Chapter Two

11 0 0
                                    


"AIZA, pakitawag naman si Sir, Austin. Pakisabi pinapapunta siya ni Senyor Ricardo sa opisina nila. May pinapabili Kasi saakin si Nanay Digna." Pakisuyo ni Linda sa kanya habang nagdidilig siya ng mga halaman sa malaking Hardin ng mga Saldivar.

Alas sais palang ng umaga at iyon ang  iniutos sa kanya ni Nanay Digna na gagawin niya sa umagang iyon.

Nakangiti siyang tumango saka pinatay ang hose at binalik iyon sa lalagyanan. Mag iisang linggo na siya sa mansyong iyon at inaalam niya pa ang kahinaan ng mga ito.

Pumanhik siya sa ikatatlong palapag ng bahay kung saan naroon ang silid ni Austin. Huminga muna siya ng malalim bago tatlong beses na kumatok sa pinto nito.

"Who's that?" Narinig niyang tanong nito mula sa loob ng kwarto.

"Ahm.. Sir Austin, pinapatawag po kayo ni--" hindi na niya matapos ang sasabihin ng marahas nitong buksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang naka topless na katawan ng binata na sa hinuha niya ay kakatapos palang maligo dahil sa tubig na tumutulo sa ilang hibla ng buhok nito patungo sa balikat nito. Lihim din siyang napalunok nang mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan nito na hindi niya akalaing may ipagmamalaki sa ilalim ng palagi nitong suot na pang office attire.

"Ano ulit iyon?" Tanong nito sa seryosong tinig at seryoso ring nakatingin sa kanya.

Pinag aralan niyang hindi bakasan ng takot ang mukha niya at itago ang tunay niyang nararamdaman upang maisagawa ang plano niya pero bakit nakakalimutan niya ang mga iyon kapag nakakaharap niya ang lalaking ito kahit sa kaunting oras lang?

Hinamig niya ang sarili saka deritsong tumingin sa mga mata nito.
"Pinapatawag po kayo ni Senyor sa opisina niya."

Matagal siya nitong tinitigan bago tumango. Tatalikod na sana siya ng muli itong magsalita.
"Bring here coffee after ten minutes."

Napakunot ang noo niya dahil diba sa opisina dapat dahil pupunta ito sa daddy nito? Nabasa yata nito ang iniisip niya dahil muli itong nagsalita.

"Hindi ako magtatagal sa office ni Dad."

"Ah, okay po. Just coffee Sir?"

"Yeah, just coffee."

Nakangiti siyang tumango dito at tinalikuran na ito. nang hindi na niya ito kaharap ay siyang pagpalis ng matamis niyang ngiti sa mga labi.

Kapag kaharap niya ang alinman sa mga Saldivar ay hindi maalis sa isip niya ang trayedyang nangyari sa mga magulang niya.

hindi siya nahihirapan sa mga gawain dahil mabilis naman siyang natututo. Nahihirapan siya sa paghahanap ng butas kung papano makakapaghiganti sa mga ito. Malayong malayo ang mga ito sa pagkakakilala niya ayon sa mga sinasabi ng papa niya. Pero hindi siya magpapadala sa mga panlabas na anyo nito. Ganito naman ang ibang tao eh. Nagpapanggap na mabuti sa iba pero ang totoo may tinatagong mga sungay katulad nalang ng mga Saldivar.

Tinungo niya ang kusina at naghanap ng maari niyang pagkaabalan para lumipas ang sampung minuto bago siya tumimpla ng kape. Hindi na niya masyadong tinamisan dahil noong unang beses niyang pinagtimpla ng kape ang binata ay pinagsabihan siya nito pagkatapos kumain na masyadong matamis ang timpla niya. Napag alaman din niyang plain black coffee lang ang gusto nito.

Kaya pala hindi niya nakikitang ngumiti ang binata masyadong bitter. Sa kape palang pait na pait na.

Matapos niyang magtimpla, hawak ang maliit na tray na kinalalagyan ng kape nito ay tinungo niya ang ikatlong palapag.

Tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan nito at nang walang sumagot ay bitbit niya sa isang kamay ang tray at binuksan naman ng malaya niyang kamay ang seradura.

Listen To Your HeartWhere stories live. Discover now