Kabanata 4 . . . Ball Room Dancing

44 2 0
                                    


"Ball Room Dancing"

---------

Naging abala kapwa sina Jasmin at Roniel. Kapwa nila pinanabikan ang isat-isa ngunit lagi na lang silang nagkakalihis ng landas. Hanggang sa sumapit ang Foundation Day ng eskuwelahan. Pinatigil munang pansamantala ang trabaho sa konstruksiyon.

Kinuhang guest si Roniel ni Mr. Perez para magsalita sa mga mag-aaral sa gabi ng okasyon bago ang ball room dancing.

Nagkaroon ng botohan sa mga mag-aaral kung sino ang pinakamaganda nilang guro at si Jasmin ang nanalo.

Araw ng Foundatipn Day at ginaganap sa buong school. Inayos ang plaza na may basketball court.
May naganap na mga palaro at singing contest sa buong maghapon.

Kinagabihan ang ball room dancing na ang gaganapin. Isang orchestra ang naimbitang tumugtog para sa mga matatanda at isang sikat na banda naman para sa mga kabataan.

Sa bahay nina Roniel, kinakabahan siya sa pagdalo sa ball room dancing. Ewan niya kung bakit? Sanay naman siya sa gayung pagtitipon sa Maynila. Bakit dito sa bayan niya para siyang kinakabahan. Kapwa bihis na sila ni Edgar. Paglabas nila sa bahay ay tumingin si Roniel sa bahay nina Jasmin. May ilaw sa balkonahe. Gusto niyang pumunta para sunduin sana ang dalaga ngunit naunahan na naman siya. Pumarada sa tapat ng bahay nina Jasmin ang sasakyan ni Gregg. Inis na niyaya na ni Roniel si Edgar.

Dumaan muna sila sa opisina at kinuha ni Roniel ang ilang sobreng nilagyan niya ng cash bilang gantimpala sa mga mag-aaral na nanalo sa mga paligsahan ng araw na iyon. Pagpunta nila sa plaza kung saan ginaganap ang ball room dancing ay namangha sila kapwa ni Edgar sa dami ng mga taong nanonood sa paligid ng plaza at sa loob ng ball room. Maraming mag-aaral na ang nagsimulang sumayaw. Ang banda ang tumutugtog.

Sinalubong sila ni Mr. Perez at inihatid sila sa mesa ng mga panauhing pandangal. Namumula ang pisngi ni Roniel ng maupo siya. Tumingin siya sa paligid. Isang mukha ang hinahanap niya ngunit hindi niya makita sa kapal ng mga kabataang nagsasayaw sa gitna. Nang huminto na ang tugtog ay tumabi na rin ang mga mag-aaral.

Siya namang pagpasok ni Jasmin. Lahat ay nakatingin kay Jasmin. Nagpalakpakan ang mga mag-aaral. May humihiyaw at may pumipito. Lahat ay masayang sinasalubong ng palakpak ang paborito nilang guro. Lumakas ang sikdo ng dibdib ni Roniel. Napakaganda ni Jasmin niya. Parang gustong niyang tumayo at tumakbo palapit kay Jasmin at yakapin ang mahal. Ipagsigawan sa lahat kung gaano niya kamahal ang dalaga.

Namumula ang mukha ng dalaga ng pumapasok na siya sa loob ng ball room. May isang mukha kaagad ang hinanap niya at nakita naman niya kaagad. Napakagwapo ni Roniel sa suot nitong puting tuxedo. Kung maari lamang ay tumakbo na siya papalapit sa binata at yakapin itong bigla pero hindi niya magawa. Inalalayan siya ni Greg na taas ang noo, nagyayabang , dahil siya ang eskort ng pinakamagandang dilag sa gabing ito.

Umupo sila sa kanilang mesa. Nagsimula na ang pamimigay ng gantimpala muna sa mga nagwagi. Sa huli ay tinawag si Roniel bilang guest speaker nila. Tumayo ang binata at umakyat sa entablado. Sanay na rin siyang maging guest speaker kaya madali na para sa kanya ang magsalita ng mabilisan. Lahat ay sa kanya nakatingin. Nakaramdam din siya ng pagmamalaki. Humanga sa kanya ng husto si Jasmin.

Nang matapos na ang speech ni Roniel ay sisimulan na ang ball room dancing at ang unang sasayaw sa tugtog na awiting ay ang guest speaker at ang nagwaging pinakamagandang guro.

Nagpapalakpan at hiyawan ng magsimula ng umawit ang lead singer ng banda.

"Sa pagpatak ng bawat oras
ay ikaw ang iniisip isip ko...

Hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko...

Simula ng matanto
Balang araw ay iibig ang puso...

Wooden Ring  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon