Ang pag-ibig na wagas ay hindi mabubuwag kahit sino man. Ang dalawang nagmamahalan kung sadyang sila ang itinakda ay hindi mapaghihiwalay ng panahon gaano man katagal na sila ay magkalayo.***
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.
This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.
*******
"Puno ng Bayabas"
Araw ng kapistahan ni Sta. Catalina sa bayan ng Arayat, isang tahimik na bayan sa Gitnang Luzon kung saan matatagpuan ang Bundok ng Arayat. Halos lahat ng mga bahay ay may palamuti sa harap bilang tanda na ang mga nakatira ay naghahanda sa kanilang kapistahan.
Kinagabihan ay isang mahabang prusisyon ang ginanap. Kabilang sa mga nakikipag prusisiyon ay ang magkaibigang sina Jasmin at Roniel. Sa tuwing may prusisyon ay hindi sila pumapalyang umilaw. Kapwa sila na nasa ika-anim na grado na sa elementarya. Matanda ng dalawang taon si Roniel kay Jasmin. Hindi kaagad nakapag-aral dahil dinapuan ng sakit noong anim na taong gulang pa lamang. Magkaibigang matalik ang kanilang mga magulang.
Isang guro ang ama ni Jasmin at nagtuturo sa pribadong mataas na paaralan na malapit lamang sa simbahan. Kontratista naman sa konstruksiyon ang ama ni Roniel. Kapwa sa bahay lamang ang mga ina nila.
Bata pa ay may angking ganda na si Jasmin. Marami na ang nakakapuna na habang lumalaki siya ay lalong gumaganda. Si Roniel naman ay lumalaking matikas ang pangangatawan. Laging binibiro ng kanyang mga pinsan na marami siyang pa-iiyaking kababaihan. Laging nagbibiruan ang kanilang mga ina na kung magtawagan ay balaeng hilaw.
Nang gabing yaon ay maraming naiinggit kay Roniel sa mga kaidaran nila. Kahit mga bata pa, marami-rami na rin ang gustong pumorma kay Jasmin. Hindi lang sila makalapit sa kanya dahil kay Roniel. Nang matapos na ang prusisyon ay sabay na umuwi ang dalawang bata.
" Jasmin, magkita tayo sa bukid ni Inkong Belo ko. Malalaki at hinog na ang mga bunga ng bayabas nila. Manguha tayo. " sabi ni Roniel sa kababata.
" Sige, hintayin mo muna ako. Tutulungan ko pa si Inay sa mga labada niya. Darating ako ng mga hapon na. " sagot ni Jasmin.
" Sige aasahan ko. Kundi ay uubusin ko ang lahat ng makukuha kong hinog. Ha Ha Ha. " tugon ni Roniel.
Wala sa loob nila na naghawakan sila ng kamay.
Kinabukasan, dumating si Jasmin sa tipanang lugar. Naabutan niya si Roniel na pawisan. May dala itong isang matalim na itak. Katatapos lang niyang linisin ang madawag na lupain ni Ingkong Belo. Itinuro niya kay Jasmin ang isang malaking puno ng bayabas. Hitik ito sa bunga na karamihan ay hinog na.
Umakyat sa puno ang dalawang bata at namitas. Minsan pumipitas si Roniel ng mga maliliit na bunga at binabato si Jasmin. Gumaganti rin naman siya, malalaki ang pinipitas at binabato si Roniel. Habang nasa itaas sila ng puno ay kumakain rin naman sila ng mga napipitas na hinog. Nang mabusog na at mapagod sa batuhan ng bunga ay bumaba na sila. Nang pababa na si Roniel ay napansin niya ang isang sanga na maganda ang pagkakahubog. Kinuha niya ang itak at tinigpas ang sanga. Nang makuha na niya ito ay pinagtataga pa niya hanggang sa lumiit ito at pinaka ubod na lang ng sanga ang natira. Nilapitan siya ni Jasmin.
" Ron, ano ang gagawin mo sa kahoy na iyan? " tanong ni Jasmin.
" Wala lang saka mo na malalaman kapag natapos ko na ang gagawin ko nito. " sagot ni Ron.
BINABASA MO ANG
Wooden Ring (Completed)
RomanceAng pag-ibig na wagas ay hindi mabubuwag kahit sino man. Ang dalawang nagmamahalan kung sadyang sila ang itinakda ay hindi mapaghihiwalay ng panahon gaano man katagal na sila ay magkalsayo.