Chapter Six

3 0 0
                                    

TATLONG araw ang pinalipas ni Melissa bago siya muling pumasok sa mansyon ng mg Saldivar. Hinintay muna niyang maging maayos ang pakiramdam niya bago siya bumalik sa mansyon. Kaya naman pagbalik niya ay grabeng interview ang inabot niya sa mga kasamahan. Sabado na ang araw na iyon kaya paniguradong hindi nag opisina ang mga Saldivar

"Naku, Aiza. Akala ko talaga umalis kana buti bumalik ka. Ako pa naman ang nagpasok sayo dito. Hindi ka manlang kasi nagtext Kung napano kana." Agad na sabi ni Linda nang mag agahan sila ng sabay sabay.

"Ano ba kayo, nagkasakit nga lang ako. Doon ako tumuloy sa pinsan ko." Kaswal na sabi niya habang kumakain.

"Kamusta na ang pakiramdam mo ngayon? Tanong ng tanong sina Senyora kung nasaan kana at baka daw napahamak kana. Muntik kana ngang ipahanap sa pulis eh." Si May naman ang nagsalita.

"Ayos na ako. Kakausapin ko mamaya sina Senyora at hihingi ako ng pasensya." Aniya na pilit ang ngiting sumisilay sa labi.

"Kunin mo kasi ang mga number namin at ibigay mo rin Yung sayo. Para Kung ano't anuman ay makapagtext ka saamin." Sabi ni Andeng.

"Oo, sige mamaya. Salamat at nag alala kayo para saakin." Kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam niya dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga katrabaho sa pagbalik niya.

"Aiza, pinatatawag ka ni Sir Austin sa silid niya pagkatapos mo diyan." Bungad ni Nanay Digna na may dalang mga labahin.

"Sige po nay. Patapos narin po ako."

Pagkatapos niyang kumain ay umakyat na siya patungo sa kwarto ni Austin.

Palabas sana ito sa silid nito ng makita siyang palapit na dito.

"Pinapatawag niyo daw po ako sir?" Tanong niya dito. Sa mga oras na ito ay ibayong pagtitimpi ang ginagawa niya para hindi siya sumabog sa harap nito dahil sa mga nalaman niya.

"Ah, yes. Get inside first. I'll just give this to Dad." Itinaas nito ang hawak na puting folder.
"Wait me here."

Walang imik na pumasok siya sa kwarto at ito naman ay sinarado ang pinto at umalis na.

Pagak siyang natawa sa sarili. Heto siya, ang kaawa awang Melissa. Sunod sunuran sa mga pumatay sa mga magulang niya. Di bale, darating ang panahong isa sa mga Saldivar ang pasusunod sunurin niya. Yun ang naiisip niyang plano kung paano sasaktan si Agusto. 

Lumapit siya sa pang isahang sofa at umupo doon. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ng silid na wala namang pinag iba sa huli niyang pagkakita rito.

Isinandal niya ang likod sa malambot na sofa, hindi niya alam kung dahil ba sa amoy  ng binata na nakalukob  sa buong silid na iyon ay parang hinehele siya o sa pagkabagot dahil matagal bago bumalik ito na hindi niya namalayang nakatulog siya.

HALOS mag iisang oras si Austin sa opisina ng Daddy niya dahil may pinag usapan pa sila at kahit gusto na niyang umalis dahil pinaghintay niya doon sa kwarto si Aizalyn ay hindi niya basta basta  magawa.

Kaya naman pagkatapos nilang mag usap ng Daddy niya ay halos takbuhin niya ang kwarto niya, para lang makita ang dalaga na himbing na himbing ang pagkakatulog kahit nakaupo lang ito.

Walang ingay na nilapitan niya ito at pinagmasadan.
"Pretty." Anas niya sa mukha nito na hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha nito.

Dahil sa palagay niya ay hindi komportable ang dalaga ay walang pag aalinlangang binuhat niya ito para ilipat sa kama niya.

"This is insane." Bulong bulong niya sa sarili dahil ngayon niya lang ito ginawa sa isang babae.

Listen To Your HeartWhere stories live. Discover now