mo. Here, Jas kunin mo. "
Nasorpresa ang mag-ina sa sinabi ni Roniel. Tinanggap ni Jasmin ang sobre.
" Hindi ako nagagalit sa ginawa mo Ron. Dapat pa nga akong magpasalamat. Maraming salamat sayo! " sabi mg dalaga.
Binuksan niya ang sobre at isang liham ang nasa loob, binasa niya ito.
" Mahal kong Jasmin anak ko, Patawarin ninyo ako ng Nanay mo at ng kapatid mong si Jake sa ginawa kong paglilìhim sa inyo. Ito ay para rin sa kinabukasan ninyo ng kapatid mo. Lingid sa inyo may isang lupa akong namana sa aking lola na aking ipinagbili. Ang pera ay ginamit ko naman sa pagbili ng mga shares ng køoperatiba sa halagang 500 libong piso. Inilagak ko itong mga shares sa banko at ang certificate of ownership ay nasa pangalan mo. Gumawa ako ng isang kopya nito at ibinigay ko kay Mr. Perez ang vice-chairman. Alam ko na sandaling ito ay wala na ako. Matagal ko ng alam ang sakit ko. Malala na ng malaman ko rin. Mahal na mahal ko kayong lahat kaya naglihim ako. Ayoko kayöng mahirapan at masaktan. Patawarin sana ninyo ako.
Nagmamahal, iyong Itay."Humagulgol ng iyak ang mag ina.
Niyakap ni Roniel ang kasintahan.
" Tahan na mahal ko. Tahan na. " bulong ng binata.
" Sana sinabi niya sa amin ang tungkol sa sakit niya. Huli na ng malaman namin. Dinala namin siya sa Maynila ng atakihin siya ng matinding sakit. Kasama namin si Mr. Perez. Nag offer siya ng tulong, dahil kailangan namin talaga kaya tinanggap ko. Namatay rin si Itay habang inooperahan. Pagkatapos ng libing saka sinabi ni Mr. Perez na may tubo ng 20 porsyento kada ikatlong buwan ang pera niya kaya nabaon kami sa utang sa kanya. " sabi ng dalaga.
" Talagang napakawalanghiya pala ng Mr. Perez na yan. Ang shares ng tatay mo na hindi pa niya hawak ay napalitaw niyang kaniya kaya lumaki ang shares niya sa kooperatiba. Ipinagbili daw sa kanya ng ama mo. May hawak siyang mga dokumento na may lagda ng ama mo. Pinatignan ko ang lagda sa isang kaibigan kong taga NBI. Peke ang lagda ng ama mo. Hindi nya alam ay hindi na pag-aari ng ama mo ang mga shares dahil nakapangalan lahat sayo. At imposibleng ipagbili ng ama mo iyon. " sabi ng binata.
" Ano ngayon ang gagawin namin anak? " tanong ni Inay Luring.
"Huwag po kayong mag-alala safe po ang mga shares ni Jasmin . Huwag muna natin ipaalam kahit kanino . Yung utang ninyo kay Mr. Perez siya kong nilalakad ngayon. " sagot ng binata.
Napabuntong hininga si Jasmin . Sumandig siya sa balikat ni Roniel.
" Salamat mahal ko, maraming salamat! " bulong ng dalaga.
Kinabukasan ay dumating sa paaralan ang tatlong auditors na kasamahan ni Ben ang kaibigang auditor ni Roniel. Sinalubong sila nina Mrs. Marasigan at Fe. Kaagad silang nagsimulang mag-audit sa lahat ng financial transaction ng kooperatiba at ng paaralan. Hinalungkat lahat nila ang mga libro at mga dokumentong itinago ni Gregg. Lahat sila ay napapa-iling sa kanilang mga nadiskubre. May malaking anomalyang nagaganap na kung magtatagal pa ay mauubos na ang pera ng kooperatiba.

BINABASA MO ANG
Wooden Ring (Completed)
RomansaAng pag-ibig na wagas ay hindi mabubuwag kahit sino man. Ang dalawang nagmamahalan kung sadyang sila ang itinakda ay hindi mapaghihiwalay ng panahon gaano man katagal na sila ay magkalsayo.