Chapter Ten *Dinner Date*

26 0 0
                                    

Darielle's POV

"Hey. Darielle."-Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Alam ko, kung kaninong boses yun.

"Miles?" Sabi na nga ba eh. Sya yun. Ngayon ko lang ulit sya nakita. Madalang na kase kaminh mag-usap dahil busy sya sa manliligaw nya.

"Musta ? Namiss kita ah."-Sabay yakap sakin. Hay. Hanggang friends na nga lang ata kami.

"Hahaha. Eto a-ayos lang" - sabay ngiti sa kanya ng pilit. Sa totoo lang, di naman talaga ako ayos eh.

"May balita ako sayo!"-sabi nya. Nagulat naman ako dun. Anong balita yun ? Di kaya, pinatigil na nya si Dave sa panliligaw sa kanya dahil ako pala ang gusto nya ?

"Ano yun?"-excited kong tanong sa kanya.

"Ahmm. Kami na ni Dave ! Sinagot ko sya nung monday."- Bakas sa mukha nya ang saya. Huh ? Sila na ? Akala ko pa naman. Masama talagang mag-assume.

"Ah. C-congrats."- sabay ngiti ulit sa kanya ng pilit. "Ahmm, M-miles. Una na ko. May gagawin pa pala ako. Sige. Next time ulit."-ako.

"Ang bilis naman. Sige. Ingat ka. Bye"-sagot nya.

   Nauwi na ko. Keysa naman magstay pa ko dun at pakinggan ang mga kwento nya tungkol sa boyfriend niya. Sa tingin ko, anytime tutulo na ang luha ko. Nakakainis kase eh. Bat ang torpe ko.

Jam's POV

   Naiwan akong mag-isa dito sa bench na inuupuan kanina ni Darielle. Hay. Nakakainis sya :3 Ang dami ko pa namang ikukwento tapos bigla syang aalis. Tapos parang nalungkot sya nung sinabi kong kami na ni Dave, o guni-guni ko lang yun. Ay Ewa.. Makauwi na nga lang. Since mag-gagabi na din.

  Pagkauwi ko. May kotse sa labas ng bahay. Wait parang kay Dave to ah.

  Pagkapasok ko sa bahay. Nakita ko si Mamo at Papo na may kausap sa sala.

"Mamo, Papo, nandito na po ako."-sabay lapit sa kanila. Wait. Anong ginagawa nito dito?

"Dave?"-gulat kong tanong sa kanya.

"Hi. Jam.! "-sya.

"Princess, di mo sinasabi may boyfriend ka na pala ah. "-Papo.

"Oo nga, anak. Umakyat ka na at magbihis"-Mamo.

"Magbihis ? Bakit?"-ako.

"Basta."-sagot naman ni Dave. Teka. Ano bang meron ? Tapos nandito sya para lang magpakilala sa parents ko na boyfriend ko sya. Aneng ba talaga to ? Buti at hindi sya napagalitan nila Mamo at Papo, sabagay mavait naman sila.

"Princess, Gandahan mo yung damit mo ah"-sabi ni Papo sakin. Nakita ko naman si Dave na tumawa. Tiningnan ko nga ng masama.

  Umakyat na ko at nagbihis. Sinuot ko yung dress na binili ni Kuya Nathan sakin last week.

   After a few minutes. Tapos na ko. Bumaba na ko at nakita ko na wala na dun si Dave. Eh ? Bat pa ko pinagbihis kung aalis din pala sya. Sayang effort ko. Nagpaganda pa naman ako para sa kanya.

"Princess, tara na ?"-Papo, Huh ? Anong tara na ? San kami pupunta ? May family dinner ba kami?

"San po Papo?"-Tanong ko.

"Basta."-Papo, saka nya nilagay yung braso ko sa braso nya. Yung parang abay. Basta yun.

   Napansin ko na pupunta kami ngayon sa swimming pool side. Tapos puro candles and petals yung path na papunta dun.

  Nakita ko si Dave na nakatayo dun sa gitna ng garden namin tapos may lamesa na puno ng pagkain. Wait. Eto ba yung tinatawag na date in candle ? Candle date ? Basta date na may candle XD

"Papo, Date ba to?"-Ako.

"Yes, princess, ginawa nya to habang wala ka."-Sabay ngiti ni Papo. Napangiti din ako. Ang sweet nya naman.

   Nang makarating kami sa kinaroroonan ni Dave, ibinigay ni Papo ang kamay ko kay Dave. Ano to kasal ? Hahaha.

"Ingatan mo ang anak ko"-Papo, Natawa naman ako dun, pati si Dave.

"O-opo"- sabay ngiti kay Papo.

  Umalis na si Papo at iniwan kami sa garden na katabi ng swimming pool namin.

"D-dave, i-ikaw may gawa n-ni-nito ?"- nauutal kong tanong sa kanya. Nahihiya kase ako.

"Oo. Kinausap ko sila kanina tapos nagpatulong ako kay Jhas na mag-ayos nito."-sabi nya.

"Ah. Sino nagluto nitong mga to?"-tanong ko ulit. Sabay turo sa mga pagkaing nakahain. All of them, ay favorite ko.

"Ahmm. Nagpatulong ako sa Mamo mo, Pero ako ang nagluto ng mga favorite mong pagkain."-sya. Sabay ngiti.

"Masarap ba to ?"

"Oo naman"- kumuha sya ng kaunti ng beef broccoli na isa sa fav. ko. At sinubuan ako.

"Oh? Ano lasa ?"-tanong nya.

"Ok na."-sagot ko. Pero sa totoo lang ang sarap ng luto nya. Nakakaamaze ako ng di marunong magluto eh.

     Kumain lang kami at nagkwentuhan. Hanggang matapos ang gabi.

~~

Super romantic ng dinner date nila. Naiinggit ako. XD darating din naman siguro sa point na ako na ang makakaranas ng ganyan XD Ge. Thanks. :)

Love Hurts. (Tutuu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon