Jhas' POV
"Tapos alam mo ba Bhestie, lagi nya kong inihahatid sa bahay.. Blah blah blah " -Salita lang nang salita si Jam. Di ko na siya pinapakinggan pano naman kase paulit ulit na lang. Saka narinig ko na yan sa pinsan kong Bakulaw eh. Ganyang ganyan din sya magkwento. Minsan nga, nag-aalala ako eh, mukha kase syang bakla pag nagkukwento. Kulang na lang magtatalon sa kiling. Hay. Iba talaga pang may lovelife.
Nandito kami ngayon sa park. Kasi nga makikipagkita tong si Jam sakin at madami daw syang ikukwento.
"Bhestie, what do you think ? Sagutin ko na kaya si Dave. Ang tagal na din kase nyang nanliligaw eh."-Jam. Sabagay. Halos magtatatlong buwan na rin kasing nanliligaw si pinsang bakulaw dito sa lukaret kong bestfriend eh XD.
"Pwede rin, Actually. Naiinip na nga ako sayo eh. Ang tagal mo syang sagutin. Pakipot pa kasi. Kelan mo ba balak sagutin?"-ako. Hahaha. Totoo naman kasi eh. Pakipot sya masyado. Buti nga, di naiinip si Pinsan eh. Kung ako yun. Naku. Di ko kakayaning maghintay.
"Ahmm. Next week sana. Bago magSemBreak."-sya. Aba. Malapit na yun ah.
"Gawa kaya tayo ng gimik.?"-suggest ko sa kanya.
"Gimik? Paanong gimik?"-takang tanong nya.
"Yung parang lalagyan natin ng thrill yung pagsagot mo sa kanya. Katulad nung napapanuod natin sa Korean Novela"-ako.
"Hahaha. Ahmm. Nice Idea pero anong gimik naman?"-tanong nya ulit.
"Basta. Ako na bahala dun" -ako. Hahaha. May naiisip na kong Gimik :D
Jam's POV
October 19, 20**
This is it. Ngayon ko na sasagutin si Dave. Arrgh. Medyo kinakabahan ako. Maging successful kaya ang ginawang gimik namin ni Jhas Bebe ?
Nag-ayos na ko ng sarili ko. After 30 minutes. I'm ready to go to school. Nagpahatid na ko sa driver namin. Medyo kinakabahan ako. Sana naman okay na ang lahat.
Pagpasok ko ng room namin. Ang ganda. *_* Mukhang naayos nga ata ng maayos ni Jhas ang trabaho nya. Nakalagay na yung mga sticky note sa blackboard. At upuan.
"Jam! Ang aga mo ah. Di ka naman masyadong excited noh. " Sabay tawa ng malakas.
"Hahaha. Kinakabahan nga ako bhestie eh." -sagot ko sa kanya.
"So ? Feeling nervous pala. Sabi ng Yaya nila Dave. Paalis na daw si Dave ng bahay nila. So get ready."-sya. Sabay wink.
Inayos ko na ang sarili ko.
Dave's POV
Papunta na kaming school. Yes! Makikita ko na si Jam. Kaya lang, next week sembreak na pala kaya di ko sya makakasama ng isang linggo nakakalungkot.
October 19 nga pala ngayon. At ngayon ang ikatlong buwan nga panliligaw ko sa kanya. Bakit kaya di pa nya ko sinasagot ? Aaminin ko medyo naiinip na din ako. Pero kaya kong maghintay para sa matamis na 'OO' ni Jam.
After 7 minutes. Nasa school na ko. Dumiretso na ko sa room. Wait. Teka. Parang may kakaiba sa room. Nagdecorate ba sila na pang Halloween? Bakit may mga nakadikit na kung ano ano.
Pagpasok ko nagulat ako. Puno ng sticky note yung blackboard. Tapos may nakalagay na malaking sulat na 'Yes' sino naman kaya ang gagawa nito ? At para saan ? Activity ? Nakita ko din na yung mga sticky notes na iba't ibang kulay pala ay may nakasulat na 'Yes' din. Pati mga upuan meron ding sticky notes.
Uupo na sana ako nang nakita ko ang upuan ko na punong puno ng sticky notes. At napansin ko na yung akin lang yung punong puno. May letter sa desk ko. Kinuha ko to at binasa.
~~
Dave,
Pumunta ka sa garden after mong mabasa to.
~~
Wait parang sulat kamay to ni Jam ah. Tumakbo ako papuntang garden at nakita ko ang babaeng nakatalikod mula sakin, at alam ko si Jam yun.
"Jam!"-tawag ko sa kanya.
"D-Dave"-sya.
"Bakit mo ko pinapunta dito? Nakita mo ba yung nasa room ? Naku. Ano bang meron?"-Takang tanong ko sa kanya.
"Ang slow mo naman. Di mo ba gets yun ?"-Tanong nya sakin. Anong di gets ? Di ko maintindihan.
"Huh?"-tanong ko ulit sakanya.
"Ewan ko sayo." Sabay harap sa kabilang side. Di ko naman naintindihan eh. Wait. Di kaya ?
"Yes ? Wait. Jam. Sinasagot mo na ko?"-sigaw ko sa kanya.
"Hmmm."-sabay tango. Kaya pala yung aking upuan lang ang punong puno ng sticky notes. Waaaaah ! Ang saya.
"Waaaaah! Jam. Di mo alam kung gaano mo ko pinasaya. Thank you. Thank you for letting me be your boyfriend. Promise I'll never hurt you. And I will love you till the end of time."-ako. Sabay yakap ko sa kanya. Ang saya talaga.
"Thank you din Dave. Kase pinasaya mo ko sa bawat araw na dumadaan."-Sabay yakap din sakin.
~~
Thank you. Hahaha. Kinikilig ako. Sana magkaroon ako ng manliligaw na ganito XD
BINABASA MO ANG
Love Hurts. (Tutuu)
RomanceThis story is all about Love. Even if you are hurt before, doesn't mean that you will close you're heart for someone who deserve your LOVE. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka dapat ready ka ding masaktan. At pag nagmahal ka, wag sobra sobra lal...