Chapter Eight

9 0 0
                                    

"MELISSA! MELISSA!" Agad na nagtatakbo si Melissa pababa ng hagdan ng marinig ang malakas na sigaw ni Miguel mula sa unang palapag ng bahay ng mga Fernandez.

"Miguel,bakit?" Agad na tanong niya ng salubungin niya ito sa sala.

Nakita niya ang nagtitimping ngiti nito sa mga labi saka siya dinaluhong ng mahigpit na yakap.
"Pulis na ako! Pulis na ako Melissa!" Masayang balita nito sa kanya na ikinatuwa niya rin ng husto.

"T-talaga, Miguel? Talaga ba?!" Hindi makapaniwalang tanong niya ulit.

"Oo! Dumating na ang result ng board, and i am one of those thousand people who took the exam and passed. I'm so happy Mel." She saw the glint of hapiness in his eyes kaya naman niyakap niya ulit ito. Masaya siya para dito.

"Pag nakapagtrabaho na ako, matutulungan na kita. Matutulungan na kitang hanapin ang hustisya para sa magulang mo. We will never stop until we put those criminals in jail. I promise you that Mel."

Napaluha narin siya dahil sa nakikitang determinasyon sa mukha ng binata.

Limang buwan na siyang namamalagi sa poder ng mag amang Alfred at Miguel Fernandez. Laking pasasalamat niya at mababait na tao ang nakakita at tumulong sa kanya.

Madalas sa manila ang mag ama kaya miminsan lang itong magbakasyon sa San Isidro dahil naroon ang trabaho at ilang kabuhayan ng mga ito. May properties lang na galing sa mga magulang si tito alfred kaya naman bumibisita ang mag ama kahit minsan lang.

Nang mapulot daw siya ng mag ama ay gusto na ng mga itong ireport sa pulisya na may nakita silang katawan sa tabi ng ilog pero dahil sa dalawang tama ng baril na nakita nila sa likuran niya ay naisip ng mga ito na nasa peligro ang buhay niya at baka lalo siyang mapahamak kapag ibinigay siya sa pulisya kaya napagpasyahan ng mga itong itago na lamang siya sa bahay ng mga ito at hintaying magising.

Naghintay paraw ang mga ito ng balita kung may nawawalang kaedaran niya at baka nag aalala na ang pamilya niya pero walang balitang umabot sa kaalaman ng dalawa kaya naging lihim ang pananatili niya sa poder ng mga ito habang wala siyang malay. Dalawang beses paraw siyang nag agaw buhay buti nalang at may kakilalang head sa hospital ng San Isidro si Tito Alfredo nakapag provide ang mga ito ng mga kakailanganin para sa pagpapagaling niya.

At nang magising na siya ay pinagtapat niya dito ang trahedyang nangyari sa buo niyang pamilya at nagmakaawa sa mag ama na tulungan siya. At isa sa tulong na hinihingi niya ay ang pag iiba niya ng pangalan dahil natatakot siyang makarating sa mga Saldivar na buhay siya at balikan siya ng mga ito.

Nangako naman ang mga itong tutulong at pino proseso na ngayon ang bago niyang mga dukumento. Napag usapan nila na kapag maayos na ang papers niya ay luluwas na silang tatlo ng manila at doon na muna siya mag aaral habang nag papaimbestiga narin sa nangyari sa pamilya niya.

Listen To Your HeartWhere stories live. Discover now