Jam's POV
Tanghali na ako nagising dahil hating gabi na ata natapos ang kwentuhan namin ni Dave. Hindi ko makakalimutan ang dinner date na nangyare kagabi. Ang sweet nya. :)
~Tok Tok~
"Jam, may bisita ka."-Kuya Nathan. Bisita ? Anong oras na ba ? Ang agang bisita naman. Ay, ala-una na pala.
"Wait, Kuya. Pakisabi magbibihis lang ako."
"Sige, bilisan mo at naghihintay yun sa baba."
"Opo"
Nagpalit na ko ng pambahay, keysa naman lumabas ako ng nakapanjama lang. Nakakahiya sa bisita ko. Teka. Di ko pala natanong kay kuya kung sino yung bisita ko.
Bumababa na ko. At naghihintay nga yung bisita ko.
"Darielle?" tawag ko sa lalaking nakaharap ang likod mula sakin. Alam kong sya yun. Kababata ko ata yan.
"Nandyan ka na pala."- sabay harap sakin.
"Anong ginagawa rito?" tanong ko sa kanya. Bihira lang kase itong pumunta rito sa amin.
"Wala lang. Papasama sana ako sayo sa mall. Magbibirthday na kase si Dara eh, gusto ko sanang magpatulong para bumili ng regalo."-Sagot nya sakin. Si Dara ang kapatid nyang babae. Dalawa lang silang magkapatid kaya ganyan yan. Naaalala ko ng dati, bumibili pa kami ng candy after school tapos ipapasalubong nya kay Dara.
"Ah. Sige ba. Maliligo lang ako. Tignan mo naman suot ko."- napatingin naman sya sa suot ko. Nakapambahay lang kase ako.
"Sige, I'll wait for you. Thanks" sabi nya.
Umakyat na ko at naghanap ng damit. Jeans na nga lang at polo shirt. Pumunta na kong banyo at naligo. Makalipas ang ilang minuto, tapos na ko. Kinuha ko ang wallet ko at bumababa na.
"Tara na"-sabi ko kay Darielle.
Lumabas na kami ng bahay. Dala nya pala ang kotse nya. Nakakainggit nga sila eh. Marunong na silang magdrive. :3
Pagdating namin sa mall. Nakaramdam ako ng gutom. Ay. Di pa pala ako kumakain.
"Darielle, pwede bang kumain muna tayo? Di pa kase ako kumakain."-sabi ko sa kanya. Natawa naman sya.
"Sige, jan na lang tayo sa KFC"-sabi nya.
Kumain lang kami and take note. Libre pa nya. Ang saya. Parang may nakalimutan ako. Kinapa ko ang bulsa ko.
"Bakit? Anong hinahanap mo?" tanong sakin ni Darielle, napansin nya sigurong kinakapa ko ang bulsa ko.
"Ahmm, Di ko kase alam kungv nasan ang cellphone ko"-sagot ko sa kanya. Baka kase nagtetext na sakin si Dave.
"Di mo naman ata yun dala kanina eh."-sagot nya sakin. Ay. Naiwan ko siguro sa bahay.
"Ay. Ganun ba. Baka kasi nagtetext na dun si Dave eh."-malungkot kong sagot sa kanya.
"Naku. Wag mo nang alalahanin yun. Baka nasa bahay nyo lang. Kumain ka na"-sabi nya.
Sinunod ko naman sya. Oo nga. Baka nasa bahay lang. Kumain na lang ako. After naming kumain, Naghanap na kami ng pwedeng ipangregalo kay Dara.
Dave's POV
The number you have ....
~Boooooggsh~
Arggh. Naihagis ko ng wala sa oras ang cellphone ko. Nakakainis. Bakit ba ayaw sagutin ni Jam ! Naka 103 missed call na ko ayaw pa sagutin, nag-aalala na ko.
BINABASA MO ANG
Love Hurts. (Tutuu)
RomanceThis story is all about Love. Even if you are hurt before, doesn't mean that you will close you're heart for someone who deserve your LOVE. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka dapat ready ka ding masaktan. At pag nagmahal ka, wag sobra sobra lal...