Chapter Thirteen *His Side*

6 0 0
                                    

Dave's POV

Isang linggo na akong hindi pumapasok. Di ko alam kung paano ko nagawang makipagbreak kay Jam. May mga dahilan ako kung bakit ako nakipagbreak sa kanya.

Una, dahil mawawalan ako ng mana.

Pangalawa, dahil hindi ako makakapagcollage pag may girlfriend ako.

At ang pangatlo ang sinabi ni mommy sa akin nung isang linggo na "kapag hindi ka nakipagbreak sa kanya, babagsak ang negosyo natin, kaylangan mong magpakasal sa anak ng isang business partner natin para di bumagsak ang company natin" naiiyak si mommy nung sinabi nya yun. Di ako makapaniwala. Wala akong choice kundi piliin ang company namin dahil kapag si Jam ang pinili ko tiyak sila mommy ay maghihirap, mawawalan na nga sila ng anak, pati business mawawala din.

Oo, mahal ko si Jam. Pero gulong gulo talaga ang isip ko. Di ko alam ang gagawin ko. Yun lang ang naisip kong paraan. Ngayong wala na kami ni Jam. Hindi ako makakain. Hindi ako lumalabas ng bahay. Nagkukulong lang ako sa kwarto. Iyak ako ng iyak. Sabihin nyo nang parang bakla pero mahal ko talaga si Jam. Mahal na mahal. Nagsinungaling pa ako sa kanya para pumayag syang makipagbreak sakin. Unti- uting tumutulo ulit ang luha sa aking mata. Naiiyak na naman ako.

~Tok Tok~

"Sir Dave, May bisita po kayo"

"Sino?" Bisita ? Kung kailan wala akong ganang tumanggap ng bisita saka naman may dadating.

"Ako" sabay pasok ng isang babae sa kwarto ko.

"Charm?"

"Yeah." sabay ngiti sakin. Si charm ang bestfriend ko. Kaklase ko sya nung elementary. Sa kanya lang ako nagshashare ng secret.

"Kelan ka pa umuwi ?" tanong ko sa kanya. Nasa Cebu kase sya. Dun sya nag-aaral ng highschool.

"Kahapon lang. Magbabakasyon kase kami dito ng 2 linggo. At nabalitaan ko kay Tita Darleen na nagkukulong ka daw sa kwarto mo." So, nagkwento pa si Mommy. "Ano bang problema mo Best ?"

Ayun. Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sakin. Umiiyak pa nga ako habang nagkukwento. Sino ba namang di maiiyak dun.

"Naku best, imbis na magkulong ka jan. Pumunta na lang tayong mall para marefresh yang utak mo. Makakalimutan mo din sya. Madaming pamg girls jan. Saka malay mo yung ipakakasal sayo eh, maging type mo diba ?" sabi nya. Naiyak ulit ako. Ayokong ikasal sa iba. Si Jam lang ang gusto ko.

"No, Hihintayin kong maging successful ang company namin. Di ako magpapakasal sa iba. Si Jam lang ang gusto ko."

"Whatever Best, tara mall na tayo." sabay hila sakin.

"Mall? Ayoko." Ayokong magmall magkukulong lang ako dito sa kwarto.

"Bilis na. 2 weeks lang ako dito eh. Magmall na tayo." sabay higit ulit sakin. Sabagay. Gusto ko ding magrelax. Gusto kong makalimutan kahit sandali ang problema ko.

"Sige na nga. Wait magbibihis lang ako, intayin mo na lamang ako sa sala." sabi ko sa kanya.

Nagpunta na ko sa banyo t naligo. Sana kahit ngayong araw lang makalimutan ko ang problema ko. Promise hihintayin ko ang pahkakataon para maging kami ulit ni Jam.

~~

Thank you.

Love Hurts. (Tutuu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon