"Buhay at Kamatayan sa Gulod"---------
Nakadama ng awa si Jasmin na kanina lang ay galit siya kay Emma.
" Itay, Inay, patawarin po ninyo ako. Hindi ko rin naman po gusto ang ginawa ko. Napag-utusan lang po ako kaya kahit labag po sa kalooban ko ay sumunod po ako sa kanila kung hindi ay sisingilin daw po niya kayo. Alam ko hong wala rin naman kayong ibabayad sa kanila kaya pumayag na ho ako." sabi ni Emma.
" Kung ganoon ay totoo ang pahayag ng nakakita. Sino ang nag-utos sayo? " tanong ng hepe.
" Ang mag-amang Perez po! Hu hu hu hu! " sagot ni Emma.
" Ngayong malinaw na ho ang lahat hepe. Bale walain na ho ninyo ang salaysay ni Miss. Sandoval. Napatunayan na ho na walang kasalanan si Engr. Valdez. At gusto ko hong ipaalam sa inyo na maghahain naman po si Engr. Valdez ng demanda laban kay Miss. Sandoval at sa mga taong nag-utos sa kanya. Maaari na rin po bang umuwi ang kliyente ko? " sabi ng abogado kay hepe.
" Maaari na ho siyang umuwi ano mang oras na gusto niya. Sa inyo po Miss. Sandoval ay may pananagutan rin po kayo sa batas maliban sa sinasabi ng abogado ni engr. Nagsinungaling po kayo sa sinumpaang salaysay ninyo kaya ang pamahalaan po ay magsasampa ng demanda sa inyo at ihahain namin sa piskalya ito." Sabi ng hepe.
" Roniel, Jasmin, patawarin ninyo ako please. Si Mr. Perez at Gregg ang nag-utos sa akin. Wala akong magawa. Kailangan kong sumunod sa kanila. Patawarin ninyo ako. Hu hu hu " samo ni Emma kina Roniel.
" Pinatatawad na kita Emma pero may pananagutan ka pa rin. Bahala na ang batas sayo. " at tumayo na ang binata.
Kinamayan niya ang hepe. Niyaya na niya sina Jasmin na umuwi na sila. Naiwan sila Emma sa opisina ni hepe. Patuloy ang pag-iyak ni Emma. Naawa ang mga magulang sa kaniya at hindi sila makatingin kay Roniel ng papalabas na ang binata sa opisina. Sa tuwa ni Jasmin ay napayakap siya sa binata sa labas ng opisina. Wala na siyang pakialam kahit sino man ang nakakakita sa kanila. Nagpasalamat ulit si Roniel kay atty at Utoy. Lumabas na sila sa presinto papunta sa paaralan.
Totoo ngang may papak ang balita. Hindi pa man nakakarating sa paaralan ang grupo nila Roniel ay alam na halos ng mga guro ang kinalabasan ng kaso ni Roniel. Naligalig ang mag-amang Perez. Nalaman nila na isinangkot sila ni Emma kaya kasama silang idedemanda ni Roniel.
" Pa, ano ang gagawin natin. Pumiyok ang alaga mo. Akala ko ba Papa ay mapapagkatiwalaan mo si Emma. " sabi ni Gregg sa ama.
" Huwag kang mag-alala son. Hawak natin ang huwes dito. Sayang na lang ang pagiging magkumpare namin at malaki ang utang niyang salapi sa akin. Walang hiyang babaing iyan. Sa ginawa niyang iyun ay sisingilin ko na ang ama niya at papatungan ko pa ng malaking tubo ang utang nila. Tignan ko na lang kung saan sila pupulutin . " sagot ng matanda.
" Pa, dumating na sila. Nasa opisina sila ni Roniel. Malaki ang nawala sa atin mula ng dumating ang hambog na iyon. Pati si Jasmin na sana ay magiging akin na ay nawala pa. Hindi ako makapapayag Pa. Mahal na mahal ko si Jasmin. Kung hindi ko rin lang siya magiging kabiyak ay hindi rin siya pakikinabangan ni Roniel "
" Son, huwag ka munang gagawa ng ano mang pagkilos ng hindi ko alam. Kailangang pag-isipan nating mabuti kung papaano muna tayo makaliligtas sa demanda ni Roniel saka natin harapin si Jasmin. Pangako ko sayo. Magiging iyo pa rin siya" sabi ng matandang Perez.
Naka-upo si Roniel sa kanyang kama habang binabasa niyang isa-isa ang ginawang report ng mga auditors sa mga finances ng kooperatiba. Hindi rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ng mga auditors. Naisip niya ang kaniyang si Jasmin na kahahatid lang niya sa kanilang bahay. Hindi niya namalayan na napa-idlip na siya.
BINABASA MO ANG
Wooden Ring (Completed)
RomanceAng pag-ibig na wagas ay hindi mabubuwag kahit sino man. Ang dalawang nagmamahalan kung sadyang sila ang itinakda ay hindi mapaghihiwalay ng panahon gaano man katagal na sila ay magkalsayo.