Chapter Eleven

5 0 0
                                    

"ANG saya yata natin ngayon ah?" Pansin sa kanya ni Izza ng makasalubong niya ito habang umakyat siya ng hagdan at pababa naman ang dalaga.

Bahagya lang itong tinanguan ni Austin at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa kanyang silid.
Kahit na itago niya ang ngiti ay pilit parin iyong lumalabas. Masaya siya at isa lang ang dahilan. Si Aizalyn.

Magaan ang pakiramdam niya dahil mukhang pareho silang dalawa ng nararamdaman. Base sa paraan ng pag ganti nito ng halik sa kanya ay alam niyang nakapasok na siya sa sistema ng dalaga.

Hindi mahirap sa kanya ang makakuha ng babae at magpaibig ng mga ito. Kaya naman kakaiba ang nararamdaman niya Kay Aizalyn dahil kakaiba ito sa lahat.

Napaupo siya sa kanyang sofa ng makapasok sa silid at sandaling napaisip. Ayaw man niyang magduda pero hindi maalis sa isip niya ang mga sinabi ng kanyang ama na kamukha nito ang mga yumaong magulang ni Izza.

At wala pa siyang alam tungkol dito maliban sa mga sinabi nito sa kanya. At sa kaalamang namatay ang mga magulang nito sa isang krimen, naisip niyang ipa background check ito at baka may maitulong siya kung hindi pa na reresolba ang kaso ng mga magulang nito.

Hinugot niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at tinawag Ang isang kakilala na makakatulong sa kanya.

Dalawang ring lang sa kabilang linya ay sinagot nito ang tawag niya.

"Yes, Mr. Saldivar?"

"May ipapa background check ako sayo, David. Pwede ba?"

"Of course, tell me the details."

"Thank you. Her name is Aizalyn Fernandez. I want to know where the exact province she came from before she end up here in our house as maid. and what happened to her family, especially about the case of her parents. She already told me some of her story but I want to know her more, so..Can you do that?"

"Yes. I'll call you in two days."

"Good, thank you."

Ibinaba niya ang tawag at ipinasyang abalahin ang sarili sa mga dokumentong nagkalat sa ibabaw ng mesa niya.

Nagpipirma siya ng mahahalagang papeles ng makarinig ng marahang katok sa labas ng pinto niya.

"Come in." Sabi niya na hindi itinigil ang ginagawa.

Dahan dahang bumukas ang pinto at bahagyang nakasilip na Aizalyn ang bumungad sa kanya.

Agad na lumiwanag ang mukha niya ng makita ang dalaga at tumayo siya para lapitan ito dahil kahit pinapapasok niya ay nanatili parin ito sa pinto.

"Hey," he greeted as he kiss her in her temple.

Nag angat ito ng tingin sa kanya na para bang may sasabihin na hindi masabi Sabi sa kanya Kaya naman iginiya niya Ito sa siko papasok at sinarado niya ang pinto.

"May problema ba?"

Alanganin itong umiling bago sumagot.
"Wala naman. Gusto--"

Natigil ang pagsasalita nito ng marinig nilang pareho ang pag iingay ng kanyang telepono. Hinayaan niya lang iyon hanggang sa tumigil at muling hinarap ang dalaga.

"Yes, baby? Do you need anything?"

"Gusto ko lang sanang---"

Mariin siyang napapikit sa inis ng muli na namang mag ingay ang cellphone niya. Hindi na niya sana papansinin iyon dahil mas mahalaga sa kanya ang pakay ng kaharap kaysa tawag ng kung sino man iyon.

"Answer it." Wala sa sariling Sabi nito na napabungtong hininga.

"No baby, Just ignore it. Tell me what--"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Listen To Your HeartWhere stories live. Discover now