Jhas's POV
Isang linggo nang hindi pumapasok si Dave at Jam. Bakit kaya ? Di ko naman macontact si Pinsan. Si Jam naman, di ko din macontact. Ano kayang nangyari.
Since sabado naman ngayon, I decided to go to Jam Bebe's house.
~Ding Dong~
Pinagbuksan naman ako ni Manang Mary.
"Manang ! Nasan po si Jam ?" tanong ko kay manang.
"Nandun aa kwarto nya."
"Ah. Sige po. Pupuntahan ko lang po ah."
"Sige."
Umakyat na ko sa kwarto nya. Bubuksan ko na sana. Pero nakalock.
~tok tok~
" Sino yan?" Bakit parang malata ang boses ni Jam ?
"Ako 'to, Bhestie. Buksan mo ang pinto"
Agad namana akong pinagbuksan ni Jam. Laking gulat ko ng makita ko sya. Magang maga ang mata nya. Halatang umiyak sya. Puno ng tissue ang sahig ng kwarto nya. Ano bang nangyari.
"Anong nangyari sayo ? Isang linggo kang hindi pumapasok. Di kita macontact. Tapos makikita kita ngayong magang maga ang mata. What happen Bebe?" Tumakbo sya papunta sakin at umiyak ng umiyak. Ano bang nangyari. Pinaupo ko sya sa kama nya at hinintay natumigil sya sa pag-iyak. Sigurado ako na may kinalaman ito kay Dave. Noomg kumalma na sya ay nagsalita na sya.
"Kase Bhestie, nagbreak na kami ni Dave Y.Y" break ? Nagbreak na sila? Pero bakit, wala pa silng 1 month ah.
"Hindi na daw nya ako mahal bhestie" tulo ng tulo ang luha sa kanyang mata. Di na sya mahal ni Dave ? Paaano nangyari yun.
"Kelan pa ito ?"
"Nung monday pa." Monday pa ?
"Bakit hindi mo sinabi sakin ? Edi sana nadamayan kita. Edi sana nabugbog ko na yung magaling kong pinsan. Ang unfair mo naman eh. Tinawag pa akong bestfriend kung di mo naman sasabihin saking may problema ka." Naiyak na din ako. Alam kong mahirap ang sitwasyon nya ngayon. Mahal nya kase talaga ang pinsan ko. Pero bakit hindi nya sinabi sakin. Bestfriend nya ko, dapat shinare nya sakin. Para nadamayan ko sya sa kapighatiang kanyang nararamdaman.
"Sorry, bhestie. Di ko na kase naicharge yung phone ko. Wala akong ganang magtetext. Buti dumating ka Bhestie. Buti dumating ka, mailalabas ko na itong sama ng loob ko." sabay turo sa puso nya. Ang hirap tignan na nagkakaganto ang bestfriend mo.
"Mag-ayos ka. Pupunta tayong mall." sabi ko sa kanya.
" Bakit?" tanong nya.
" anong bakit. Bilis. Maligo ka na. Magpapamake over tayo. Para matauhan yang EX mo." sabi ko sa kanya.
Pumunta naman siya agad ng Cr. Pagagandahin ko sya. Bwisit na Dave yan. Pinsan ko pa naman sya tapos, gagantuhin nya lang ang bestfriend ko. Pinagkatiwalaan ko sya. Humanda sya sakin.
Jam's POV
Nandito kami sa starbucks. Nagshades ako para hindi halata yung maga ng mata ko.
"Jhas, thanks ah"
" your welcome Bhestie. Humanda talaga yang Dave na yan pag nakita ko sya. Itinatakwil ko na syang pinsan." natawa naman ako kay Bhestie.
Nasabi ko na nga pala sa kanyang ang lahat ng nangyari samin ni Dave. Hayst naiiyak na naman ako. Bat kase ganun ang nangyare.
Pagkatapos naming kumain. Sabi ni Jhas manuod daw muna kami ng Sine. Pumayag naman ako. Nang papunta na kami sa sinehan parang nakita ko si Dave. Wait hindi pala parang, nakita ko talaga sya. May kasama syang babae. Yun na ba yung ipapalit nya sakin.
"Jam, Why are you crying ? " Di ko na malayang umiiyak na naman ako. Nakakainis. Tinuro ko sa kanya si Dave at yung babae na kasama nito.
"What the heck? May kapalit ka na agad?" susugod na sana si Jhas pero pinigilan ko sya. Ayoko ng gulo. Nandito pa naman kami ngayon sa mall. Nakita kong napatingin sa side namin si Dave. Napatalikod tuloy ako. Hinila ko si Jhas para makaalis na dun.
"Jam !" tawag sakin ni Dave. Binilisan ko pa ang lakad. Pero naabutan nya pa rin kami.
"Jam, wait" hawak nya ngayon ang kaliwa kong kamay.
"Badtrep ka pinsan ! Ano ? Tatawag tawag ka ngayon sa bestfriend ko. Para ano ? Ipamukha sa kanyang may pamalit ka na sa kanya !" saka nya tinuro yung babaeng kasama nya. Maganda yung babae. Maputi. Matangkad. Mukhang bagay nga sila.
"No. Hindi ko sya ---"
" Magpapalusot ka pa ngayon. Wag na. Nakita ka na namin eh. Isang linggo pa lang ----" Tinigil ko ang sinasabi ni Jhas.
"STOP ! Please ? Tumigil na kayo ayoko ng gulo."
"Jam, please listen to me,"
"Listen mo mukha mo pinsan"
" Jhas please, pakinggan muna natin sya.!," Di ko alam pero gusto kong malaman ang side nya. Hindi ko namalayan na marami na pa lang nanunuod samin.
"Pwede, wag kayo dito ? Nakakahiya. Maraming tsismoso at tsismosa oh!" sabat naman nung babaeng kasama ni Dave.
Hinila ako ni Dave. Tinatawag ako ni Jhas pero di ako makalingon sa kanya. Di ko namalayang nasa parking lot na pala kami. Pinapasok nya ako sa loob ng sasakyan nya.
"Dave san tayo pupunta" Di sya sumasagot. Pinabayaan ko na lang. Nakarating kami sa mini park na dating piuntahan nya nung nagselos sya kay Darielle.
"Dave anong ginagawa natin dito." Di sya ulit sumagot. Pinaupo nya ako sa bench na nasa ilalim ng puno.
Huminga sya ng malalim.
"Jam, I'm sorry. Sorry kung nasaktan kita. Sorry, kase nakipagbreak ako sayo. Sorry kung maraming luha ang nasayang mo dahil sakin. Sorry kung nagsinungaling ako sayo. Di naman totoo na hindi na kita mahal eh. Jam, mahal pa rin kita at kahit kailan hindi ako magsasawang mahalin ka." Nakayuko lang sya. Pero umiiyak sya.
"Dave, madaming tanobg sa utak ko. Bakit? Bakit mo ako iniwan. Bakit ka nakipagbreak ? Bakit ?" naiyak na din ako. Kung mahal pa nya ako, bakit sya nakipagbreak.
"Kasi Jam, pag hindi ako nakipagbreak sayo, mawawalan ako ng mana, hindi ako makakapag-aral ng collage, Oo, walang kwenta ang dahilan ko. Pero nung una. Kaya kong mawalan ng mana. Kaya kong hindi mag-aral basta para sayo, Pero sabi ng mommy ko, pag hindi ako nakipagbreak sayo maaaring bumagsak ang kompanya namin. Kailangan kong ikasal sa isang business partner ng kompanya namin para hindi to tuluyangv bumagsak. Wala akong naging choice kundi iwan ka. Gumulo ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko." Iyak sya ng iyak. Hindi ko alam na ganun pala ang pinagdaraanan nya.
"Dave, naiintindihan kita. Kaya ba may kasama kang babae sa mall sya na ba ang ikakasal sayo ?" Mukhang nagulat sya sa sinabi ko.
"Hindi, yung babaeng kasama ko kanina ay bestfriend ko, umuwi sya dito galing cebu. Nagbabakasyon kase sila dito." So, bestfriend lang nya pala yun.
"Pero ikakasal ka pa rin sa iba."
"Oo, pero di ko hahayaang mangyari un. Tutulong ako sa pag-aahon sa kompanya namin. Ayokong ikasal sa iba dahil ikaw lang ang naiisip kong babaeng ikakasal sa akin Jam." Naiyak ako sa sinabi nya. Hindi ko akalaing ganun nya ako kamahal.
"Pero Dave, di ako aasang mangyayari yan kasi may posibilidad na ikasal ka pa rin" Yeah. Hanggat di pa nasisigurong di na babagsak ang kompanya nila, ikakasal pa rin sya sa iba.
"Pero think positive lang, Jam. Ikaw lang ang mahal ko. Wag kang mag-alala. " Naiyak na naman ako sa mga salitang binitawan nya. Ang swerte ko kasi may lalaking nagmamahal sakin ng ganito. Pero alam kong hindi pa tapos ang problemang ito.
~~
One last chapter na po ang susunod. Thank you sa mga nagbabasa XD
BINABASA MO ANG
Love Hurts. (Tutuu)
RomanceThis story is all about Love. Even if you are hurt before, doesn't mean that you will close you're heart for someone who deserve your LOVE. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka dapat ready ka ding masaktan. At pag nagmahal ka, wag sobra sobra lal...