Chapter Nine

15 0 0
                                    


"BAKIT ganyan ka makatitig sir?" Tanong ni Aizalyn habang mataman niya itong tinititigan habang naglalapag ito ng meryenda na pinagawa niya.

Wala sa loob na umiling iling si Austin at pilit winawaksi sa isip ang napag usapan nila ng Daddy niya ng nakaraang araw. At kahit hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ng ama, Ewan at natagpuan niya ang sarili ng gabing iyon na tinatawagan ang kakilala niyang private investigator para ipa background check si Aizalyn.

Naalala niya rin kasi na may pagkakahawig nang nakaraan si Izza at ang dalaga kaya kahit ayaw niya nagkaroon parin siya ng pagdududa. At isa pang nagpapagulo sa isip niya ay ang kakaibang tibok ng puso niya sa tuwing nakikita si Aiza na kay Melissa niya lang noon naramdaman ng mga bata pa sila.

Posible ba na si Aiza si Melissa? Pero sino si Izza?

"Kung nagi-guilty kayo sa nangyari saakin nong nakaraan sir Austin, ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na wala nga lang po yun. Pahinga lang ang gamot doon." Narinig niyang wika ng dalaga na nakikita marahil ang bagabag sa mukha niya.

"I'm sorry about that." Mahinahong tugon niya at inabot ang kamay nito na magkasalikop.
"Hindi na kita pipiliting kumain kung ayaw mo but please, sabihin mo saakin ang mga bawal sayo."

"Wala na sir, bangus lang po ang bawal saakin. May ipag uutos pa po ba kayo?" Sagot nito na pasimpleng binawi ang mga kamay na hawak niya. Napabuntong hininga nalang siya sa ginawa nito.

"Can you please drop the formalities, Aizalyn? Limang taon lang ang tanda ko sayo kung maka po at opo ka naman parang si daddy lang ang kaharap mo." Wika niya dahil naalibadbaran na siya sa kapormalan nito sa kanya.

Hindi naman nakaligtas sa kanya ang pag ikot ng mga mata nito. Na tanging ito lang ang nakakagawa sa harap niya sa lahat ng mga katulong nila.

"And what was that? Don't you dare rolled your eyes at me again kundi.." may pagbabantang sabi niya.

Tumaas naman ang isang kilay nito na parang may hinihintay na kadugtong sa sinabi niya. Napatikhim nalang siya at hinarap ang sandwich na dala nito.

"Kung wala kanang iuutos sir, balik napo ako sa kusina." Paalam nito sa mababang boses.

"Go," tango niya at umalis naman kaagad ang dalaga. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

Stop already heart. She's not in our sight anymore. Bulong niya sa sarili ng wala na ang dalaga. Kanina pa kasi parang tambol ang puso niya sa pagkabog niyon lalo na nang mahawakan niya ang malambot na mga kamay nito.

NAPAHAWAK sa kanyang dibdib si Melissa ng makarating sa kusina at makitang walang tao maliban sa kanya. Pinakiramdaman niya ang puso na kanina lang ay parang lumundag ng hawakan ng mainit na mga kamay ni Austin ang mga palad niya.

Hindi ito maari! Hindi dapat siya mahulog sa binata kung ayaw niyang mabulilyaso ang mga plano niya kaya kailangan na niyang maisagawa ang balak habang maaga pa.

Hindi niya hahayaang hindi matuloy ang matagal na niyang gustong mangyari sa pamilyang sumira sa buhay niya.
Hindi niya namalayang nakakuyom na pala ng mahigpit ang mga kamao niya ng dagling napalitan ng poot ang nararamdaman kabog ng dibdib.

Napapitlag siya ng makarinig ng mga yabag sa likuran niya. Mabilis na hinamig niya ang sarili at pinaskil sa mukha ang piag aralan niyang ngiti kapag haharap sa mga tao.

"Hi, Aiza. Pakigawa mo rin ako meryenda please." Sabi ni Gregor at umupo sa harap ng island counter.

"Sige po, sir Gregor."at agad niyang ginawa ang inuutos nito.

Listen To Your HeartWhere stories live. Discover now