Chapter Twelve *Big Disaster*

9 0 0
                                    

Jam's POV

Tapos na ang sembreak namin. Aral na naman. Kung dati, tinatamad akong mag-aral ngayon hindi na, may inspiration na kase ako. Syempre, sino pa ba yun, edi si Dave. Malapit na din pala kaming grumaduate. Di ko pa alam kung saang school ako mag-aaral ng collage, sana same school kami ni Dave ko. Sige ako na malantod ! XD

   Si Jhas kaya kamusta na ? Di na sya nagpaparamdam sakin. Nung sembreak, di manlang nagtetext o kaya tumatawag.

"Bhestie !"

"Jhas !" sigaw ko sa tumawag sakin."I miss you Beh. Di ka manlang nagparamdam sakin nung sembreak." sabay hampas ko ng mahina sa braso nya. Nakakatampo kase.

"Naiwan ko kase yung phone ko sa bahay, nagpunta kase kami sa Laguna. Pero chinat kita." Ay. Ang daya nagpunta silang Laguna Y.Y samantalang ako sa bahay lang.

"Di naman ako nag-oopen eh. Di mo manlang ako sinama sa Laguna Bebe." kunwaring nagtatampo ako.

"Kung inaya man kita, sigurado namang di ka papayagan. Parents mo pa. Mas strict pa ata yan sa mga ninuno natin eh." Natawa naman ako sa sinabi nya. And yes, di nga naman ako papayagan ng parents ko.

"Hey! Babe."

"Dave!" sabay yakap ko sa kanya nung nakita ko sya. Hmm. Babe ang tawag nya sakin kase daw katunog daw yun ng Dave. Ano connect ? XD

"Hello, Pinsan. Musta sembreak?"

"Ok lang, ikaw kamusta sembreak? Tiyak masaya noh? Kasama mo si Babe eh." sabay tawa ng malakas ni Jhas. Pang-asar talaga to.

"Oo naman. Halos araw araw ata may date kami." sabay kindat sakin. Baliw talaga 'to.

"Guys!" tawag samin ni Darielle. Aba, Teka, mukhang gumagwapo ang kaibigan namin ah.

"Darielle ! Nagpapagwapo ka ba ?" tanong ko sa kanya.

"Ahmm. Matagal na kong gwapo" sabay pogi sign. "Diba Jhas ?" sabay wink kay Bhestie, si Bhestie naman y biglang nangamatis. Teka nga. May something ata sa dal'wang to ah.

"Hoy. Kayong Dalawa, May hindi ba kayo sinasabi samin ?" tanong ko sa kanila.

"Oo nga. Saka pinsan, bat ka namumula jan ?"

"A-a-ah, d-di ako n-n-amumul-la ah." Nauutal na sagot samin ni Jhas.

"Darielle ! Kayo na ba ?" Aba, pati 'tong si Darielle, namumula na rin. Nakakatawa naman yung itsura nila.

"Nililigawan k-ko pa l-lang sya" nililigawan ? What the. Bat nngayon lang namin nalaman to.

"Kelan pa ?" tanong naman ni Dave.

"Last week."

"Ayiiie. Bhestie may labilayp ka na ! Kinikilig"

"Tigilan mo nga ako Bebe Jam."

Hahaha pikon.

Hanggang makarating kami sa classroom. Nag-aasaran kami. Nakakatawa talaga. Nililigawan na ni Darielle si Jhas ! Nakakakilig. <3<3

Dave's POV

Tapos na ang klase at inihatid ko na si Jam sa bahay nila. Pauwi na rin ako. Hanggang sa maihatid ko sya, tawa pa rin sya ng tawa. Di sya makaget over dun sa dalawa. Honestly, ako din. Tuusin mo yun. Si Darielle na pinagseselosan ko, niligawan si Jhas na pinsan ko. Nakakatawa lang.

Pagkauwi ko, nakita ko ang kotse ng mommy at daddy ko inshort ng parents ko, Oh ! Nandito pala sila. Dapat di na lang muna ako umuwi.

"Dave! Buti naman umuwi kana." Aakyat na sana ako ng bigla akong tinawag ni Mommy, ano kaylangan nito sakin. Himala kakausapin nya ko. Humarap ako sa kanya / sa kanila kasama pala nya si daddy sa sala.

"Tara dito, may kailangan tayong pag-usapan." this time si Daddy naman ang nagsalita.

"Ano naman yun?" Yes, wala akong galang sa kanila.

"Umupo ka dito," turo ni mommy sa katapat na upuan na inuupuan nya. Umupo naman ako.

"So? Ano ang pag-uusapan natin?"

"Makipagbreak ka na sa girlfriend mo." sabi ni Mommy, How did she know. I never share that things to them.

"How did you know that I had a girlfriend ? At sino ka para sabihing makipagbreak ako sa girlfriend ko?"

"May spy ako. Sino ako ? Ako lang naman ang mommy mo. At ayoko jan sa girlfriend mo. Ayoko jan sa Jam na yan. Makipagbreak ka na sa kanya."

"Makipagbreak ? Ayoko. Mahal ko si Jam! Mommy ? Kailan kita  naging mommy, Oo ikaw ang nagluwal sakin pero hndi mo ako inalagaan na parang anak mo!"

*Slap*

"Wala kang karapatan para sigawan ang mommy mo Dave. Kapag hindi mo hiniwalayan yang Jam na yan. Wala kang matitikim na kahit isang yaman sa pamilyang ito" Sabi ni Daddy, Kahit isang yaman ? I don't care basta mahal ko si Jam tapos.

Aakyat na sana ako ng kwarto ko ng bglang nagsalita ulit si mommy ng hindi ko inaasahan. Nagulo ang isip ko. Nalilito ako. Di ko na alam ang gagawin ko. Di ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi nya. Pero mukhang totoo iyon. Di ko na alam ang gagawin ko.

Jam's POV

I'm on my way to school. Maaga akong papasok dahil may monthly exam kami ngayon sa Trigonometry.

~beep beep~

Biglang nagvibrate ang phone ko.

Si Dave lang pala ang nagtext.

Fr: Dave <3<3

Magkita tayo sa garden. Lunch. 12 pm.

Bakit naman ? Anong meron. May ibibigay kaya sya. Pero sa pag kakaalala ko next week pa ang monthsary namin.

*Lunch*

Ako ang highest sa exam namin kanina sa Trigo. Ang saya. Papunta na akong garden kase nga magkikita kami ni Dave ko.

Nakita ko sya sa isang bench doon.

"Dave!" nakangiti kong tinawag ang pangalan nya.

"Jam. Kamusta ?" tanong nya sakin. Bakit parang malungkot sya. May sakit ba sya. Hinipo ko ang noo nya, hindi naman mainit.

"Bakit ka nakabusangot ? Wala ka namang sakit" Umiling lang sya at ngumiti ng pilit, I think.

"Ahmm. Ano bang pag-uusapan natin Dave.?"

"Jam, Magbreak na tayo" Yun ang salitang bumasag sa puso ko. Break ? Pero bakit ? Masaya naman kami kahapon ah. Inihatid nya pa ko. Tawa pa kami ng tawa. Pero bakit ngayon nakikipagbreak na sya sakin.

"Bakit Dave ? Anong problema?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Wala. Walang problema."

"Eh bakit ka nakikipagbreak na sakin ?" This time, tumulo na ang luha sa mata ko. Naiyak na ko. Di sya sumagot kaya tinanong ko ulit sya. " Di mo na ba ako mahal Dave ?" Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Ang epal naman ng mata ko eh.

"Hindi, Hindi na kita Mahal Jam." saka sya tumakbo palayo. Hindi tumigil ang tulo ng luha ko sa mata. Iyak lang ako ng iyak doon. Hindi na nya ko mahal ? Bakit ? Bakit ? Minahal ko naman sya ah. Bakit nya ko iniwan. Sabi nya sakin dati, di nya ko sasaktan. Eh bakit ngayon sinasaktan nya ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Wala akong pakealam kung pag tinginan nila ako. Nag matapos ang sa pag-iyak. Umuwi na lang ako. Di ko na kinuha ang bag ko. Tinext ko na lang si Jhas at sinabing iuwi ang bag ko sa bahay.

Pagka-uwi ko. Nagkulong lang ako sa kwarto. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Tinatraydor na ko ng mata ko. Kusa na syang umiiyak ng walang pahintulot ko. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

~~

HeartBroken Beh. </3

Love Hurts. (Tutuu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon