"Karibal"
---------
Nagmamadali si Jasmin sa paglabas sa balkonahe para salubungin si Roniel na kay tagal niyang hinintay. Nang makita niya kung sino ang tinatahulan ng aso ay labis siyang nanlumo.
Si Gregg ang masugid niyang manliligaw na ilang beses na niyang binigo ang nakatayo sa labas ng gate ng kanilang bakod.
Parang gusto na niyang pumasok sa loob at isara na lang ang pinto nila pero hindi niya magawa dahil nakakahiya kay Mr. Perez na ama ni Gregg. Lalo na may malaking utang pa sila kay Mr. Perez. Bago namatay ang ama niya ay naratay ito sa sakit at kay Mr. Perez sila lumapit.
Pinatuloy niya si Gregg. May dala itong bulaklak. Tuloy-tuloy si Gregg sa sala nila. Umupo ito na malapit sa bintana. Iniabot niya ang mga bulaklak sa dalaga at kinuha naman nito.
Sa mga sandaling iyon ay paparating na si Roniel. Nakatingin siya sa bahay nina Jasmin at napansin niyang may bisita ang dalaga. Lumabas si Jasmin sa kusina nila. Pagbalik nito sa sala ay may dala na siyang isang basong malamig na orange juice para kay Gregg. Nasa tray ang baso at inilapit niya ito kay Gregg.
" Here Gregg, magpalamig ka muna."
Nang kukunin na lamang ni Gregg ang baso ay natabig niya ang tray at natumba ang baso. Natapunan ng orange juice ang polo niya.
" Ay, sorry Gregg! Teka lang!" naglabas ng panyo ang dalaga at pinunasan ang polo ni Gregg.
Nakayuko ang dalaga kay Gregg habang pinupunasan ang polo na gustung-gusto naman ng loko. Lalong inilapit ni Gregg ang dibdib niya sa dalaga na halos kadikit na rin ang mukha nito. Paparating na si Roniel sa bahay ni Jasmin. Napatingin siya sa harapang bintana ng makita niyang nakayuko si Jasmin na parang nagpapahalik ito sa pisngi ng isang bisitang lalaki. Napatigil si Roniel sa paglalakad. Parang may tumusok sa kanyang dibdib. Nakita niyang nakangiti ang dalaga sa bisita at biglang nagtawanan pa ang dalawa. Nainis si Roniel. Tumalikod siya at umuwi na lang sa kanila.
" Sorry talaga ha Gregg. Ikaw naman kasi. Hahawakan mo lang ang baso ay kinabig mo pa. " sabi ng dalaga.
" Papaano naman, naduling ako sa ganda mo, ha ha ha " sagot ni Gregg at nagtawanan sila.
Panay pa rin ang tingin ni Jasmin sa labas ng bahay. Wala pa si Roniel.
"Nasaan na kaya siya?" ang nasa-isip ng dalaga.
Hanggang sa magpa-alam na ang bisita niya ay wala pa si Roniel. Nagsara na lang siya ng bintana at pumasok na sa kanyang silid. Humiga siya sa kama at si Roniel ang iniisip.
" Bakit hindi ka na naman tumupad sa sinabi mo. Ang tagal mo akong pinaghintay tapos hindi ka na naman dumating sa ikalawang pagkakataon. Bakit Ron? Mahal, bakit? " at nakatulugan niya ang pag-iisip sa binata.
Kinabukasan ay pinaluwas ni Roniel si Edgar sa Maynila gamit ang kotse upang kumuha ng mga gamit at ilang tauhan nila sa konstraksyon. Pagkatapos habilinan ang kaibigan ay pumunta siya sa eskuwelahan. Naabutan niya ang mga mag-aaral na nakapila lahat sa harap ng flag pole. Umaawit ang mga ito ng Pambansang Awit. Si Jasmin ang nasa harapan ng mga mag-aaral at siyang kumukumpas. Napakaganda niyang pagmasdan. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa dalaga maging ang ilang mga nagdaraang taong huminto sa paglalakad ay nakatingin sa dalaga.
Lalong humanga ang binata kay Jasmin. Nang matapos ang flag ceremony sy nagsipasukan na ang mga mag-aaral sa loob ng eskuwelahan upang magsimula na ang kanilang mga klase. Pumasok na rin ang binata.
Sa faculty room muna siya tumuloy upang kumuha ng ilang impormasyon tungkol sa schedules ng mga klase para hindi sila makaabala sakaling magsimula na sila sa pagtatayo ng bagong gusali. Naabutan niya si Jasmin na naghahanda na ng gamit sa pagtuturo. Huminto siya sa tapat ng mesa ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Wooden Ring (Completed)
RomanceAng pag-ibig na wagas ay hindi mabubuwag kahit sino man. Ang dalawang nagmamahalan kung sadyang sila ang itinakda ay hindi mapaghihiwalay ng panahon gaano man katagal na sila ay magkalsayo.