Jam's POV
Mag-iisang buwan na rin simula noong kami'y nagkatext ni Dave.
Medyo nag-iimprove na din ang relationship namin. Asa namang may relationship talaga. XD
Nandito kami ngayon sa starbucks ni Jhas. At magugulat kayo kung sino ang hinhintay namin. Si Dave lang naman. Gusto nya daw kasing sumama saming magmall eh.
"Hey. Miles! Jhas! " napalingon kaming pareho ni Jhas, kung sino ang tumawag sa amin.
"Darielle?"-ako.
"Magsho-shopping na naman ba kayo?"-Darielle. Sabay gulo ng buhok ko.
"Ano ba yan Darielle. Ginulo mo pa ang buhok ko. Oo, magsho-shopping kami."-Ako. Habang inaayos ko ang buhok ko.
"Gusto nyo samahan ko kayo?"-Darielle.
"Actually, kasama namin ngayon yung pinsan ko eh. Si Dave. Pero sige sumama ka na. Baka maOp ako dito eh. Magdadate kase sila"-Jhas. Sabay kiliti sa tagiliran ko. Hinampas ko nga.
"Hoy. Jhas. Magtigil ka nga. Date ka jan. Friends lang kami noh. "-ako. Sabay pout.
"Ayiie, may lovelife ka na pala Miles ah."-Darielle.
"isa ka pa eh. Di ko nga yun date."-ako. Naku. Pinagtulungan pa ko ng dalawang to.
May binulong si Darielle kaya lang hindi ko narinig. Tatanungin ko sana sya kung ano yun. Kaya lang dumating na si Dave.
"Oy. Kanina pa ba kayo?"-Dave. Halatang hingal na hingal sya.
"Nope, kani-kanina lang."-ako.
"Ah. Sorry kung late ako ah. Traffic kase eh. Sorry talaga"-Dave. Napatingin sya kay Darielle.
"Ahmm, Oo nga pala. Darielle, si Dave kaibigan ko. Dave si Darielle, kababata ko."-ako. Sabay ngiti.
"Darielle, ano ? Sama ka samin?"-Jhas.
"Sige."-Darielle.
"So, Lets go?"-Dave. Tumayo na kami at nag-ikot ikot na sa mall. Inisa isa namin ang mga boutique. At nagkayayaan kami na manuod ng Sine. Syempre, Go naman ako dun.
Darielle's POV
Nandito ako ngayon sa mall. Napadaan ako sa starbucks. At swerte nga ata ako ngayong araw na to. Nasa starbucks din kasi sila Miles. And Yes, I had a secret crush on her. Since Grade school pa, and I think di lang to crush. Love na ata itoo.
"Hey, Miles ! Jhas! "-ako. Nilingon nila ako.
"Darielle?"-Miles. Ang cute nya talaga.
"Magsho-shopping na naman ba kayo? "-ako. Ang hilig talaga ng dalawang ito sa shopping. Napagtripan ko namang guluhin ang buhok ni Miles.
"Ano ba yan Darielle, Ginulo mo pa ang buhok ko. Oo, magsho-shopping kami."-Miles. Hahaha. Ang ganda nya pag naiinis. Kainlove lalo.
"Gusto nyo samahan ko kayo ?"-ako. Pagkakataon ko na rin kase to na makasama ang Miles ko.
"Actually, kasama namin ngayon ang pinsan ko eh. Si Dave. Pero sige sumama ka rin. Baka maOp ako dito eh. Magdadate kase sila."-Jhas. Sabay kiliti sa tagiliran ni Miles. Hinampas naman sya ni Miles.Date ? May boyfriend na si Miles ?.
"Hoy. Jhas. Magtigil ka nga. Date ka jan. Friends lang kami noh."-Miles. Sabay pout.
"Ayiie, may lovelife ka na pala Miles ah."-ako. Kahit deep inside nasasaktan ako.
"isa ka pa eh. Di ko nga yun date."-Miles.
"Oo, kasi ako lang ang pede mong idate"- pabulong kong sagot sa kanya. Pero di naman nya ata narinig.
Dave's POV
Ngayon ko na tatanungin si Jam kung pwede ko ba syang ligawan. Ipagdasal nyo na ako ay kanyang bigyan ng pahintulot. Pero kahit naman hindi nya ko payagan. Liligawan ko pa rin sya. Kasabwat ko nga pala si Jhas dito sa planong ito.
"Guys, tara magsine tayo!"-ako. Napatingin ako kay Darielle. Kasora. May kasama pa kaming asungot. Joke.
"Sure. Magandang idea yan"-Jhas. Hahaha. Galing umarte nitong si Jhas.
"Sige. Go ako jan."-Miles. So nagpunta na nga kaming sinehan. At ang napili naming panoorin is yung nakakatakot. Sabi kasi ni Jhas. Ayaw daw sa nakakatakot ni Jam so we decided na yun ang piliin. Hahaha. Para daw makadamoves ako. Nung una nga ayaw pa ni Jam eh. Nung sinabi ko lang na Libre ko at nakabili na ko ng ticket. Di na sya umayaw. Di pa kami nakakaupo. Todo kapit na si Jam kay Jhas. Ang kyut nyang tignan.
So ang naging arrangement namin ay gnito.
.Ako-Jam-Darielle-Jhas.
Nagstart na ang palabas at nagtititili na si Jam. Di nga ata nya namamalayan na nakakapit na sya sakin. Feeling ko tuloy. Nasa langit ako.
Pagkatapos naming manuod. Nagstart na ang plano.
Sinabi na rin ni Jhas kay Darielle ang plano.
Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant sa SM.
Umorder na kami. Pinaayos ko na din ang mga flowers at kung ano ano sa staff ng resto.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin. Nag-excuse ako para magrestroom.
Inaayos ko ang sarili ko at pinahanda na ang flowers at nagpatugtog ng isang romantic na music.
Kinuha ko na ang bouquet ng flowers at dahan dahang lumapit sa table namin.
Nakita ko na maraming nagvivideo ng ginagawa ko.
Ibinigay ko ang flowers at sunod namang ibinigay ng mga staff ang chocolates. Ibinigay sa akin ng staff ang gift ko kay Jam.
Lumuhod ako.
"Jam, Sorry, kung hindi medyo romantic. But. Jam. Can I Court you?"-ako. Narinig ko na nagsitilian ang mga tao sa resto at kasama din dun si Jhas.
Binuksan ko ang kahon na hawak ko na naglalaman ng kwintas.
Tumayo ako at sinuot ito sa kanya.
"Dave?"-Jam.
"Hmm? Jam, I'll repeat my question. Can I Court you?"-ako. Habang nakangiti.
"Y-yes, Dave"-Jam. Sabay yakap sakin. At finally liligawan ko na sya. At I will make sure na hindi ko sya sasaktan.
~~
Yiiiiieee. So romantic right ? Im so inlove XD
BINABASA MO ANG
Love Hurts. (Tutuu)
RomantizmThis story is all about Love. Even if you are hurt before, doesn't mean that you will close you're heart for someone who deserve your LOVE. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka dapat ready ka ding masaktan. At pag nagmahal ka, wag sobra sobra lal...