Chapter Four

3 0 0
                                    

PINAHID ni Melissa ang luhang tumulo sa kanyang pisngi mula sa mga mata niya. Napanaginipan na naman niya ang bangungot na nangyari sa kanyang nakaraan. Inot inot siyang bumangon paupo at napatingin sa paligid. Nasa maids quarter siya at mat tatlong double deck. Bawat higaan ay may umuukupa. Si Nanay Digna, ang naging malapit na niyang kaibigang si Linda, ang kasamahan nilang sina Rodora, May at Andeng. Ang kusinero naman at ang dalawang security guard ay magkakasama sa ibang silid.

Inabot niya ang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan para tingnan ang oras. Alas tres y media palang ng madaling araw. At panigurado namang hindi na siya makakatulog kaya naisipan na niyang lumabas at magkape. Alas singko kasi ang simula ng trabaho nila sa mansyon.

Walang ingay siyang lumabas sa silid nila at dala ang cellphone na tinahak ang madilim na pasilyo patungo sa kusina. Pinindot niya ang switch ng ilaw at bumaha ang liwanag sa buong kusina. Nag pakulo siya ng tubig bago nagtimpla ng kape.

Nakaupo na siya at maya't maya ang pag inom ng mainit na kape nang maisipan niyang tingnan kung may na message sa kanya sa cellphone.

At nang may nakitang text mula sa importanteng tao sa kanya ay agad niya iyong binuksan.

Mel, magkita tayo bukas. May kailangan kang malaman.

Nangunot ang noo niya. Ano naman kaya ang bagong lumabas sa imbestigasyon ng lalaking yon at may nakalap na naman bagong balita.

Nagtipa siya ng reply dito.

Okay, text me the address. I'll come.

Hindi na siya umasa na magrereply ito dahil madaling araw palang kaya naman nagulat siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya hudyat na may tumatawag.

Napangiti siya ng makita kung sino ang registered caller.

"Hello Migs?" Nakangiting sagot niya.

"Am I dreaming? I guess not, because i am going to throw you out of that mansyon if you still don't reply on my texts messages to you!" Agad na litantya nito na ikinatawa niya.

"Of course you can't do that to the woman you love, Migs." She confidently said.

"Conceited eh?" Natawa na ang sa kabilang linya.
"By the way, it's good you already contacted me because there's a lot of things you should know."

"And that is?"

"I'll tell you tomorrow. I suggest you to really come because it's very important."

"Why didn't you tell me now and stop  surprising me, Miguel." Kung ganun kaimportante bakit hindi pa niya sabihin.

"It's confidential baby girl."

"Fine, Tommorow. See you tomorrow." Sumusukong tugon niya dito. Narinig niya ang mahinang tawa nito.

"Okay, I missed you." He sounds sleepy.

"I missed you too." Tugon niya at ibinaba na ang tawag.

"Boyfriend?"

Napaigtad siya ng marinig ang baritonong boses na iyon na hindi niya napansing nakahilig pala sa hamba ng pinto ng kusina.

"S-sir Austin!" Bigla siyang napatayo sa gulat.
Shit, may nasabi ba siyang maaring makasira sa plano niya?

"Ang aga mo naman yatang magising, or.. gumigising ka talaga para makausap ang boyfriend mo?" Tanong nito na humakbang palapit sa mesa at umupo sa kaharap niyang upuan.

"May kailangan po kayo?" Sa halip ay tanong niya at hindi inabala ang sarili na sagutin ang tanong nito.
"Bakit kayo, maaga ring nagising?"

"Paperworks." Simpleng tugon nito na nakatitig sa kanya ng matiim.

Listen To Your HeartWhere stories live. Discover now