Jam's POV
~Tok Tok~
Nagising ako sa pagkatok ng kung sino sa pintuan ng kwarto ko.
~Tok Tok~
"Hmm. Sino ba yan ?" -ako. Hayst Azar. Istorbo.
"Jam, gising ka na, may pasok ka pa"-Manang Mary, Ano ba yan kay aga-aga pa eh. Gigising na :3
Wait. Ano sabi ni Manang, may pasok ako ? *Loading... *Loading... Hala, first day nga pala ng class ngayon. Patay.
Tiningnan ko yung wall clock ko sa kwarto. Oh My ! 6 o'clock na. 7 am pasok ko. I have only 1 hour to prepare.
Dali-dali kong pinasok ang CR at ginawa na ang seremonyas ko sa umaga.
After 20 minutes. Tapos na ko, bumaba na ko sa kusina para kumain ng breakfast. Naabutan ko si Mamo at Papo na kumakain na.
"GoodMorning baby!" -bati sakin ni Mamo, lumapit naman ako sa kanya at nakipagbeso.
"Morning Mamo"-ako.
"Morning My Princess."-Papo, at lumapit din ako sa kanya at nakipagbeso din.
"Morning Papo." -ako.
"Kumain ka na, Baby."-Mamo. Umupo na ko sa hapag kainan at kumain na.
"Baby, Aakyat na ko. Aayusin ko pa yung gamit ko eh. May mga reports pa kong aayusin. Nauna na nga pala si Kuya mo. Ang tagal mo daw kasi ! "-Mamo, sabay tawa. At umakyat na. Yes, may Kuya ako. Si Nathan Fabian, kung ano yung ikinahaba ng name ko yun namang ikinaikli nung sa kanya.
"Lagi naman eh. Di naman talaga ako sinasabay nun. Ikinahihiya nya ata ang kagandahan ko :3 "-ako. Sabay pout.
"Naku. Nagtampo naman agad si Princess ko."-Papo, sabay tawa.
Tinignan ko lang sya ng masama. At kumain na.
"Papo, una na po ako, baka malate pa ko eh."-ako. Sabay kiss sa cheeks nya.
"Bye, My princess. Ingat ka."-Papo.
Lumabas na ko at nagpahatid na kay Kuya Ronald, driver ko.
Saktong 6:45 ng makarating ako sa San Lorenzo Academy, ang school kung saan ako nag-aaral. Pumunta na ko sa Senior Building.
Hinanap ko ang pangalan ko sa room ng Cream section at hindi ako nagkamali dito pa rin ako sa Star Section.
"Jam!"- Nakita ko si Jhas na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko at hindi sya mag-isa kasama nya si Dave. :)
"Oh, Jhas! Classmate ulet tayo ! "-ako. Sabay turo ng pangalan nya na nakapaskil sa Room ng Star Section.
"Oo nga, nasa loob na nga yung gamit ko eh"- Jhas. Ay. Kaya pala wala syang dala na bag.
"So ? Kanina ka pa dito ? Excited ka teh? "-ako. Sabay tawa.
"Baliw. Kasabay ko kasi tong si Dave, Ang aga ba naman pumasok kaya yun napaaga din ako. Anyways. Classmate nga pala natin sya Bhestie."-Jhas. Sabay turo kay Dave.
What ? Classmate namin si Dave ? Oh my ! Sa tatlong taon ko nang nag-aaral dito sa SLA, ngayon ko lamg sya magiging classmate. Waaaaah. Kinikilig ako.
~~
Sarreh! Medyo malantod si Author eh XD
BINABASA MO ANG
Love Hurts. (Tutuu)
RomanceThis story is all about Love. Even if you are hurt before, doesn't mean that you will close you're heart for someone who deserve your LOVE. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka dapat ready ka ding masaktan. At pag nagmahal ka, wag sobra sobra lal...