Chapter Ten

8 0 0
                                    

"AIZA, tawag ka ni Sir sa taas may iuutos daw sayo." Sabi ni May ng lapitan siya nito sa laundry area habang abala siya doon sa pag wa-washing ng mga kurtina at bedsheets.

Agad siyang nartaranta ng marinig ang sinabi nito. Ilang araw na niyang iniiwasan si Austin simula ng mangyari ang tagpong iyon sa silid nito.

Sobra niyang kinastigo ang sarili kung bakit siya gumanti sa halik nito na dapat ay tinulak niya ito at sinampal. Hindi siya dapat makaramdam ng pananabik na mahalikan nitong muli katulad ng nararamdaman niya ngayong naalala niya iyon.

Alam niya ang kakahinatnan kapag nahulog siya sa binata. At iyon ay masasaktan na naman siya ng isang Saldivar at hinding hindi niya papayagan iyon. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang inaakto ni Austin sa kanya samantalang hindi niya pa nagagawa ang plano niyang paibigin ito pero mukhang ito na ang nahulog sa kanya mismo.

At kaya siya umiiwas ay para sikilin ang damdaming nabubuhay sa dibdib niya para sa binata. Dapat ang lalaking yon lang ang makaramdam ng ganoon sa kanya. Hindi siya.

"Naku, May. Pwede bang ikaw nalang muna ang gumawa ng ipag uutos ni Sir, Austin? Inutusan pa kasi ako ni Nanay Digna mag grocery eh. Kung okay lang sayo?" Tugon niya sa katrabaho.

"Sige, wala namang problema. pero.." lumapit Ito sa kanya na at hininaan ang boses ng muli itong magsalita.
"Ako lang ba ang nakakapansin na iniiwasan mo si sir Austin? May nangyari ba Aiza?"

Nanlaki ang mga mata niya at biglang uminit ang mukha niya. Sandali siyang hindi nakasagot dahil hindi niya alam kung sasabihin niya ba dito ang totoo.
"A-ano kasi .. ano.." hindi niya Alam ang sasabihin sa kaharap.

"Naku Aiza, wag kanang magpaliwanag. Napagalitan ka ano? Ako din naman palaging nabubulyawan noon. Buti pa si Sir Gregor, mabait. Hindi katulad ng kuya niya, gwapo nga saksakan naman ng sungit." Halos pabulong lang na sabi nito na inilapit pa ang mukha sa kanya para marinig niya ang sinasabi nito. Natatakot yata na may makarinig sa kanila.

Nakahinga siya ng maluwag nang malamang iba pala ang pagkakaintindi nito ng pag iwas niya kay Austin.

"O-oo, ganoon nga." Sang ayon niya sa sinabi nito at lihim na napalunok.
"Ang sama ng ugali ng lalaking yon, akala mo naman gwapo eh nuknukan naman ng yabang." Mahina ring sabi niya.

"Sige na, ako na muna ang gagawa ng ipag uutos non. Mag iingat ka sa pag alis mo."

Nakangiting tumango siya dito.
"Salamat."

Lihim na nagpasalamat si Melissa nang makaalis na si May. Hindi niya alam kung
Hanggang saan siya makakaiwas sa binata per kailangan na niyang kumilos bago pa mahuli ang lahat. Hindi niya papayagang maudlot ang matagal na niyang planong paghihiganti dahil lang sa nahuhulog na siya sa binata.

Mariin siyang napapikit at napahawak sa magkabilang gilid ng washing machine na patuloy sa pag ikot.

maikling panahon lang aaminin niyang nakapasok na agad si Austin sa sistema niya. Kaya kahit anong mangyari pipigilan niya ang sariling tuluyang mahulog dito kung ayaw niyang pagsisihan ito sa huli.

DISMAYADO si Austin ng hindi si Aizalyn ang mapagbuksan niya ng pinto. Lihim na nagkukukot ang damdamin niya sa lantarang pag iwas ng dalaga.

Hindi ba nito nagustuhan ang halik na pinagsaluhan nila na ilang gabing gumugulo sa pagtulog niya?

"Sir, ako nalang po ang utusan niyo, may pinagagawa po si Nanay Digna kay Aiza." Nakayukong agad na sabi ng katulong nang mapagbuksan niya ito.

"Ano na naman ngayon ang inutos sa kanya? Bat parang palagi siyang may ginagawa kapag pinapatawag ko? Siya lang ba ang katulong dito?!" Hindi niya mapigilang bulyaw dito sa pagkainis niya sa dalaga.

Listen To Your HeartWhere stories live. Discover now