Chapter Seven

16 0 0
                                    

MARAHAS na pinakawalan ni Melissa ang malalim na paghinga dahil parang kinakapos siya ng hangin habang pinapanood niya si Izza. Buti nalang hindi Mel ang ginawa nitong nick name sa pangalan niya. Atleast hindi akward na tawagin ito sa sarili niyang pangalan. Wala namang kasing tumatawag sa kanyang Izza.

Nasa malaking pool ng mga ito ang mga Saldivar dahil linggo ngayon at narito silang lahat kaya napag isipan ng mga itong mag 'family bonding'. At isinama pa silang mga katulong.

Hindi niya kayang makita ang mga itong masaya kaya naman umalis nalang siya sa pool area. Nandoon naman ang mga kasamahan niya para mautusan ng mga amo nila. Maghahanap nalang siya ng ibang gawain, basta hindi lang siya makakita ng tanawing masakit sa mata.

Pagpasok niya sa kusina ay tamang tama may mga hugasin kaya iyon na lamang ang pinagkaabalahan niya.

"You're here! " Narinig niyang sabi ng impostora sa likod niya. Lihim niyang pinaikot ang mga mata dahil nakatalikod naman ito sa kanya.

Nagpaskil siya ng masayang ngiti sa mga labi bago humarap dito.
"May kailangan kayo ma'am, I-Izza?" Hindi niya maiwasang mapalunok dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan ng banggitin ang pangalan nito.

"Ang mga kasamahan mo, they are all enjoying with us in the pool. Why are you here, alone?"

Kung hindi niya lang alam na nagpapanggap itong siya baka madala siya sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya.

"Hindi po ako mahilig sa mga ganoon ma'am, okay  napo ako dito."

"Are you sure? Sige, hindi na kita pipilitin. But feel free to join us if you change your mind. A'right?" Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Yes po. Thank you."

Tinanguan siya nito saka na siya iniwan.
Nakairap na hinarap niyang muli ang lababo at pinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi niya gusto ang bait baitan nito sa kanya. Ayaw man niyang aminin pero ramdam niyang genuine ang pinapakita nitong kabaitan sa kanya na ikinaiinis niya.

"What's with the face?"

Natigilan siya ng marinig iyon at hinanap niya ang may ari ng boses.
Nakita niya si Gregor na nakatayo sa gilid ng lababo at pinapanood pala siya.

"May Kailangan kayo sir, Gregor?" Tanong niyang pinasigla ang boses at pinasaya ang mukha.

"Artista ka ah, kanina busangot na busangot ang mukha mo nakaharap mo lang ako abot tenga na ang ngiti mo." Biro nito sa kanya na ikinatawa niya.

"Pasensya na sir, may naalala lang po akong kinaiinisan ko. Bakit pala kayo nandito?" Ipinagpatuloy niya ang paghuhugas habang kausap ito.

"Napansin ko kasing  wala ka sa labas kaya hinanap kita dito."

Napalabi siya sa sinabi nito. Bakit ba siya pinaghahanap ng mga ito.

"Dito napo galing si ma'am Izza kanina sir, Gregor. Pinapapunta din ako doon. Ayoko po eh, maraming gawain dito kaya dito nalang ako." Dahilan niya.

"Aiza, this family bonding we organized is not just for us. It is also for our people, sainyo. Gusto rin namin kayong mag enjoy even just for a day. Kahit ngayon lang wag niyong isiping katulong kayo. Just think that you are one of the family."

"Ayokong isiping pamilya ko kayo." Mahinang bulong niya na hindi niya alam kung narinig ba nito o hindi.

"Ano yon?" Nakaangat ang dalawang kilay na tanong nito.

Nginitian niya naman ito.
"Wala sir, parang gusto kong umiyak na touch Kasi ako." Biro niya and he chuckled.

"Then, lets go?" Yaya nito.

Listen To Your HeartWhere stories live. Discover now