"Board of Directors"
-----------
Halos magdamag na nag-iiyak si Jasmin. Hawak niya ang munting kahita. Nakabukas ito at pinagmamasdan niya ang kahoy na singsing. Kay tagal niyang hinintay si Roniel at mauuwi lang pala sa wala ang lahat! Marahil kung nag-iisa lang siya sa buhay ay matagal na niyang winakasan ang lahat ngunit mahal na mahal niya ang kanyang ina at kapatid.
" Ron, aking pinakamamahal. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan sana ay hindi na tayo nagkakilala pa. Sana hindi kita natutunang mahalin sa musmos kong kaisipan noon. Sana y wala ang singsing na ito. Hindi ka na sana nasasaktan ngayon." sa isipan ni Jasmin.
Isinuot niya ang singsing sa hinliit na daliri at humagulgol na siya. Hinalik-halikan niya ang singsing hanggang sa makatulog na siya. Hindi na niya namalayan ang pagpasok ni Inay Luring. Lumuluha rin ang matanda. Pinagmasdan siya at dahan-dahan hinubad ang singsing na kahoy at isinilid sa munting kahita. Itinago nya ito sa drawer ng dalaga. Pinagmasdan ang anak niya. May luha pa ito sa mga pisngi. Marahan niyang pinunasan ang pisngi ng dalaga. Pinagmasdan niyang muli ng matagal ang maamong mukha ng anak. Kinumutan niya at marahan na siyang lumabas. Humiga siya sa kanyang higaan at humagulgol na ng iyak.
Hindi makatulog si Ròniel. May hawak siyang maliit na kahita. Binuksan niya ito. Isang gintong singsing na may isang malaking batong diyamante. Matagal na niyang itinatago ito pamalit sa singsing na kahoy na ibinigay niya kay Jasmin . Umi-iyak rin siya. Sinisisi niya ang sarili na kung bakit hindi siya umuwi kaagad disin sana ay hindi dinadanas ng mahal niya ang hirap na dinaranas ngayon. Gusto niyang sumigaw! Hindi siya makapapayag na mawala sa kanya ang pinakamamahal. Nakatulog siyang hawak ang munting kahita.
Kinabukasan, hindi pumasok si Jasmin sa school. Nagpasabi na lamang siya sa isang batang madalas dumaan sa tapat ng bahay nila . Ilang oras lang ang lumipas ng dumating si Gregg. Pinatuloy niya ito sa sala.
"Kumusta ka na Jasmin? Okey ka na ba? Masama raw ang pakiramdam mo kaya nagpunta ako rito para madala sana kita sa doktor." sabi ni Gregg.
" Okey lang ako. Masakit lang ang ulo ko kaya hindi muna ako pumasok ngayon. Könting pahinga lang ito at papasok na rin ako bukas. " sagot ni Jasmin .
" Ganun ba? Nag-alala lang ako kaya napasugod rito. "
" Gregg, tutal naririto ka na rin lang may ipapaki-usap sana ako sayo. Pwedeng ipagpaliban muna natin ang kasal?" tanong ni Jasmin.
" Why? "
" Gusto ko muna sanang makaraos ang death anniversary ni Itay! Pwede please?"
"Sige, para sayo payag ako. Kailan mo gusto? " tanong ni Gregg.
" Mga tatlong buwan sana mula ngayon. "
" Sige payag ako pero sa isang kondisyon. "
" Ano yun?"
" Mula sa araw na ito ay hindi ka na makikipag-usap at makikipagkita kay Roniel. " sabi ni Gregg.
" Oo gagawin ko. Salamat Gregg." sabi ni Jasmin .
" Mahal kita Jasmin kaya pumapayag ako pero iba akong magalit. Kaya sana tumupad ka sa usapan natin. "
" Oo maaasahan mo " sagot ng dalaga.
Umalis si Gregg sa kanila at nakangising aso habang patungo ito sa sasakyan niya.
Matagal na pinagmamasdan ni Roniel ang mga papeles na nasa kanyang harapan. Paulit-ulit niyang binasa. Kailangan na niyang kumilos bago mahuli ang lahat. Sa Linggo na ang board meeting sa paaralan. Nangangailangan ng pera ang eskuwelahan dahil sa ipinapatayong bagong gusali. Isa itong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Wooden Ring (Completed)
RomanceAng pag-ibig na wagas ay hindi mabubuwag kahit sino man. Ang dalawang nagmamahalan kung sadyang sila ang itinakda ay hindi mapaghihiwalay ng panahon gaano man katagal na sila ay magkalsayo.